Ito na, finally! Sana lang talaga pagbigyan ako ng tadhana at makapasa ako sa interview ngayon, magkaroon ng trabaho sa loob ng buwan ang pinaka goal ngayong araw. At lahat gagawin ko para pumasa.
"Good morning Miss. Kami po yung dalawang nag apply online." Bati ni Jackie sa Isang babaeng employee pagpasok namin ng publishing company..
Tumango ang babae sa amin habang nakangiti. " yes, kanina pa kayo hinihintay ni CEO." Sagot ng babae na ikinagulat ko.
Nanlaki ang mata ko. "CEO po?"
She nodded." Yes, si Sir Cena mismo mag iinterview sa inyo." She said.
Kumunot ng tuluyan ang noo ko, dahil sa narinig. Cena? Wag naman sanang sila Ma'am Lucia o Sir Aries ang may- ari ng kompanyang 'to or worst wag naman sana na si Allen.
"Cena po? Sino pong Cena?" I asked.
Nanlalamig na ang mga kamay ko habang tinatanong ang babae, hindi ko ata kayang tumuloy kung sakaling si Allen ang may-ari ng publishing na 'to.
The girl smiled. " Si Sir Allen Cena po." She answered.
Umiling-iling ako. "Hindi pwede." I whispered.
"Ria, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Jackielyn sa akin.
"Oo. Jack, ikaw na lang kaya ang mag apply." Nauutal kong sagot kay Jackie.
Nakita ko naman ang pagkagulat sa mata ng babaeng employee sa sinabi ko, pati na rin ni Jackie na ngayon ay hawak-hawak ang kamay ko.
"Sandali lang po Ma'am ha, kausapin ko lang 'tong kaibigan ko." Ani Jackielyn sabay tango ng babaeng empleyado.
"Ria, anong sinasabi mo na ako na lang? Ano ba talagang problema?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin ng makaalis na yung babae sa harap namin.
"Natatakot ako Jack. Parang hindi ko kaya, ikaw na lang, hihintayin na lang kita dito." Sagot ko sa kanya.
Tumaas ang kilay niya. Tila, hindi naniniwala sa sinabi ko. Alam kong nagtataka siya ngayon, pero hindi ko pa kayang magpaliwanag sa kanya, hindi dito sa lugar kung nasaan ang tatay ni Amellia.
"Tell me, ano ba talagang nangyayari ha? Narinig mo lang na Cena ang may-ari ng kompanyang 'to, bigla ka lang natulala." Aniya.
Umiling ako. "Wala, natatakot lang talaga ako." Saad ko sa kanya sa maliit na boses.
Narinig ko naman ang pag buntong-hininga ni Jackie bago seryosong tumingin ulit sa akin.
"Kung, hindi na talaga kita mapipilit, wala akong magagawa, pero Riah. Isipin mo kung bakit ka nandito ngayon, isipin mo kung bakit mas pinili mong mag trabaho sa 2 months na bakasyon na meron tayo. Hindi ko man alam ang dahilan mo, isipin mo sana kung bakit ka nandito ngayon." Aniya. Na nagpatahimik sa akin.
Bakit ko nga ba ito ginagawa? Si, Amellia. Siya ang dahilan ng lahat kaya gusto ko maka-ipon ng pera, para balang-araw, kung sakaling malaman niya man na ako ang Nanay niya, kahit papaano may mukha akong ihaharap sa kanya.
Akmang magsasalita pa sana si Jackie, ng muli kaming tawagin ng babaeng empleyado kanina. Sabay kaming lumingon ni Jackie sa kanya.
"Ma'am, kayo na po ang next." Saad ng babae.
Jackielyn nodded. "Sige po." Sagot niya sa babae, sabay baling ng tingin niya sa akin.
"Mag decide ka na muna ha, mauuna na ako.." she said.
I smiled.. "good luck." Sambit ko sa kanya.
Pagpasok na pagpasok ni Jackie sa loob, nagsimula na naman akong manlamig. Hindi ko alam ang gagawin ko, gulong-gulo ako. Pero tama si Jackielyn, may dahilan ako bakit ko pinili ang sitwasyon na 'to, at ang dahilan na yun ay ang anak ko. Si Amellia lang at wala nang iba. Hindi naman siguro ako makikilala ni Allen, ilang beses na kaming nagkaharap kaya alam kong hindi niya ako makikilala.
"Ma'am, kayo na po." Pukaw ng babaeng empleyado sa akin..
I smiled. "Si Jackie?" I asked.
"Nasa contract signing room na po ma'am." Sagot niya.
I smiled. Nakapasa siya.
"Tutuloy po ba kayo?" Tanong niya.
I sighed bago sagutin ang tanong niya.
Para kay Amellia, para sa anak ko.. "opo." I answered.
Inalalayan ako ng babae hanggang makapasok kami sa opisina ni Allen, then mula dito sa pintuan kitang-kita ko ang likod ni Allen habang nakatayo at nakatingin sa bintana ng opisina niya.
"Sir, nandito na po ang next applicant." Pukaw ng babae kay Allen.
"Thank you Camille, you can go now." Ma-awtoridad na utos ni Allen sa empleyado niya na Camille pala ang pangalan.
Sabay ng pagtango ni Camille sa amo, ay ang pagharap rin ni Allen sa akin na siyang ikinatigil ko.
"Good morning... Sir.." Parang gusto kong sapakin ang sarili ko, dahil sa pagbati ko sa kanya, bakit kailangan ko pang mautal?
He chuckled. Parang nasiyahan siya sa tono ng pananalita ko.
"Easy Amariah, kahit hindi mo pa rin inaacept ang friend request ko, magiging friendly pa rin ako sayo. Tsaka, don't be so formal, parang hindi tayo magkakilala niyan." Aniya.
Grabeng kaba ang nararamdaman ko sa oras na 'to, at ang tanging naririnig ko lang ay ang kabog ng puso ko na sobrang bilis ngayon. I'm afraid, natatakot akong may magawa akong mali at mahalata niya ang pagkailang ko sa kanya.
"Anyway, let's start. After I read your resume, sinasabi dito na Third year college ka pa lang ngayon sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino right?" Kaswal niyang tanong.
I nodded. "Yes... Sir..."
He smiled. "Talented ha, base din sa resume mo, hobby mo ang pagsusulat tama?" Tanong niya ulit.
I nodded for the second time.
"Just like my Mom, and my Amellia. amazing." Aniya na ikinagulat ko.
Si Amellia? Paano? E, 5 years old pa ang anak namin.
"Pag walang ginagawa lang po Sir. Nagsusulat ako." I said.
He nodded. "Okay, now, my first question is that. Boyfriend mo ba si Eros?"
Nanlaki ang mata ko. "Po?"
"You heard me, Answer me. Riah." He said coldly na siyang ikinagulat ko dahil biglang umiba ang tono nang pananalita niya.
Umiling-iling ako. "Hindi ko po alam kung bakit niyo ito kailangan itanong, pero kung gusto niyo lang po akong maging honest sa inyo. Sasagutin ko po kayo ng totoo. Hindi ko po boyfriend si Eros, parati lang kaming magkasama dahil sakanila po ako nakatira." Sagot ko sa kanya.
Muli naman lumiwanag ang tingin niya na mas lalong pinagtaka ko. Ano bang nangyayari sa kanya?
"You're right, I want you to be honest, kasi kung tatanggapin man kita sa kompanya, at mag tatrabaho ka sa akin gusto ko ng honest at totoong tao." Mariin niyang sabi.
Alam ko na, sabi ko na nga ba, ayaw niyang maloko.
"Now, last question is that may boyfriend ka ba ngayon? He asked.
Kumunot ang noo ko.
Nauunawaan ko ang unang tanong, pero itong pangalawa? Saan niya 'to nakuha?
Pero imbes, ipahalata ko sa kanya na naguguluhan talaga ako sa mga tanong niya, tipid na lang akong ngumiti sa kanya. Bago tuluyan sagutin ang tanong niya.
"Wala po Sir." Totoong sagot ko sabay tango niya habang hindi inaalis ang ngiti sa labi niya.
"Good then, you're hired congratulations Miss. Amariah. And now, as your new boss, my first job for you is accept my Facebook friend request, As soon as possible."
Accept mo na kasiiii friend request niyaaa Riah... HAHAHA... Anyway good afternoon everyone and happy reading ... Abangaan niyo may magiging jalosi sa mga next chappp HAHAHA...
Angie
![](https://img.wattpad.com/cover/247326850-288-k857263.jpg)
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)
Любовные романы(COMPLETED) (UNEDITED) Publishing Company owner x Filipino Major Amariah Zoey Belmonte 3rd year college student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino, ang babaeng handang gawin para mabuhay. Malakas at mas masipag pa siya sa k...