Kabanata 12

1.4K 19 2
                                        

Tuwang-tuwa si Jackielyn, ng malaman niyang kaming dalawa ang nakapasok sa publishing, samantalang, hindi pa rin bumabalik sa normal ang tibok ng puso ko hanggang ngayon. Nandito na kami sa Hotel, pero ang pakiramdam ko ay naakaharap pa rin ako hanggang ngayon sa Ama ng anak ko.

"Hello, kumusta ang interview Ri?" Tanong agad ni Eros sa akin pagsagot ko nang tawag niya.

I sighed.

"Ri?" Tawag niya ulit sa akin.

"Nakapasok ako Lyndon, bukas na ang start ko." I said.

"Then, bakit parang hindi ka ata masaya?" Tanong niya na nagpatahimik sa akin.

"Nothing, pagod lang siguro ako." Sagot ko sa kanya.

"Tss, sinungaling." Aniya sabay off ng tawag na siyang pinagtaka ko.

Akmang aayusin ko na sana ang higaan ko nang biglang nag ring ulit ang phone ko, si Eros pa rin ang tumatawag, pero hindi tulad kanina, gusto niyang makipag video call ngayon. Kaya walang pagdalawang-isip ko ito na sinagot.

"Lyn."

Nakakunot ang noo niya habang nakaharap sa akin. "Alam kong nagsisinungaling ka lang Ri. Tell me? What's the problem?" Mariin niyang tanong.

Tipid akong ngumiti sa kanya bilang tugon.

"Actually.."

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.

"Tungkol ba kay Allen?" He asked.

I stopped.

"Nagkita kayo?"Tanong niya ulit.

I slowly nodded. "Siya ang CEO kung saan kami mag tatrabaho." I whispered.

"Star Publishing company ba ang tinutukoy mo?"Tanong niya ulit.

"Oo." Mahinang sagot ko sa kanya.

Hanggang ngayon nasa alaala ko pa rin kung paano niya ako titigan, kung paano niya ako kausapin, hanggang ngayon nasa isip ko pa rin.

He smiled. "Gusto mo ba sunduin kita diyan? Just tell me, pupunta ako agad diyan." Aniya.

Umiling ako. "Kaya ko Eros, kakayanin ko, para kay Amellia." I said.

"Good, that's the spirit. Basta kung may problema, sabihan mo lang ako ha, tawagan mo lang ako, sasagutin ko agad yan." Aniya.

I nodded. "Salamat Lyndon." Sagot ko sa kanya.

Ilang minuto pa ang tinagal namin ni Eros sa paguusap ng napagpasyahan ko nang putulin para makapagpahinga na rin katulad ni Jackie na ngayon ay tulog na tulog na, dahil maaga pa kami bukas.

Pero bago ako tuluyan humiga para matulog, binuksan ko muna ang account ko para gawin ang utos ni Allen sa akin. Pinikit ko muna ang mata ko, bago pindutin ang accept friend request niya. Akmang papatayin ko na sana ang cellphone ko nang biglang may nag chat sa akin na ikinatigil ko.

From Allen:

Thank you, for accepting my friend request Ria, can't wait to work with you tomorrow. See you. And goodnight.

Damn you Allen!

Natulog ako na hindi pa rin bumabalik ang normal na tibok ng puso ko, mas lumala pa nga dahil sa chat niya sa akin. Tapos kinabukasan gano'n pa rin, ni hindi ko na alam kung babalik pa ang normal na tibok nito lalo na ngayon at magsisimula na ang trabaho ko sa kompanya ni Allen, gusto ko man umatras alam kong huli na, hindi na ako pwede umatras, hindi na ako pwede huminto, hindi ngayon at mas lalong hindi bukas. Ginagawa ko 'to para sa anak ko, para kay Amellia, kaya kahit mahirap para sa akin na makasama si Allen dito sa kompanya kakayanin ko, para sa anak ko. Para sa anak namin dalawa.

"Good morning, ako nga pala si Jelly, ako ang naka-assign na dalhin kayo sa mga workplace niyo." Bati sa amin ng isang employee na nasa second floor pagdating namin sa kompanya.

"Workplace po? Magkaiba po ba kami nang kaibigan ko?" Takang tanong ni Jackie kay Ma'am Jelly na pinagtaka ko rin.

"Yes po, si Ms. Jackielyn po ay sa mga social media managers, and si Ms. Amariah po ay ang pansamantalang secretary ng CEO." Sagot ni Ma'am na nagpatigil sa akin.

Nanlaki ang mata ko. " Secretary? Paano po? Ang alam ko, social media manager din po ang nilagay ko sa resume." Hindi ko makapaniwalang usal sa kanya.

"I'm sorry Ms. Hindi po nasabi ni Sir ang dahilan, pero ang sabi niya po ay ikaw ang napili niyang pumalit pansamantala sa secretary niya na si Ms. Thea na ngayon ay malapit na pong manganak." Aniya.

Tumaas ang kilay ko. Gusto ko man mag reklamo ay alam kong wala akong magagawa.

I nodded. "Thank you po." I said.

Hinatid muna namin si Jackielyn sa workplace niya, bago ako ihatid ni Ma'am Jelly sa opisina ni Allen. Kung kagabi umaasa ako na sana hindi magtagpo ang landas namin dalawa dito sa publishing, ngayon alam kong imposible nang mangyari yan.

"Good morning Sir, nandito na po si Ms. Amariah." Bati ni Ma'am Jelly kay Allen pagpasok namin sa opisina nito.

Abala siya sa mga papeles na nasa lamesa niya, ng pumasok kami ni Ma'am Jelly. At saglit niya itong tinigil sabay angat niya ng tingin sa amin.

"Thank you Jell, you can now go." He said.

Pagkatapos sabihin yun ni Ma'am Jelly, ay lumabas na siya ng opisina ni Allen, at tulad ng nangyari kahapon, parang nasa karera ulit ang puso ko. Hindi ko maintindihan, parang gusto ko magpalamon sa lupa, ngayong nandito ulit ako sa opisina niya.

"Good morning Ria, how's your day?" He asked.

Kumunot ang noo ko. Kahapon hindi ko maintindihan ang kinikilos at mga sinasabi niya, pero bakit hanggang ngayon ibang tao siya?

Yumuko ako. "Good morning, Sir, alam kong nasabi na ni Ma'am Jelly 'to sa akin kanina, na ako po ang magiging pansamantala niyong secretary sa loob ng two months, pero gusto ko pa rin po magtanong. Kung pwede."

He nodded. "Go, on."

Isang malamim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago sagutin ang tanong niya.

"Bakit po ako? Wala po akong experience.. at..."

"I don't need someone na may experience na, aanhin ko ang experience nila, kung ikaw ang gusto ko?"

I stopped. Nanlaki ang mata ko. Habang dahan-dahan inangat ang tingin ko sa kanya.

Alam kong hindi ko dapat bigyan ng meaning ang sinabi niya, wala lang yun. I'm just nothing, employee lang. Yun lang.

" I only need one secretary Ria, at wala akong ibang nakikita na pwedeng gumawa nang trabaho na yun, kundi Ikaw lang. Ikaw lang ang gusto ko Riah, wala nang iba."

Omggg. Kinikilig na akoo ditoooooo, sabi ko sa inyo, tatalunin ni Allen si Aries eh. Hahahaha... Good evening everyone... Happy reading..

My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon