Kabanata 16

1.3K 18 3
                                        

Kahit labis-labis ang kabang nararamadaman ko kinabukasan, sumama pa rin ako kay Allen papunta sa maria Christina falls. Sabi nila sa lahat ng falls dito sa Iligan ito ang pinaka pinupuntahan ng mga turista. Dahil maliban sa ito ang source ng energy nang buong probinsiya, ang Maria Christina falls rin ang isa sa may mga magandang alamat kung paano nagsimula.

Hindi ko akalain na makakasama ko sa magandang lugar na 'to ang lalaking noon pa lang pinapangarap ko na. Pero alam ko rin na darating din ang araw na kailangan ko uli lumayo sa kanila ni Amellia, gusto ko man silang makasama dalawa, tanggap ko na sa sarili ko na malabong mangyari yun, oras na malaman ni Allen ang katotohanan.

"Nagugutom ka na? Want to buy some snacks?"tanong ni Allen na ikinatingin ko sa kanya..

I smiled. "Wag na Sir, nagandahan lang ako sa lugar na 'to, hindi lang ako makapaniwala na makakarating ako dito." Pag-amin ko sa kanya.

"You mean? Naisip mo na punta dito noon?"taka niyang tanong sa akin.

I nodded.

"Opo, noon kami ni Eros, nagsusulat kami sa notebook tungkol sa mga lugar na gusto namin puntahan. At isa nga Ang falls na 'to sa listahan namin." Sagot ko sa kanya na ikinatahimik niya.

Kung kanina, nakangiti pa siya habang nakatingin sa akin, hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang sumimangot, pagkatapos kong mabanggit si Eros.

Isang malalim na buntong hininga ang narinig ko kay Allen, nahahalata ko sa mata niya ang inis na, hindi ko maintindihan kung bakit niya nararamdaman ngayon.

"Ah, Sir..." Hindi ko natapos ang dapat kong sabihin ng biglang nag ring Ang phone niya. Akala ko lalayo muna siya sa tabi ko bago sagutin ang tawag, pero laking gulat ko ng manatili siya sa tabi ko habang nakikipag-usap sa kausap niya.

"Hi daddy." Rinig kong boses ng isang batang babae sa kabilang linya na alam kong boses ni Amellia.

My baby. I miss you love.

"Hello, Princess, kumusta?" Nakangiting tanong ni Allen kay Amellia. Naka video call si Allen at Amellia, kaya kitang-kita ko ang pagngiti ni Allen. Halatang masaya siya sa pakikipag-usap sa anak namin. Kaya kahit papaano ay masaya na rin ako, makita ko lang silang dalawa na masaya.

"I'm okay daddy. Kasama mo po si Ate Ria? Can I talk to her?" Rinig kong tanong ni Amellia sa Tatay niya na nagpatigil sa akin.

"Yes, I'm with her. Saglit lang."sagot ni Allen sa bata sabay abot niya sa akin ng cellphone.

Tatanggi sana ako na makausap si Amellia ng bigla kong marinig ang inosenteng boses niya na nagpalambot sa akin.

"Hi ate, pakisabihan po ako kung aawayin ka ni Daddy ha. Susumbong natin siya kay Kuya Eros." Inosenteng wika niya sa akin..

I smiled. "Okay lang ako Amellia, mabait si Sir sa akin." Nahihiya kong sagot sa kanya.

Kahit sa ganito lang, kontento na akong makausap ang anak ko, kahit wag niya ng malaman ang totoo, basta makita ko lang siyang masaya, okay na ako. Saya na alam kong hindi ko maibibigay sa kanya oras na malaman niya ang totoo.

"Okay ate, tsaka, I believe aalagan ka po ni Daddy diyan, ingat po kayong dalawa. And let's have lunch together po ha pagbalik niyo here." Aniya na nagpatigil sa akin.

Lunch, kasama siya? Gusto ko yun. Ang hindi ko lang alam kung papayag ba ang Daddy niya kung sakali.

"Ate.." inosenteng tawag ni Amellia sa akin ng hindi ako agad-agad nakasagot sa kanya.

"Ah, eh..."

"Don't worry baby.... Kakain kayo ni Ate Ria ng lunch pagbalik namin d'yan and that's a promise." Putol ni Allen sa sasabibihin ko na siyang hindi ko inaasahan.

Ilang minuto pa silang nag-usap ni Amellia hanggang nagpaalam na si Amellia na kakain, kaya binaba na ni Allen ang cellphone niya, sabay baling ng tingin niya sa akin.

"She likes you." Aniya.

Tipid naman akong ngumiti sa kanya, bilang sagot.

"Ang cute niya."sagot ko na lang sa kanya.

He nodded.

"Yes, she's my world, my only love, alam mo ba na pihikan siya ng babaeng lalapitan?" Nakangiti niyang tanong na ikinatigil ko.

"Pihikan?" I asked.

"Yes, lahat ng babaeng nakikilala ko, hindi niya nagustuhan. Hindi ko nga alam kung kanino ba yan nagmana, limang taon pa lang ang dami ng alam." Aniya. Halata sa boses niya na proud siya sa anak namin. Hindi ko naman mapigilan mapangiti habang naiisip ang bagay na yun.

"And you know? Ito ang unang pagkakataon, unang pagkakataon na may nagustuhan siyang babae para sa akin at timing pa talaga na ang babaeng gusto niya ay ang babaeng gusto ko rin." Sagot niya.

I stopped. Hindi ko alam kung anong irereact sa sinabi niya, parang may nagliparan sa loob ko na kung ano. Alam kong hindi ako ang tinutukoy niya, pero bakit ako kinikilig? Bakit ako nakakaramdam ng saya?

Pero imbes pansinin ang sinabi ni Allen, pinagwalang bahala ko na lang yun at muling binaling ang tingin ko sa ganda ng falls. Ayaw kong mag pa apekto sa sinasabi niya, dahil ayaw kong dumating ako sa punto na mahihirapan akong iwan silang dalawa ni Amellia.

"Anyway, can I ask you?"

I nodded.

"Ano po yun?" I asked.

"Nagkita na ba tayo noon? Don't get me wrong Ri, I know noong nakaraan lang tayo nagkakilala, pero kasi ang weird lang pakiramdam ko noon pa kita kilala." Sagot niya na nagpatigil sa akin.

Hindi naman siguro niya ako nakilala diba? Hindi naman siguro agad matatapos 'tong ginagawa ko para saglit na mapalapit sa kanila ni Amellia diba?

"Ri." Tawag niya ulit sa akin.

Umiling ako sa kanya, bilang sagot.

I'm sorry Allen, kahit two months lang hayaan mo sana ako, hindi ko pa kayang harapin ang galit mo. Kahit saglit lang, gusto ko lang kayo makasama ni Amellia, mahirap pero kakayanin ko. Wag lang kayong magalit sa akin dalawa. Wag mo lang ilayo sa akin ang anak natin, kahit masakit kakayanin ko. Para sa inyo ni Amellia.

He smiled. Sabay ng pag ngiti niya ay ang pag-igting ng panga niya.

"Yeah, baka nga. Mali lang ako, anyway masaya akong nagustuhan ka ng baby ko para kung talagang sigurado na ako sa gusto ko. Hindi na ako mahihirapan ipaintindi sa kanya at sigurado akong buong pusong  tanggapin ka niya, lalo na kung malaman niya na, gusto rin kita, katulad niya. My daughter likes you. I like you. We both like you. And hoping that you will also like us,  sooner or later Ri. Dahil gustong-gusto  ka na namin dalawa ni Amellia. Sobra."

Allen!!!

Good eveningggg. Malapit na family date, malapit na rin maging jalosi ng todo si Allen and malapit na naman akong umiyak. Pero siyempre tsaka na pakikiligin ko muna sarili ko ngayon. Anyway balik ako after ko matapos manus ko for YT. Happy reading everyone.... Enjoy!!!

Angie

My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon