Hindi ako agad nakagalaw sa pwesto ko ng makitang papalapit sa amin ni Allen sa Amellia, akala ko kanina ang makasama si Allen sa loob ng conference room kasama ng mga Investors ng company ang papatay sa akin, pero hindi pala. Ngayong nasa harap ko si Amellia at kitang-kita ko kung paano niya yakapin si Allen ang siyang magbabagsak sa akin sa ilalim. Gustong-gusto ko siyang yakapin, gusto ko sabihin sa kanya na ako ang Mama niya, pero alam ko na hindi ko yun pwede gawin, simula ng iwan ko siya sa Daddy niya, I know, alam kong wala na akong karapatan pa tumayo maging Nanay niya.
"Ate? Are you okay...." Pukaw ni Amellia sa akin na ikinatingin ko sa kanya.
Nakatingin silang dalawa ni Allen sa akin, na siyang dahilan ng pagkabog ng dibdib ko ng mabilis.
"Ah--- Don't worry, okay lang ako baby, may iniisip lang." Kalmado kong sagot sa kanya.
Hanggang kaya ko haharap ako sa kanilang dalawa ng kalmado, hindi ako pwedeng maging mahina sa harap nila, hindi pa ako handang Malaman nila ang totoo, gusto ka pa silang makasamang dalawa. Ang mag-ama ko.
"Are you sure?" Tanong naman ni Allen.
Inangat ko ang tingin ko sa kanya na may ngiti sa aking labi sabay tango ko bilang sagot sa tanong niya.
"Yes Sir..." Paninigurado ko sa kanya na nagpangiti sa kanilang dalawa ni Amellia.
"Ate, want mo sumama sa amin ni Papa sa mall? Bibili po kami ng school supplies ko po, then shopping at eat na rin po. Sama ka na po." Usal ni Amellia na nagpatigil sa akin.
Umiling ako.
"Nako, wag na baby, kayo na lang ng Daddy mo, tsaka, may tatapusin pa ako na work eh." Kinakabahan kong sagot sa kanya.
"Gano'n po ba? Papa, pwede po? Bukas mo na lang ipa work si Ate Riah, isama na po natin siya sa mall Papa please."
Umiling-iling ako, bilang hindi pagpayag sa gusto ni Amellia.
"Wag..."
"Okay lang naman, mas masaya nga yun right my princess?" Nakangiting tanong ni Allen kay Amellia.
"Yey!! Thank you Papa." Masayang sagot ni Amellia kay Allen sabay hawak niya sa kamay ko na siyang nagpatahimik sa akin.
"Ate, okay na, sama ka na ha." She said.
Hindi na lang ako sumagot at muling tumingin kay Allen ng seryoso, sa pag-aakalang madadala ko siya sa tingin ko na yun, pero ang mokong ngumiti lang, at tila masaya pa siya sa ginawang pag-aya sa akin ni Amellia.
Nandito kami ngayon van nila, ito ang ginamit niya dahil panigurado daw mapupuno ito ng mga gamit ngayong araw ni Amellia. Dito na ako sa likod naupo katabi ni Amellia, sa kadahilanan na hinila niya ako kanina dito sa loob para makatabi niya.
Nagbabasa lang si Amellia ng librong dala niya, samantalang tahimik naman akong nakikinig sa kanya, habang abala si Allen sa harap na nagmamaneho.
Pangarap ko lang dati ang ganitong tagpo, ako, si Amellia at Allen magkakasama kumakain, namamasyal at nagsasaya, akala ko dati hindi ito mangyayari, pero laking pasalamar ko sa taas, kahit isang beses lang maranasan ko man lang makasama ang mag-ama kong gumala, kahit isang araw lang.
"Ate? Help me choose later po ha kung anong mga magandang piliin na brand ng school shoes, bags and notebooks." Wika ni Amellia sa akin pagbaba na pagbaba namin ng van tatlo.
Hawak ko ang kaliwang kamay niya, habang hawak naman ni Allen ang kanang kamay niya. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako kinakabahan sa oras na 'to. Lalo na at ramdam ko ang tingin ng mga tao sa amin habang papasok kami sa loob ng mall.
"Don't mind them." Malamig na usal ni Allen na mukhang napansin ang pagkabalisa ko habang naglalakad kami.
Tipid akong ngumiti sa kanya bilang tugon.
Tulad ng sabi niya, hindi ko na pinansin ang mga tingin ng tao sa amin, at inabala ko na lang ang sarili ko kay Amellia na ngayon ay abala na sa pamimili ng bag niya.
"Ate, cute po ba 'to?" Nakangiting tanong ni Amellia sa akin habang hawak niya ang bag na si snow white ang design.
"Yes baby, cute like you." Sagot ko sa kanya ng nakangiti.
"Yes, Papa let's buy this bag ha? Ate said cute daw like me tama po ba?" Tanong naman ni Amellia kay Allen na ngayon ay nakangiting nakatingin sa anak namin.
"Bilhin mo lahat ng gusto mo love, dahil lahat naman bagay sayo." Sagot niya na nagpangiti kay Amellia.
"Really po? Katulad niyo ni Ate Riah?" Nakangiting tanong ni Amellia na pinagtaka ko.
Bakit naman kami nasali ni Allen?
"What do you mean like us?" Takang tanong ni Allen kay Amellia.
"Duh Papa, pa innocent pa, alam ko naman na crush mo si Ate Riah, and don't worry po kasi bagay naman po kayo dalawa." Sagot ni Amellia na ikinagulat ko.
Hindi na lang ako nag react, dahil baka mas lalo pa kaming asarin ni Amellia. Kaya tinulungan ko na lang siyang mamili ng school shoes niya at ng matapos na kami sa pamimili ay napagdesisyonan naman ni Allen na kumain na muna saglit, at dahil favorite ni Amellia ang KFC ay doon kami pumunta para kumain.
"Ang cute nilang pamilya 'no? Bagay yung girl at boy, tapos cute pa ng baby nila."rinig kong bulong ng Isang babae sa kasama niya dito sa tabi naming table namin.
"Tss, anong cute? E, ang bata pa kaya ng girl. Maghihiwalay din Yan." Sagot ng kaibigan niya na nagpakunot ng noo ko.
Hindi ko na lang sana sila papansinin at itutuloy ko na lang sana ang pagkain ko ng biglang tumayo si Amellia at pumunta sa table ng dalawang babae na parehong ikinagulat namin ni Allen.
"Excuse me po mga ate, cute po talaga ako at thank you po, pero sorry to say po, hindi po maghihiwalay ang mommy at daddy ko, forever na po silang dalawa, love po nila ang isa't-isa at love na love po nila ako. Right daddy?" Usal ni Amellia habang nakatingin kay Allen.
Akala ko hindi sasagot si Allen at ngingiti na lang bilang tugon sa sinabi ni Amellia, pero laking gulat ko na tumayo rin si Allen sabay lapit niya kay Amellia.
"Yes, baby, kami ng Mommy mo, at ikaw ay forever na magsasama." Sagot ni Allen sabay tingin niya sa akin ikinatigil ko.
"Right mommy? Love mo kami ni Daddy tama?" Nakangiting tanong ni Amellia na nagpatahimik sa akin.
"Ah----O-Oo naman baby, mahal ko kayong dalawa." Kinakabahan kong sagot na nagpangiti sa kanya.
"See po? May happy family po ako, may Daddy at Mommy po ako na love na love po ako. Kayo po ba? May gano'n?"
Good afternoon unang update sa 2024, sorry at late po, medyo may problema lang po kami sa bahay ngayon sa puppy namin.. he's fighting po para sa buhay niya, masakit, dahil hindi ko kayang dalhin siya sa vet sa sobrang mahal magpatingin. Pero kakayanin ko 'to, kakayanin namin.
Angie
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Publishing Company owner x Filipino Major Amariah Zoey Belmonte 3rd year college student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino, ang babaeng handang gawin para mabuhay. Malakas at mas masipag pa siya sa k...
