Kabanata 5

1.1K 25 3
                                    

Kabanata 5

Naging maganda ang pagtanggap sa  akin ng Pamilya ni Eros, mabait at malambing sila Sir Marcus at Ma'am Krista. Masasabi kong magaan na ang loob ko sa kanila sa tatlong araw na nandito ako sa bahay nila. Pinag-aral nila ulit ako sa Senior High School, noong una tumanggi pa ako, dahil sa hiya, pero naisip ko si Amellia, ang anak ko, kailangan ko mag sikap para balang-araw makuha ko ulit siya. Babalikan ko ang anak ko.

Dahil nga huminto ako ng isang taon balik Grade 11 ako ulit ngayon, pero ayos lang kasi naniniwala naman ako na ang pag-aaral ay hindi paligsahan bawat isa sa atin may sariling timeline.

Ikaapat na araw ko na 'to sa bahay nila Sir, at nasa biyahe kaming apat ngayon papunta sa Cagayan De Oro. Gusto ko man mag tanong kung bakit kami pupunta doon at kung bakit kailangan kasama ako, pero hindi ko naman magawa.

"Zoey, okay ka lang ba diyan?"Tanong ni Ma'am Krista sa akin.

I nodded. "Opo."

She smiled. "Don't worry, malapit na tayo, ikaw Eros, inaantok ka pa ba?" Tanong naman ni Ma'am kay Eros na ngayon ay nakasandal sa upuan.

"Don't worry Ma, I'm fine, nasa CDO na po tayo diba? Saan po ba tayo pupunta?" Tanong nito sa Mama niya.

"You'll see Son."sagot naman ni Tito Marcus habang abala pa rin sa pagmamaneho.

Nasa Cdo na pala kami? Ibang-iba ang probinsiyang 'to kesa sa Bukidnon, kung maingay na sa amin, mas doble pa ang ingay sa lugar na 'to. Pero bakit ba talaga kami namdito?

"We're here."nakangiting wika ni Ma'am sa amin ni Eros pagkatapos huminto ng sasakyan na nila sa isang sementeryo.

"Ma?" Tawag ni Eros kay Ma'am. Agad naman ngumiti sa kanya ang mag-asawa.

"She deserves to know the truth hijo."sagot ni Ma'am na pinagtaka ko.

Tahimik lang kaming naglakad apat papasok sa sementeryo, pagkatapos I park ni Sir ang sasakyan niya, nakangiti ang mag-asawa habang bitbit ang bulaklak na binili nila kanina sa terminal habang ramdam ko naman ang kaba nitong katabi ko.

"Nandito na tayo."maikling wika ni Sir ng huminto kami sa isang bahay na may lapida. Napatingin naman ako sa pangalan na nasa lapida at hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan habang binabasa ang pangalan ng taong nandoon.

"Romulo Suarez."

"18 years na ang nakakalipas, pero sariwa pa din sa alaala ko, kung paano niya ako nilagtas, ginawa niya ang tungkulin niya, kahit ang kapalit no'n ay mawalay siya sa anak niya." Nakangiting wika ni Ma'am na ikinatingin ko sa kanya.

Kitang-kita ang lungkot sa mga mata niya habang nakatingin sa lapida. "Kung hindi niya sana inuna ang tungkulin niya, hindi sana siya nawalay sa anak niya, pero kung hindi niya yun gi-ginawa, wala rin siguro si Eros sa akin ngayon." She added. Sabay tulo ng mga luha sa mata niya. Dalian naman siyang niyakap ni Sir.

Nakangiti naman akong tiningnan ni Sir na siyang pinagtaka ko. "Ba-bakit po?"

"I know, nagtataka ka ngayon, bakit ka namin sinama dito. Hija, dinala ka namin dito kasi bilang kaibigan niya, at bilang tagapagligtas ng pamilya ko, pinangako ko 'to sa kanya."

Nanlaki ang mata ko. Hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya.

"Po?"

"Pinangako ko sa kanya, na sa oras makita ko ang anak niya, dadalhin namin dito ni Krista, at pinangako ko rin sa kanya na aalagan ko 'to at po-protektahan, katulad ng ginawa niya sa Asawa ko noon." Sagot niya na ikinatigil ko.

Umiling ako. "A-anong sin-sinasabi niyo?" Utal-utal kong tanong sa kanya.

"One year old ka noon, masaya kayong namamasyal ng Papa mo, Ng may tumawag sa kanya sa presinto, na may nagaganap na kidnapping sa Gaisano Mall dito sa Cdo. At dahil malapit lang doon ang Papa mo, pinuntuhan niya yun at iniwan ka sa mga Madre na nandoon din ng mga oras na yun sa Mall. Nag pe-peform. Pinuntuhan niya ang kidnapping at ginawa ang tungkulin niya." Wika ni Sir na siyang nagpatahimik sa akin.

"Magkaibigan sila ng Asawa ko, pero matagal na silang hindi nagkita kaya hindi niya alam na Asawa ako ng kaibigan niya. Na-naalala ko noon, kahit buntis ako nanlaban ako sa mga lalaking yun para makatakas, buntis ako kay Eros noon, at ng nakahanap ako ng pagkakataon muntikan naman akong mahuli ng mga kidnapper. Dinala ako noon sa Isang building na sira-sira na inambanduna na. Akmang babarilin na ako ng nakahuli sa ginawa kong pagtakas ng biglang dumating ang Papa mo para harangan ang baril na papunta sa akin, kaya siya ang natamaan, siya ang nabaril. Pero bago siya tuluyan nawalan ng malay nabaril niya pa ang mga lalaki. At do'n lang dumating ang tulong." Kwento naman ni Ma'am na nagpatulo ulit ng luha ko sa pangalawang pagkakataon.

"Pagdating ko sa Hospital, doon ko lang nalaman na siya pala yung matalik kong kaibigan noon, nakausap ko pa siya, nasabi niya pa sa akin ang tungkol sa anak niya, kaya sinumpa ko sa kanya na kahit anong mangyari hahanapin kita, basta maging maayos lang siya, pero dahil sa kumplikasyon at dahil sa mga dugo na nawala sa kanya, hindi niya na kaya, bumigay na ang katawan niya."

"Pa-Papa."

"Pumunta ako noon sa simbahan dito sa Cdo sa pag-aakalang nandito lang ang mga madre na pinag-iwanan ng Papa mo sayo, pero hindi, hindi sila taga dito. Pero ma-maniwala ka Riah, kahit umalis kami ng Asawa ko papunta ng Amerika, hindi ako tumigil sa pagpapahanap sayo dahil gusto ko tuparin ang pangako ko sa Papa mo. Pa-patawarin mo lang ako kung natagalan, huli na ng nalaman namin na nasa malabaybalay ang mga madreng kumuha sayo, pumunta kami doon pero wala ka na daw doon at noong nakita kita sa karenderya ni Nanay Melinda at na kwento ni Nanay Melinda ang tungkol sayo humingi ako ng litrato kay Sister Jessy, ang Sister na pinagbigyan ng Papa mo sayo para malaman ko kung ikaw talaga ang hinahanap namin."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko nagulat ako sa mga nalaman ko, gusto ko mag wala gusto ko sumigaw pero kanino? Hindi ko nakasama si Papa dahil sa pamilya nila, pero tumgkulin niya yun at alam kong kahit sinong Pulis gagawin din ang ginawa niya.

"Zoey?" Mahinang tawag sa akin ni Ma'am.

Umangat ako ng tingin sa kanya. Kita ko sa mata niya ang guilty, pero alam ko na hindi niya yun ginusto, walang may gustong mangyari yun kaya tipid akong ngumiti sa kanya bilang ganti.

"Sorry. Pa-patawarin mo ako."Aniya. Sabay yakap niya sa akin na ikinatigil ko.

I smiled. "Trabaho niya po yun bilang Pulis, wala po kayong kasalanan." I genuinely said.

"Dahil sa akin nawalan ka ng Ama, nawalan ka ng Pamilya, pero pangako, hinding -hindi ka namin iiwan ng Tito Marcus mo, nandito kaming dalawa para sayo. Aalagaan at mamahalin ka namin." She said.

"At nandito rin ako, dahil sa kanya nakita ko ang mundo, binigyan niya ako ng pagkakataon makasama ang mga magulang ko, dahil sa sakripisyo niya nandito ako ngayon, kaya dito mismo sa harap ng puntod niya nangangako ako. Po-protektahan din kita Riah. Pangako yan." Wika naman ni Eros na ikinatingin ko sa kanya.

I smiled. Alam ko ito na ang simula, simula ng panibagong buhay ko, kaya sa harap mo rin Papa, pinapangako ko, itatama ko ang mali ko, magsusumikap ako, hahanapin ko ang anak ko, hahanapin ko si Amellia. Ang baby ko.

Itooooo naaa talagaaaa presenttttt naaa talagaaa next chapter..... Excited na akoooooooo. Magkikitaaaa na kaya sila??? HAHAHAHA...

Angie

My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon