Kabanata 24

712 18 1
                                    

Naka uwi na kami sa bahay na tinutuluyan namin dito sa Impasug-ong Bukidnon, nasa kwarto na rin ngayon si Amellia, at nakatawag na rin si Allen sa isang Doctor na kilala niya at ayon sa kanya papunta na rin daw ito ngayon dito para I check si Amellia.

"Sa Hospital na lang kaya natin siya dalhin? Bakit hindi pa siya gumigising? Nasaan na daw ang Doctor?" Sunod-sunod ko na tanong ko kay Allen paglabas niya galing sa kwarto ni Amellia.

Agad niya naman akong hinawakan sa dalawang kamay at pinaharap niya ako ng mabuti sa kanya.

Gusto ko man siya tingnan sa mata, hindi ko kayang gawin lalo na at lumilipad ang isip ko kung kumusta na si Amellia.

"Shh, don't worry, okay lang siya, malapit na si Dr. Fuentes, wag ka na mag-alala." He said.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya.

"Sa Hospital na lang tayo pumunta." Usal ko sa kanya.

He sighed sabay iling niya.

"Ayaw ni Amellia si Hospital, ever since, mas nagkakasakit lang daw siya doon at kahit gustuhin ko man na dalhin siya sa Hospital, hindi ko magawa, bilang Tatay niya gusto kong tuparin ang pangako ko sa kanya, na kailanman hindi na siya babalik sa Hospital." Sagot niya na nagpatahimik sa akin.

"Nadala na siya sa Hospital?"mahina kong tanong sa kanya.

He nodded.

"Noong napunta siya sa akin, may sakit na siya, baby pa siya, at base sa Doctor niya mahina ang puso niya, blue baby kung tawagin nila, ayaw ko maniwala noon, hindi ko matanggap, bakit siya pa? E, anak ko yun, sana ako na lang, wag na lang ang anak ko, siya na lang ang meron ako, ginawa ko ang lahat, dinala ko siya sa iba't-ibang Doctor para lang maging maayos siya para lang gumaling siya, hindi ako sumuko kahit ilang beses na akong sinabihan ng iba na baka hindi ko siya anak, hindi ko pa rin siya sinukuan, kasi naniniwala ako na anak ko siya,  na sa akin siya galing, at walang sino man ang makakapigil sa akin na maniwala sa bagay na yun kasi ramdam ko e, dugo at laman ko si Amellia, dugo at laman." Wika niya habang unti-unting tumutulo ang luha sa mga mata niya.

Simula ng makita ko ulit siya, ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya, ramdam ki na mahal niya si Amellia, mahal niya ang anak namin, tama lang ang desisyon ko noon na iwan sa kanya si Amellia, tama lang at gustuhin ko man na yakapin siya ngayon, alam ko na wala akong karapatan lalo na at iniwan ko si Amellia sa kanya ng walang Isang salita man lang na iniwan, maliban sa sulat ko noon sa kanya.

"I'm sorry, medyo naging ma drama ako, tara puntahan natin si Amellia saa loob, I know, matutuwa siyang makita ka pag gising na pag gising niya." Aniya sabay hawak niya sa kamay ko.

Sabay kaming pumasok sa loob ng kwarto ni Amellia na hanggang ngayon natutulog pa rin.

"Mas maganda atang ikaw ang una niyang makita paggising niya." Usal ko kay Allen.

He smiled.

"Trust me, when I say mas gusto ka niyanv makita kesa sa akin."

"Pero..."

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang nag ring ang phone niya.

"Sagutin ko lang 'to saglit, Ikaw na muna bahala sa kanya."Aniya bago lumabas ng tuluyan.

Paglabas na paglabas ni Allen, dahan-dahan akong umupo sa tabi ni Amellia. Ngayon ko lang siya matititigan ng matagal, at hiling ko lang sana hindi pa ito ang huli.

"Anak, ako 'to si Mama, anak, patawarin mo ako ha, patawarin mo si Mama kung kailangan kitang iwan sa Papa mo noon, wala eh, hindi ko kayang ibigay sa'yo ang totoong kailangan mo e, hindi ko kaya, walang pera si Mama, pero anak, mahal na mahal kita, walang araw, walang gabi na hindi ka sumagi sa isip ko, gusto ko man magpakilala sayo, alam ko na hindi mo deserve ang isang walang kwentang Nanay na katulad ko. Wala akong kwenta, ang sama ko, ang bobo ko, pinabayaan kita, iniwan kita, hindi ko man gustong iwan ka noon, hindi ko man gustong malayo sayo noon, yun lang ang tanging paraan para mabuhay ka anak. Mahal kita, gising na baby ko, gusto ka yakapin ni Mama, gising na." Mahinang usal ko habang hawak ang kamay ni Amellia.

Hindi ko mapigilan na mapaluha, lalo na at nakikita ko nga siya ngayon, nahahawakan, pero hindi ko naman magawang sabihin sa kanya na ako ang Nanay niya, ayaw kong pandirihan niya ako, ayaw kong magalit siya sa akin kaya kahit hindi na niya malaman na ako ang Nanay niya, ayos lang, basta mahawakan ko pa rin siya ng ganito.

"Ate..." Pukaw ng isang munting tinig na gumising sa akin sa pag-iisip.

Agad-agad akong tumingin kay Amellia na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin.

"Amellia, baby, kumusta ka? May masakit ba sayo? Gusto mo ba dalhin ka namin ni Papa mo sa Hospital?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.

Umiling-iling siya.

"At-Ate, ayaw ko po sa Hospital, a-ayos na po ako, wag ka na po mag cry, wag ka na po mag worry po sa akin po." Sagot niya na nagpatahimik sa akin. Akmang magsasalita pa siya ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya, kung saan nagmamadaling pumasok si Allen kasama ng isang babaeng Doctor.

"Princess, how are you? Nandito na si Doctor Ninang mo, titingnan ka niya okay." Nag-aalalang usal ni Allen kay Amellia.

"Opo, Papa, si Ate Ria Po, pangitiin mo na po si Ate Ria, she's crying po kanina." Sagot ni Amellia na nagpatigil sa akin..

Binaling naman agad ni Allen ang tingin niya sa akin, bago sumagot sa sinabi ni Amellia.

"Don't worry love, ako na ang bahala sa Ate Ria mo, basta makinig kay Doctor Ninang ha, promise me."

"Opo Papa."

"Good then, sa labas lang muna kami Shar, Ikaw na bahala sa kanya." Usal ni Allen sa Doctor sabay hawak niya ulit sa kanang kamay ko palabas ng kwarto ni Amellia. At ng medyo malayo na kami sa kwarto ni Amellia ako na ang unang bumitiw sa pagkakahawak niya.

"Magiging okay lang siya, wag ka na mag-alala." Wika niya na nagpangiti sa akin.

"Alam ko Allen, alam ko. Gagaling siya." Gagaling si Amellia, ang anak ko.

Angie

My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon