Kaba, at bilis ng pintig ng puso ko ang tanging naririnig ko ngayong katabi ko siya, karga- karga niya si Amellia habang papasok kami sa Dahilayan, laking Bukidnon ako, pero ito ang unang pagkakataon ko na pumunta sa lugar na 'to, nababasa ko lang sa novel kung gaano kaganda ang Dahilayan at tulad ng mga sinasabi ng iba, iba pa rin talaga pag ikaw na mismo ang nakapunta at nakaapak sa nakapakagandang lugar na 'to.
"Ate, are you okay?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Amellia pagkatapos niyang ibaba ni Allen.
Tumango ako.
"Okay lang ako baby, maganda lang talaga dito." Sagot ko sa kanya.
"Maganda po talaga dito later po sama ka sa amin ni Papa ha, sasakay tayo ng mga rides." Aniya.
I smiled.
"Yes baby, later, for now ikaw na muna mag enjoy. Maraming flowers doon 'o." Wika ko sa kanya na mas nagpangiti pa sa kanya.
"Yey, doon po muna ako." Paalam ni Amellia sa amin ni Allen bago siya pumunta sa Isang area na puro flowers.
"She really likes you."
Hindi ko alam kung sasagot ako sa sinabing yun ni Allen lalo na at hindi pa rin tumitigil ang puso ko, sobra pa rin akong kinakabahan ngayong nandito siya sa tabi ko.
"Alam kong hindi mo pa ako pinagkakatiwalaan sa ngayon, but gusto kong patunayan sayo na gusto kita Ria, hindi man ako Ang ideal man na nasa isip mo, I want the best man para sayo, just, give me a chance." Dagdag niya na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.
"Allen---- marami akong nagawang kasalanan sa buhay ko, marami akong maling desisyon sa buhay ko, na alam kong magiging dahilan ng paglayo mo sa akin balang- araw, ayaw ko na masaktan, ayaw ko ng may madamay pa sa pagiging malas ko sa buhay." I said.
"Then, let me, hayaan mo akong pumasok sa buhay mo, maging malas tayo pareho, hindi ko hinihiling sayo na magustuhan ako agad, hindi ko hinihiling sayo na mahalin mo ako agad, pero hinihiling ko ngayon sayo na sana bigyan mo ako ng chance. Dahil handa ako maging malas, makasama ka lang. Kaya, sinasabi ko sayo ngayon pa lang na, pumayag ka man o hindi may basbas mo man o wala. I will still court you, liligawan kita." Aniya na nagpatahimik sa akin.
Akmang magsasalita pa sana siya ng biglang putulin ni Amellia ang pag-uusap namin na siyang pinagpapasalamat ko.
"Papa, hiramin ko po muna si Ate, ipapakita ko lang sa kanya ang mga flowers." Paalam ni Amellia kay Allen.
Hindi na nakasagot si Allen kay Amellia ng agad akong hinila ni Amellia sa mga bulaklak.
"Ate, dito na lang po muna tayo, gusto po sana kita makausap." Inosenteng wika ni Amellia sa akin pagdating namin sa mga bulaklak.
I nodded.
"Sure, tungkol saan?" Tanong ko sa kanya.
"Ate, I know po, alam ko po, gusto kayo ng Papa ko."
Umiling ako.
"Amellia, kasi...." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niyang hawakan ang dalawang kamay ko na nagpatigil sa akin.
"Siguro po 5 years old lang ako, pero pinalaki po nila Daddy at Mommy ko ng maayos, kaya po I understand po if hindi niyo mala- like ang Papa ko dahil single Dad po siya at may anak na, pero sana po bigyan mo po siya ng chance kasi I know gusto ka po talaga niya and I also like you po to be my Mama."
I stopped ngumuso ako.
Gusto ko ng bumigay, gusto ko na siyang yakapin at sabihin sa kanya na ako ang Mama niya, pero alam ko oras na gawin ko yun, masasaktan ko siya at lalayuan niya ako, lalayuan ako ng anak ko.
"Amellia-- wala akong sinabi na hindi ko gusto ang Papa mo, dahil may anak na siya, dahil single Dad siya, wala akong pakialam sa mga gano'n na bagay, I like you, kaso, hindi ko kasi alam if paano magkagusto...ulit... Lalo na sa lalaking matagal ko ng minamahal.
Gusto ko sanang idagdag yun, pero sa huli pinili ko pa rin manahimik.
"So, may pag-asa po na magustuhan niyo si Papa?" She asked.
Napatigil ako, hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niyang yun.
I sighed.
"Alam mo, balang- araw maiintindihan mo rin ang gusto kong sabihin okay, sa ngayon bata ka pa, tsaka, planuhin na lang muna natin ang birthday ng Papa mo bukas, bago tayo umuwi sa atin." Pag-iiba ko ng usapan.
She smiled bago siya tumango.
"Sige po." Sagot niya.
Nagtagal pa kami ng ilang minuto ni Amellia sa mga area ng bulaklak bago kami bumalik sa pwesto ni Allen.
"Tapos na kayo?" Masayang tanong ni Allen pagbalik namin sa pwesto niya.
I nodded.
" Opo Papa, masaya po kami ni Ate, kaya po sumakay na po tayo ng mga rides po, tara." Ani ni Amellia sabay hila niya sa kamay ni Allen.
Sabay- sabay kaming tatlo na sumakay sa mga rides dito sa Dahilayan, at hindi ko itatanggi na sobra ang saya ko habang nakatingin sa mag-ama ko na masaya sa araw na 'to, kung ganito na lang sana palagi.
"Nakatulog na siya sa pagod." Usal ni Allen pagdating namin sa bahay.
Kinarga niya papasok sa kwarto si Amellia, habang nag timpla naman ako ng kape para sa kanya.
"Kape." Wika ko sa kanya sabay abot ko ng kape na ginawa ko. Agad naman niya itong tinanggap na nagpangiti sa akin.
"Kailan ka mag papa enroll?" He asked.
Nagkibit- balikat ako bago sagutin ang tanong niya.
"Sa 3, sabi rin kasi ni Eros, yun daw ang simula ng enrollment, at ayaw ko naman ma late." Sagot ko sa kanya.
"Ihahatid kita kung gano'n tsaka, babalik na rin naman tayo bukas ng gabi." Aniya.
Tumango ako.
"Kaya ko naman pumunta mag- isa tsaka kasama ko naman si Jackie."
Saglit niyang tinigil ang pag- inom niya ng kape bago seryosong tumingin sa akin.
"Sasamahan ka ni Eros?" He asked coldly.
Umiling ako.
"Bu- busy si Eros para sa graduation niya, tsaka nasa Amerika siya ngayon. Hi-hindi ko alam kailan ang balik niya." Kinakabahan kong sagot sa kanya.
Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung tama ba na sinabi ko yun sa kanya, pero sana hindi na siya magtanong kung bakit, mahirap na baka malaman niya pa ang totoong dahilan kung bakit nasa ibang bansa ngayon si Eros, baka masabi niya pa sa pinsan niya, mahirap na. Wala ako sa lugar para mangialam sa buhay nila.
Angie
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Publishing Company owner x Filipino Major Amariah Zoey Belmonte 3rd year college student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino, ang babaeng handang gawin para mabuhay. Malakas at mas masipag pa siya sa k...
