Sabi nila, pag mahal mo daw yung tao, at hindi mo 'to inaamin sa kanya, talagang kakabahan at kakabahan ka tuwing makikita siya at makakasama..
Siguro nga paniniwalaan ko na ang kasabihan na yun, ilang taon na ang nagdaan, at noong nakaraan lang kami ulit nagkita. Pero alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko pa rin siya.
Pagkatapos nang nangyari sa Maria Christina falls, pagkatapos nang lahat ng sinabi niya sa akin, parang wala na ako sa tamang huwisyo, hanggang makabalik kami ng Cagayan De Oro. Tulala at hindi ko pa rin mawari kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga oras na 'to.
"Are you really sure na kaya mong pumasok? Puwede ka naman na bukas ng pumasok. I cut him.
"Okay lang ako Sir, tsaka, sayang po ang sweldo." Kinakabahan kong sagot sa kanya.
Paakyat na kaming dalawa ni Allen papunta sa office niya. Gusto niya sana akong ipa- absent ngayong araw, pero dahil sa nasasayangan ako sa pang-isang araw ko na sweldo, pumasok pa rin ako kasama niya.
Tiningnan niya lang ako ng seryo.. Aknang magsasalita pa sana siya ng bumukas na ang elevator, kaya dali-dali na akong lumabas, inunahan ko na siya sa paglabas dahil pakiramdam ko sasabog na ako kung mananatili pa ako sa tabi niya.
Papunta na ako sa table ko ng biglang may humawak sa kamay ko mula sa likod na siyang ikinatigil ko sa paglalakad.
Lumingon ako sa likod ko para tingnan kung sinong pumigil sa akin. At do'n ko nakita ang mukha ni Eros na nakangiti habang nakatingin rin sa akin.
I smiled. "Eros." I said.
"Hi beautiful, wala ba akong hug diyan?"pabirong tanong niya na ikinangiti ko lalo. Kaya walang pagdadalawang-isip na niyakap ko siya.
"Anong ginagawa mo dito?" I asked.
Nilagay niya ang kanang kamay niya sa ulo ko, sabay gulo niya sa buhok ko.
"Malamang na miss kita, tsaka, wala naman kaming pasok ngayon." Aniya.
"Ngayon ka lang dumating galing Iligan?" He asked.
I nodded.
"So, hindi ka pa kumakain?" Tanong niya ulit. Sasagot na sana ako sa tanong niya ng biglang may iang baritonong boses ang sumingit sa usapan namin.
Sabay kaming lumingon ni Eros sa likod niya, kung saan nakita namin ang matalim na titig ni Allen na siyang pinagtaka ko.
Kanina lang okay lang siya ha? Bakit bigla siyang badtrip? Tanong ko sa sarili ko.
"Allen, ikaw pala."nakangiting bati ni Eros kay Allen, sabay akbay niya sa akin.
Para sa akin, ayos lang ang ginawa ni Eros na pag-akbay sa akin, sanay na ako.. Pero ng makita ko ang pagtingin ni Allen sa kamay ni Allen na naka akbay sa akin, bigla akong nakaramdam ng kaba, kaba na hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko maramdaman.
"Eros." Mariing bati ni Allen pabalik kay Eros.
"Bro, yayain ko lang 'to si Riri kumain ha, hiramin ko siya saglit." Nakangiting wika ni Eros na dahilan ng pag-igting ng panga ni Allen at pagtitig niya sa amin ng seryoso ni Eros.
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Publishing Company owner x Filipino Major Amariah Zoey Belmonte 3rd year college student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino, ang babaeng handang gawin para mabuhay. Malakas at mas masipag pa siya sa k...
