Kinabukasan wala akong ganang pumasok sa publishing, masakit ang ulo ko sa kakaisip ng mga kung ano-ano. Pero kahit gano'n, alam ko sa sarili ko na hindi ako puwede lumiban lalo na at may mga kailangan pa akong tapusin sa office.
"Riah, kanina ka pa hinihintay ni Sir." Salubong ni Camille sa akin pagpasok ko sa opisina na siyang pinagtaka ko.
"Ha? Bakit? Para saan?" Taka kong tanong sa kanya.
Nagkibit-balikat siya na mas lalong pinagtaka ko.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago tumango sa kanya.
"Pupunta na lang ako sa kanya ngayon agad, sige, salamat." Sagot ko sa kanya.
"Pero mag-ingat ka ha, baka masermunan ka, mukhang badtrip pa naman siya." Aniya na nagpakaba sa akin.
Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya, lalo na ngayon pagkatapos kong marinig na mukhang badtrip si Allen, ayaw ko naman na ma foul ako sa kanya, baka ma sisante pa ako ng wala sa oras.
"Good morning Sir, pinapatawag niuo po daw ako?" Magalang kong bati sa kanya, pagpasok na pagpasok ko sa opisina niya.
Isang malamig at madilim na titig ang sinalubong niya sa akin. Seryoso at matatalim ang paraan niya ng pagtingin sa akin, na siyang dahilan ng kabang nararamdaman ko sa oras na 'to, parang biglang tumigil ang oras, ngayong nandito ako sa harap niya, natatakot ako at magsisinungaling ako kung itatago ko yun.
"Get ready, aalis tayo." He said coldly.
Kumunot ang noo ko, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kasama pa ako, ano naman ang gagawin ko kasama siya? At saan naman kami pupunta?
"Bakit ayaw mo?" Malamig na tanong niya sabay lapit niya sa akin.
Ni hindi ko man namalayan na nakalapit na pala siya sa akin, masyado kong iniisip ang sinabi niya.
"Ayaw mo?"Tanong niya ulit.
Umiling-iling ako.
"Hindi naman po sa gano'n. Nagtataka lang po ako, saan po ba tayo pupunta?"
"Just do what I say. And again, wag na wag kang tatanggap ng tawag galing sa iba, habang kasama mo ako. Kung naalala mo ang sinabi ko, I don't like sharing what is mine." He said.
I stopped.
"Sir...."
"And last, stop calling me Sir, mas mabuti pa na simula ngayon, masanay ka ng tawagin akong Allen, or better, babe, baby, honey, what do you think? Anong mas maganda? Anong mas sweet?" Putol niya sa sasabihin ko na ikinatigil ko.
"Hi-hindi ko kayo maintindihan Sir, at saan po ba tayo pupunta, bakit kailangan kasama pa ako?"Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
My heart beat faster after I asked that question. Pakiramdam ko, gusto ko na lang talaga liparin ng hangin, o kainin ng lupa pagkatapos kong marinig ang mga sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan, bakit ba siya nagkakaganito.
"You'll see later, may susunduin pa tayo, then after that aalis na tayo, wag kana magdala ng damit dahil kumpleto na lahat ng kailangan mo sa pupuntahan natin." Aniya.
"Po? Para saan?"
"Family vacation." Simpleng sagot niya na mas lalong pinagtaka ko.
Gulong-gulo ako kung ano ba talaga ang pinagsasabi ngayon ni Allen, ayaw ko mag assume na gusto niya na ako, alam kong imposibleng mangyari yun at kailanman hindi mangyayari yun. Pero katulad ng sabi niya kanina, at dahil assistant lang naman niya ako ay hindi na lang ako kumontra sa kung anong gusto niya gawin, pinapa sweldo niya lang ako, at amo ko siya kaya kailangan ko talagang gawin ang gusto niya.
"Let's eat first, mamaya pa lalabas si Amellia sa School, kaya may time pa tayo kumain." Usal niya na ikinagulat ko.
Dali-dali kong inangat ang tingin ko sa kanya, dahil sa sinabi niya, at kitang-kita ko ang pagngiti niya habang abala pa rin ang kamay niya sa pagmamaneho, hindi siya nakatingin sa akin, pero alam ko na nakangiti siya ngayon.
"Ka-kasama si Amellia?" Utal kong tanong sa kanya.
Damn! Kumalma ka Ria, mahahalata ka na niya!!!
He nodded.
"Ba-bakit? Ilang araw ba tayo? At alam ba niya na kasama ako? Okay lang ba sa kanya? Pumayag siya?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
Saglit siyang tumingin sa akin, bago muling tumingin sa daan.
"Of course she knew, my baby, si Amellia, siya ang buhay ko, iniwan siya sa akin ng Nanay niya, nanghihina pa siya noon, oo, nagulat ako ng dumating siya sa buhay ko, hindi ko alam kung paano mag alaga ng baby na may sakit, ng isang baby na nanghihina. Pero one thing na sigurado ako, noong araw na dumating siya sa buhay ko, noong araw na nakita ko siya sa labas ng bahay namin, binago niya na ang buhay ko. Kaya wala akong itatago sa kanya, hindi ko kayang magtago sa kanya."
I stopped. Hindi ko alam, pero bigla akong nakaramdam ng takot sa oras na 'to, lalo na sa paraan ng pagsasalita niya, natatakot ako, kinakabahan ako at nasasaktan ako, para sa anak ko, para kay Allen, at para sa sarili ko.
"Are you okay?" He asked coldly.
I smiled.
"O-Oo, okay lang ako, medyo inaantok lang ako." Utal kong sagot sa kanya.
Akmang sasagot pa sana siya ng biglang nag ring ang phone ko kaya, tiningnan ko muna kung sino ang tumatawag at ng makita ko ang pangalan ni Eros sa screen, walang alinlangan na sinagot ko ito.
"Hello, Lyndon?"
"Nasa CDO ka?" He asked.
"Oo, bakit?"
"Wala naman, may ipapabili ka ba? Nasa Camaguin ako ngayon, baka naman may gusto kang pasalubong?"
"Ah...."
"Kukunin ko lang si Amellia sa loob." Singit ni Allen sa usapan namin ni Eros.
I nodded sabay alis niya papasok sa loob ng school ni Amellia.
"Si Allen ba yun?" Tanong ni Eros mula sa kabilang linya.
"Oo, may pupuntahan daw kami kasama si Amellia." Sagot ko sa kanya.
"At sasama ka naman?"
I sigh.
"E-Eros. Gu-gusto ko lang, kahit saglit lang, gusto ko lang makasama sila and pangako, pagkatapos nito aalis na ako sa buhay nila, malapit na, sobrang lapit na Eros, malapit na."
"Okay, sabi mo e, pero alam mo ba?"
"Ha? Anong alam ko?"
"Birthday ni Allen sa April 29."
Good afternoon, family vacation na nilaaaa.... Excited na ako sa mangyayari, kayo ba? Char lang, alam ko naman na silent lang kayo, anyway happy reading everyone... Xoxo.
Angie.
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)
Roman d'amour(COMPLETED) (UNEDITED) Publishing Company owner x Filipino Major Amariah Zoey Belmonte 3rd year college student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino, ang babaeng handang gawin para mabuhay. Malakas at mas masipag pa siya sa k...