Kabanata 43

1.4K 21 2
                                        

Hindi ako sanay na ganito. Tatlong araw na ang lumipas simula ng sabihin ni Allen sa akin na manliligaw siya. Nakabalik na ako sa Davao, para sa Internship ko, pero kahit nasa School at nagtuturo ako sa mga Grade 9 students na siyang na assign sa akin, hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Allen sa akin. Minsan habang nagtuturo ako sa Isang klase, bigla- bigla na lang siyang papasok sa isip ko. At wala na naman akong iisipin buong araw maliban sa kanya.

Tatlong araw na ang lumipas, pero walang mintis si Allen sa kaka- text at kaka- tawag sa akin. Okay na sana, magiging masaya na sana ako dahil nararamdaman ko na ulit siya. Pero tuwing iniisip ko na may masasaktan akong tao, bumibigat ang pakiramdam ko, ramdam ko na mabait si Stacey, kaya natatakot akong masaktan siya. Ayoko makasakit.

"Girl, Zoey, nandiyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." Salubong ni Jackie sa akin na pinagtaka ko.

"Ha? Anong meron?" I asked.

"Tumawag si Eros, nasa bahay mo daw sila, hindi ka niya ma contact, kaya ako tinawagan niya. Puntahan mo daw sila, kanina pa daw iyak ng iyak si Amellia, ayaw tumigil hinahanap."Sagot niya.

Nandito sila? Pero bakit hindi nagsabi sa akin si Eros?

Wala man akong ideya kung bakit nandito sa Davao sila Eros, ay walang pagdadalawang- isip na umuwi na ako pagkatapos namin mag- usap ni Jackie. Hindi ko alam kung bakit umiiyak si Amellia, ni hindi naman off ang phone ko kaya bakit sinasabi ni Eros na hindi ako matawagan?

"Eros--- Allen..."

"Mama..." Tawag ni Amellia sa akin sabay yakap niya sa akin.

I smiled. Taka akong tumitig sa kanila Eros at Allen, wala akong maintindihan, hindi ko maintindihan kung anong ginagawa dito ni Allen.

"Hija, nandiyan ka na pala, halika na, nagluto ako ng mga paborito mo, sabay- sabay na tayong kumain."

"Tita Krista?" I muttered.

"Mama, tara na po." Ani ni Amellia sabay hila niya sa akin papasok sa loob ng unit.

Nagtataka man ako kung bakit nandito sila Tita Krista at Tito Marcus, ay nakangiti pa rin akong humarap sa kanila.

"Ano pong meron? Bakit po kayo nandito lahat?" Taka kong tanong sa kanila Tita Krista na ngayon ay nakatingin kay Allen.

Lumingon siya sa akin. Nagtama ang mga mata namin dalawa, at gusto ko man umiwas, hindi ko magawa, lalo na at nasa harap lang namin sila Tito at Tita.

"Actually, ako ang nagsabi sa kanilang tatlo na samahan kami ni Amellia papunta sa'yo." He said.

Nanlaki ang mata ko. Siya? Pero bakit? Anong dahilan?

Umiling ako. "A-ano bang sinasabi mo?" I asked.

"Like what I said, seryoso ako sa sinabi kong liligawan kita. At kaya ko sila dinala dito, para pormal na magpaalam sa kanila, na manliligaw ako sa'yo." He answered.

Taka akong tumingin kay Tita at Tito na  ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin.

"Ahm, hija, ganito yan, pumunta sa bahay si Allen, at hinihingi ang blessing namin na ligawan ka niya. Alam namin na ikaw naman ang may hawak ng desisyon na yan, nandito lang kaming pamilya mo para gabayan at suportahan ka. Pero kung kami ni Tito Marcus mo ang tatanungin, botong- boto kami kay Allen para sa'yo. Nakikita namin na mahal ka niya at si Amellia and for us, that's more than enough." Ani ni Tita na nagpatahimik sa akin.

Tumingin ako kay Eros na ngayon ay sinusubuan ng pagkain si Amellia. Tumigil lang siya sa pagpapakain sa anak ko ng mapansin niya akong nakatingin sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay. "Bakit ganyan ang tingin mo? Wala akong alam diyan, nagpaalam rin siya sa akin at bilang kaibigan mo na kilalang- kilala ka na noon pa, alam ko na payag man ako o hindi, marupok ka pa rin, kaya ano pa ang magagawa ko diba? Like what Mom said, nandito lang din ako para suportahan ka." Aniya.

I smiled.

"So, Mamam Payag kana ligawan ni Papa?"Tanong ni Amellia na ikinatingin ko kay Allen.

"Mag- usap tayo." Saad ko sa kanya.

"Baby, mag- uusap lang kami ng Papa mo ha, kain ka lang diyan." Paalam ko kay Amellia.

Tumango siya na nagpangiti sa akin.

Sabay kaming naglakad ni Allen palabas ng building, nauna lang ako sa kanya ng konti. At nang masigurado ko na walang masyadong tao sa park ay huminto na ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Magkalinawan nga tayo Allen, ano ba talaga 'tong ginagawa mo? Gusto mo ba talagang makipaglaro sa akin ha?" Taka kong tanong sa kanya.

"Who said I'm playing? Hindi ako naglalaro Ria, seryoso ako, maniwala ka man o hindi liligawan kita." Aniya.

"Paano si Stacey? Girlfriend mo siya diba?" I asked.

"Stacey is my friend, my childhood friend to be exact,  kinasabwat ko lang siya para pag selosin ka, at hindi ako ang gusto niya, si Aron ang gusto niya. Kaya siya pumayag sa plano ko para pag selosin din si Aron. Pero believe me or not, walang kami, kahit na sinabi ko sa'yo noon na maghahanap ako ng babaeng kayang tanggapin ang pagmamahal ko , alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang gawin yun. Ibang - iba ka Ria, wala kang katulad. At alam kong mawala ka man sa paningin ko ng kahit ilang araw, hindi ko kayang palitan ka sa puso ko, ganyan kita kamahal. Ganyan ako kabaliw sa'yo. Naiintindihan mo?"

I stopped. Umiling- iling ako.

"A- Allen."

"Let's go, malamang tapos na sila ngayon, mag iimpake pa tayo." Putol niya sa sasabihin ko.

"Ha? Iimpake? Bakit? Para saan?" Sunod- sunod kong tanong sa kanya.

"Sa pamilya ko. Nasa Samal sila ngayon, at gusto kang makita ng mga magulang ko." He said.

Gulat akong tumitig sa kanya. Uminit ang pisnge ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit?"

"Easy love, gusto lang nila makita at makasama ang future daughter in- law nila, wala silang gagawin sa'yo, gusto ka lang nilang makausap."

"Maka- usap? Para saan?"

"I don't know, but one thing I know, sure akong tanggap ka nila, kaya kung ano man ang nasa- isip mo ngayon, tanggalin mo na yan, dahil tanggap ka nila."

"Paano mo naman nasabi?" Ulit kong tanong sa kanya.

He smiled." Alam ko lang mahal, kung ako nga at ang anak namin, tanggap na tanggap ka, sila pa kaya? Believe me, Ri, pamilya ko sila, kaya alam kong lahat ng mahalaga sa akin tanggap nila, lalo kana."

Angie

My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon