Noong araw na nag desisyon ako na iwan si Amellia sa tatay niya yun din ang araw na sinabi ko sa sarili ko na balang-araw, pagkaya ko na, pag may lakas na ako babalikan at kukunin ko siya. Pero pagkatapos kong makita si Allen ulit after 5 years, parang naglaho lahat ng mga plano o gusto kong gawin. Lalo na ng sinabi ni Eros sa akin na nasa Cagayan de Oro daw si Allen dahil sa minamanage niyang publishing company, nanghihina ako, nawawalan ako ng lakas, sobrang makapangyarihan niya na, at alam kong oras na kunin ko si Amellia sa kanya maaring matalo ako lalo na at kasalanan ko naman talaga kung bakit nasa poder nila ang anak ko.
"Gusto mo sumama sa akin?"
Yan agad ang tanong sa akin ni Eros na kararating lang. May dalawa siyang paper bag na dala na hula ko damit ang laman, damit na isusuot niya mamaya sa party ng Mama ni Allen.
Umiling ako. "Natatakot ako." I honestly said.
Bumuntong-hininga siya bago ibinaba ang paper bag na dala sa sofa.
"Ayaw mo na makita si Amellia?" Mahinang tanong niya sa akin.
I sighed.
"Hindi naman sa ayaw ko, pero kasi..natatakot ako Eros... Natatakot ako na baka mayakap ko siya bigla." I said.
He smiled. "Don't worry Riah, hindi ako lalayo sayo, and besides this is your chance, magkikita na kayong dalawa. At gusto kitang tulungan kahit sa ganitong paraan lang. Sa paraan na gusto mo, kasi kung ako mag dedesisyon gusto ko makilala ka ni Amellia, pero dahil sa ikaw ang inaalala ko, kahit dito lang matulungan kita." He genuinely said.
I smiled. Ma swerte ako at naging close ko si Eros, hindi ko akalain na sa kabila ng mga masamang nagawa ko noon sa buhay ko, may isang tao pa rin na handa akong tulungan at damayan. Kaya ang kaninang ayaw ko sumama sa kanya sa party nauwi sa sasama na ako. Kasi tama siya, chance ko na 'to na makita si Amellia, at hindi ko na dapat pa itong palampasin.
"Wag kang matakot, mabait sila."bulong ni Eros sa tenga ko habang papasok kami sa mansyon ng mga Cena.
Alam ko na mabait ang pamilya nila especially Ma'am Lucia, kilala siya bilang isang magaling na author, at isa siya sa inspirasyon ko kung bakit gusto kong maging manunulat balang- araw. Pero hindi ko maiwasan makaramdam ng kaba lalo na at alam kong makikita ko na ang anak ko sa loob, ang baby kong iniwan ko limang taon na ang lumilipas.
"Bro, buti nakapunta ka."nakangiting bati ng isang lalaki kay Eros na hula kong classmate niya base sa mukha at pangangatawan nito.
"Lecs, yes, actually humabol lang talaga ako, hinintay ko pa kasi si Riah."nakangiting sagot ni Eros sa lalaki sabay turo niya sa akin.
Ngumiti naman ang lalaki na tumingin sa akin.
"So, it's you. Anyway I'am Lecster Jade Cena Rigor, classmate kami nitong boyfriend mo. Nice to meet you lady."bati niya sa akin sabay abot niya ng isang kamay niya.
Kaya dahan-dahan ko naman itong inabot para kamayan.
"Nice to meet you too, pero hindi ko boyfriend si Eros, magkaibigan lang kami." Sagot ko kay Lecster na ikinatingin niya kay Eros na may nakakalokong ngiti.
"Really Eros? Bagal mo naman ata."asar niya sa kaibigan. Akmang sasagot na sana si Eros sa sinabi ni Lecster ng biglang may isang baritong boses ang sumingit sa usapan nila mula sa likod ko. Kaya sabay-sabay kaming lumingon sa likod ko kung saan nakatayo si Allen ng seryoso habang nakangiting nakaharap sa amin. Agaw pansin ang maroon na suit niya na mas lalong nag pa gwapo sa kanya, matangkad si Allen, pero dahil sa attire niya ngayon mas lalo siyang tumangkad.
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Publishing Company owner x Filipino Major Amariah Zoey Belmonte 3rd year college student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino, ang babaeng handang gawin para mabuhay. Malakas at mas masipag pa siya sa k...
