Kabanata 36

1.3K 18 3
                                        

Habang nakaluhod pa rin ako sa harap niya, ay tuloy rin ang paglabas ng mga luha ko sa mata. Alam kong deserve ko kung ano man ang mga nangyayari sa buhay ko ngayon, pero kahit gano'n hindi ko pa rin maiwasan masaktan, at manghinayang.

"Sa natatandaan ko, wala akong planong ilayo ang anak natin sa'yo, Ikaw lang ang hinihintay namin, nandito lang kami, hinihintay na balikan mo. Simula ng malaman ko ang totoo na ikaw ang Nanay ni Amellia, dalawang bagay lang ang gusto kong gawin. Una ang pakasalan ka, at gawing Cena ko, pangalawa, ang makasama ka at ang anak natin, maging isang buong pamilya tayo, yun lang Ri, yun lang ang plano ko." Sagot niya. Sabay hawak niya sa kamay ko. Dahan- dahan niya akong inalalayan para makatayo. At ng makatayo na ako ay seryoso siyang tumingin sa akin na ikinatahimik ko.

"Kung iniisip mo na balak ko siyang itakas sa'yo para gantihan ka, nagkakamali ka, kung iniisip mo na gusto kitang lokohin pagkatapos kong aminin sa'yo na mahal kita, nagkakamali ka. Maling- mali ka Ri, dahil kahit gaano pa kasakit ang mahalin ka, ikaw pa rin, at alam ko, wala na akong ibang mamahalin maliban sa'yo, dahil simula ng dumating ka sa buhay namin, pinangako ko na sa Diyos na ikaw lang ang nag - iisang babaeng ihaharap at dadalhin ko sa kanya sa altar." Aniya.

Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Pakiramdam ko nanghihina ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin.  Paano niya nasasabi ang lahat ng yun? Ramdam ko na totoo ang mga salitang binitiwan niya, pero bakit ang hirap para sa akin na maniwala?

"I'm sorry--- I'm really sorry...." I whispered.

Kinakabahan man ako sa isasagot niya, lakas loob akong tumingin sa kanya para makita ang reaction ng mukha niya. At ng makita ko ang pag- ngiti niya, bigla na lang bumilis ang tibok nitong puso ko dahil sa kanya.

He smiled."Like what I said earlier, hindi ka pa nag so- sorry pinapatawad na kita, masyado akong baliw sa'yo para hindi ka patawarin at tanggapin, mahal na mahal kita Amariah, sobra."Aniya sabay hawak niya ulit sa kamay ko.

"Al- Allen.."

"Kanina ka pa niya hinihintay, alam kong matutuwa siyang makita ang Mama niya." Putol niya sa sasabihin ko na ikinagulat ko.

Sabay kaming naglakad pabalik sa kwarto ni Amellia, at tulad ng inaasahan ko maliban kay Eros na nasa likod lang namin, nandito sa loob ng kwarto ni Amellia ang buong pamilya ni Cena.

Yumuko ako. "S-Sir-- Ma'am! Patawarin niyo po ako, patawad po." Kinakabahan kong wika sa harap nila.

"Sinabi ni Allen sa amin ang lahat Hija, at bilang Isang Ina katulad mo, naiintindihan ko, siguro kung ako rin ang nasa posisyon mo ng mga oras na yun, malamang gagawin ko rin ang ginawa mo. Ginawa mo ang lahat para sa anak mo, para sa apo namin, para mabuhay siya, kaya wala kaming karapatan magalit sa'yo, wala kaming karapatan husgahan ang ginawa mo, kasi alam ko na kung meron ka lang choice ng mga oras na yun, alam namin na hindi mo gagawin ang bagay na yun. Kaya, naiintindihan ka namin." Sagot ni Ma'am Ayla sa akin sabay yakap niya sa akin na ikinabigla ko.

Hindi ko inaasahan na yakapin niya ako, iba ang dating sa akin ng ginawa niyang pagyakap.

"Ngayon, ang gusto ko gawin mo, patawarin mo ang sarili mo, sarili mo naman ang patawarin mo, para maging malaya ka na sa nakaraan, pwede mo ba gawin yun? Pwede ba? Riah?" Mahinahon niyang tanong sa akin.

Akmang sasagot pa sana ako sa kanya ng biglang isang boses ng bata ang nagpatigil sa amin.

"Ma-Ma... Mama ko." Tawag ni Amellia sa akin habang unti- unting tumutulo ang mga luha niya.

I cried.

"Baby.... Baby ko..." I wiped my tears with my shaking hands. Pero hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak.

"Mama--- wag mo na kami iwan ulit ni Papa please..." Inosenteng usal ni Amellia habang patuloy pa rin siya sa pag- iyak katulad ko.

"Sa labas muna kami, mag- usap muna kayo." Paalam ni Sir Aries.

Hindi na ako kumibo, tumango na lang ako bilang sagot sa sinabi niya. 

Paglabas na paglabas nilang lahat, muli kong binaling ang tingin ko kay Amellia. Agad- agad ko siyang niyakap ng mahigpit, tsaka ako muling nagsalita.

"Pa-patawarin mo si Mama kung iniwan kita, pata-patawarin mo ako anak, ayaw ko naman talaga Iwan ka, ayaw ko magkahiwalay tayo.. Pero kailangam mo mabuhay, gusto kong mabuhay ka..." Hagulhol ko habang yakap- yakap pa rin siya.

"Narinig ko sila Papa at Mamita nag- uusap kaya nalaman ko ang totoo, before naisip ko, ayaw po ba ako ng Mama ko? Bad po ba ako? Makulit po ba ako? Hindi po ba ako good job? Kaya iniwan ako ng Mama ko? Ang dami ko pong tanong Mama noon, kahit ipinaliwanag na ni Papa sa akin po, hindi ko pa rin maintindihan po, kung bakit wala kayo sa tabi namin ni Papa. Pero when I heard po kay Papa ang totoong reason po, I understand you na po, may sakit po ako, at mahihirapan lang kayo sa akin po, tama you?"

Bimitiw ako sa pagkakayakap namin sabay tingin ko sa kanya na ngayon ay nakatingin rin sa akin.

"Mama, sorry po, kung nahirapan po kayo, dahil may sakit po ako." Aniya.

Umiling- iling ako. Wala na akong pakialam kung walang tigil ang luha ko, ang importante masabi ko lahat ngayon sa anak ko.

"Shh, hindi totoo yan, hinding totoong ayaw ko sa'yo, walang araw at gabi na hindi kita inisip anak, simula noong Iwan kita, ikaw lang parati ang iniisip ko. Gusto kitang balikan, pero baby,  gusto ko rin mabuhay ka, gusto kong gumaling ka, at alam ko, mangyayari lang yun kung nasa poder ka ng Papa mo, kasi alam ko wala akong Pera para suportahan at iligtas ka. Mahal na mahal kita Amellia, mahal na mahal ka ni Mama, please patawarin mo si Mama kung iniwan kita... I'm sorry..." Sagot ko sa kanya habang hawak ko ang dalawang kamay niya.

"Mama--- hindi mo na po ako iiwan diba? Hindi ka na po aalis diba? I love you too po, at I know mahal ka rin po ni Papa. Kaya dito ka na po sa amin diba?" Sunod- sunod na tanong niya.

Nanlaki ang mata ko. Hindi ako kumibo. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Lalo na ngayon.

"Bakit hindi mo sagutin ang tanong ng anak natin Ri?"

Agad akong lumingon sa likod ko kung saan, nakita ko ang madilim na titig ni Allen sa akin.

"A-Allen.."

"What? Aalis ka pa rin? Iiwan mo pa rin kami tama?

Umiling ako. "Allen, hindi sa gano'n." Kinakabahan kong sagot sa kanya.

"Anong hindi sa gano'n ha?! Akala ko ba okay na, pero bakit? Bakit aalis ka pa rin?!" Galit na tanong niya.

"I'm sorry." I whispered.

"Sorry? Puro ka na lang sorry Ri, hindi na kita maintindihan ang gulo- gulo mo. Ang hirap, sobrang sakit mong mahalin! Alam mo ba yun? Bakit ba kasi Ikaw pa?!" Sagot niya na nagpatahimik sa akin.

Allen!

Umiiyak na rin ako ngayon dahil sa Inyo!

Happy reading... Everyone....

Angie




My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon