"Sigurado ka na ba talaga na okay lang 'tong damit ko Kim?" Tanong ko kay Kim.
Hindi ako mapakali, nandito na ako ngayon sa bahay nila Ma'am Ayla, kasama ko sila Kim at Eros. Nandito ako para sa birthday ng anak ko pero takot na takot akong makita ngayon si Allen, pakiramdam ko gusto ko magpakain sa lupa dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko sa oras na 'to.
"Excuse me best ang ganda mo kaya. Diba? Eros." Sagot niya na ikinatingin ko sa sarili ko.
Isang simpleng A- line dress lang ang suot ko at konting light make up lang din ang nilagay ni Kim sa akin, at kahit ayoko, napilitin din akong isuot ang Block heels na regalo sa akin ni Eros noong pasko.
"Hayaan mo na yan, kinakabahan lang yan." Usal ni Eros.
Kunot noo akong tumingin sa kanya na ikinangiti niya lang.
"Heler, kinakabahan ka? E, birthday 'to ng anak mo. Tsaka, ang ganda- ganda mo kaya, kahit siguro hindi ka nag make up ngayon, lilitaw pa rin ang ganda mo." Sagot ni Kim na ikinatahimik ko na lang.
"Mama..." Masayang tawag ni Amellia sa akin na kakababa lang galing sa bahay nila Allen.
Dito na agad kami sa loob ng bahay nila Sir Aries dumeritso katulad ng pangako ko kay Amellia noong Isang linggo. Agad ko siyang niyakap sabay abot ng regalo ko sa kanya. Sumunod naman sa akin si Eros at Kim na inabot rin kay Amellia ang regalong binili nila kahapon kasama ko.
"Thank you po Mama. Thank you rin po Tita Kim at Tito Eros, salamat po sa pagpunta at salamat po sa pagsama sa Mama ko."
"Welcome baby para sa'yo." Sagot ni Kim na ikinangiti ni Amellia.
"Mama. Tara po, punta na po tayo sa labas nandoon na po si Papa." Ani ni Amellia sabay hawak niya sa kamay ko para hilain palabas. Aangal pa sana ako, pero huli na dahil nahila niya na ako papunta ng garden nila. Tulad ng inaasahan ko maraming bisita ang nandito ngayon, at higit sa lahat, tama nga sila Eros, dahil ang hindi ko gusto makita sa gabing ito ay nandito na ngayon sa harap ko. Si Allen at Stacey.
"Papa, nandito na po si Mama, ang pretty niya po diba?" Nakangiting tanong ni Amellia kay Allen.
Umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung makakaya kong titigan siya lalo na ngayon na may kasama siyang iba, nakakahiya.
"Yes love, she's pretty."
I stopped. Agad akong tumitig sa kanya pagkatapos kong marinig ang boses niya. Nakatingin siya sa akin ngayon, pero hindi katulad ng dati ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Kung noon may emosyon pa akong nakikita sa mga mata niya, ngayon wala na akong maramdaman, wala na akong makita.
"Talaga po?" Tanong ni Amellia kay Allen.
He nodded. "Oo naman, anyway, samahan mo muna ang Mama mo sa table nila. Sasamahan ko muna saglit si Tita Stacey mo, I'll be back." Sagot ni Allen kay Amellia na ikinatigil ko.
Pait akong ngumiti. Bakit pa nga ba ako aasa? Mukhang masaya na naman siya ngayon. Tsaka, ito ang gusto ko diba? Kaya wala akong karapatan masaktan ngayon, dahil kasalanan ko naman kung bakit hindi na ako.
"Pero Papa."
Hindi natapos ni Amellia ang sasabihin niya ng talikuran na kami ni Allen kasama ni Stacey.
"Wait Mama, hahabulin ko po si Papa." Ani ni Amellia.
Pinigilan ko siya, agad kong hinawakan ang kamay niya para pigilan sa pag- alis.
I sighed.
Saglit akong sumulyap sa kanila Allen na palabas pa lang ng gate, masaya siyang nakikipag kwentuhan kay Stacey, at halatang- halata yun sa mukha niya, hindi yun matatanggi. Yun ang ngiting hindi ko na matatalo pa, wala na, tapos na, kinalimutan niya na ako, may bago na.
"Wag na baby, samahan mo na lang si Mama dito, pwede? Samahan mo na lang ako." Ani ko sa kanya.
Halatang nagtataka siya sa sinabi ko, pero dahil sa ayaw kong mahalata niya ang lungkot sa mga mata ko. Ngumiti na lang ako sa harap niya.
"Mama..." Aniya.
I slowly nodded my head. "Don't worry love, I'm fine... Rest room lang muna ako ha, punta ka na lang muna sa mga friends mo." I said.
Pilit kong inayos ang paraan ng pakikipag- usap ko sa kanya, wag lang niyang isipin na malungkot ako.
"Sige po Mama. Balik po agad kayo ha." She said.
I smiled. "Yes baby, I promise." Paninigurado ko sa kanya.
Pagkatapos na pagkatapos kong sabihin yun kay Amellia, dali- dali na akong pumunta sa rest room. Sinigurado ko muna na walang tao sa loob bago ako pumasok. At ng wala nang tao sa loob ay agad- agad akong tumingin sa harap ng salamin. At doon hinayaan kong tumulo ang luha sa dalawang mata ko na kanina ko pa pinipigilan lumabas.
I'm fine, okay lang ako, kaya ko 'to, ito ang gusto ko, masaya na siya, hindi ko na dapat guluhin ang buhay niya, tama na Zoey, tama na... I cried.
"Ri, open the door. Anong nangyayari diyan?" Rinig kong tawag ni Eros sa akin mula sa labas ng pinto.
Umiling ako. "A-ayos lang ako." I shuttered. Gusto ko man ayusin ang pagsagot ko sa kanya hindi ko kaya, tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko, ayaw ko na sanang umiyak, pero hindi ko kaya, hindi ko mapigilan.
"Best, kami lang ni Eros ang nandito, walang tao, promise." Ani naman ni Kim.
Isang malalim na buntong- hininga ang pinakawalan ko, nanghihina man ako ngayon, dahan- dahan akong lumapit sa pintuan para buksan ang pinto.
"Best."
Umiling- iling ako. "Ang sakit- sakit!" Hagulhol ko.
Dali- dali akong niyakap ni Kim habang hawak- hawak naman ni Eros ang kanang kamay ko..
"Shh, nandito lang kami, hindi kami aalis." Saad ni Kim.
"Mahal ko siya, mahal ko pa rin siya... Wala- wala akong karapatan magselos e, wala akong karapatan masaktan, pero ba- bakit? Bakit ang sakit ngayon? Bakit ang bigat? Ang bilis niyang makahanap." Sagot ko sa kanya.
"Iyak lang, nandito lang kami, nandito lang si Amellia, nawala man siya, nandito pa rin kami, marami pa rin kaming nagmamahal sa'yo. Kaya, sige lang, iyak lang, hinding- hindi ka namin iiwan, hinding- hindi ka mag- iisa. Nandito lang kami Ri, promise."
Aw, Eros..... Happy reading .. Enjoy...
Angie
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)
Romansa(COMPLETED) (UNEDITED) Publishing Company owner x Filipino Major Amariah Zoey Belmonte 3rd year college student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino, ang babaeng handang gawin para mabuhay. Malakas at mas masipag pa siya sa k...
