Kabanata 33

607 16 5
                                    

Trigger Warning!!!!!

Hindi ko alam kung paano ako naka uwi sa bahay, ni hindi ko nqgawang magpaalam sa kanila Eros na aalis na ako kanina. Pagkatapos ng nangyari kanina sa University, hindi ko na alam kung may karapatan pa akong mabuhay. Simula noong araw na iniwan ko si Amellia kay Allen, walang araw na hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko, gusto ko siyang balikan, gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang bawiin. Pero hindi ko ginawa, kinaya ko kasi alam ko na, sa piling ni Allen, sa piling ng Tatay niya, mabubuhay siya, magiging masaya at malaya siya.

"Open the door Amariah, let's talk." Tawag ni Eros sa akin mula sa labas.

Hindi ko siya kayang buksan, ayaw kong makita niya akong luhaan, ayaw ko ng dumagdag pa sa mga iisipin niya, pagod na akong mabuhay, ayaw ko ng mabuhay.

"Hija, please, buksan mo na ang pinto, may problema ba?" Mahinahon na tanong ni Tita sa akin.

Ramdam ko ang pag-aalala nilang lahat sa akin, pero hindi ko na alam kung paano pa sila haharapin.

"Ri, pamilya mo kami, pwede mo sabibin sa amin ang problema, nandito lang kami, tutulungan ka namin." Sabi naman ni Tito na nagpatingin sa akin sa gunting na hawak ko.

Bago ako dumating dito sa bahay kanina, wala nang laman ang isip ko, sigurado na ako sa gagawin ko. Anong pa ba ang saysay ko? Bakit pa ba ako nabubuhay? E, wala naman akong karapatan mabuhay. Alam kong magagalit sila Sister Jessy sa naiisip ko ngayon, pero kasalanan ko ba? Kasalanan ko ba na pagod na pagod na ako? Na ayaw ko na?

"Ri, kung hindi mo 'to bubuksan, bubuksan ko 'to, please open the door, please kung ano man nasa isip mo ngayon, please wag mo gawin." Nag-aalalang sabi ni Eros.

"Ano bang nangyayari? Eros? Ri, please buksan mo 'to nag-aalala na ako, love, yung susi." Ani ni Tita na nagpatahimik sa akin.

Muli kong binaling ang tingin ko sa gunting na hawak ko.

Kung mawawala ba ako, bayad na ako sa lahat ng kasalanan ko? Bulong ko sa sarili ko habang patuloy pa rin ang paglabas ng luha ko.

Gusto ko ng mawala, ito na ang pagkakataon ko, pero bakit hindi ko magawa? Bakit hindi ko kaya?

"Zoey!"

"Ri, o my ghash. Ri." Naiiyak na tawag ni Tita sa akin sabay yakap niya sa akin na dahilan ng paghagulhol ko.

Dali- dali naman na kinuha ni Eros ang gunting na hawak ko na ikinatingin ko sa kanya.

He smiled. Ngiti na parang sinasabi sa akin na magiging maayos rin ang lahat, ngiti na parang kinakausap ako at ang puso ko.

"Ri--- ano 'to? Hindi pwede, hindi mo gagawin, hindi." Utal na usal ni Tita sa akin habang nakatingin sa akin ng seryoso.

Umiiyak siya, iyak na hindi ko alam kung deserve ko ba, iyak na alam kong nasasaktan siya.

"Ri, kung may problema, nandito kami, pamilya tayo diba?" Nakangiting tanong ni Tito na nagpatingin sa akin sa kanya.

Yumuko ako. Hindi ko kayang titigan sila sa mata ng matagal nakaka konsensya. "I'm sorry.... Patawarin niyo po ako, hindi ko na po kaya ang sakit na po sobra, ang bigat bigat na po." I honestly answered.

"Shh, sabi ko naman sa'yo diba? Hindi ka namin iiwan, nandito lang kami, ako, nandito lang ako. Sabihin mo lang kung hindi mo na kaya, kasi sasaluhin ko lahat ng dinaramdam mo." Ani ni Eros na nagpatahimik sa akin.

Umiling ako. "Alam ko naman, alam ko, pero hindi ko na kaya Eros, gabi- gabi kong iniisip kung gaano ako kawalang kwentang tao, kung gaano ako kawalang kwentang Ina." Sagot ko sa kanya na halatang ikinagulat nila Tito at Tita.

"What do you mean Ria? A-anong Ina?" Takang tanong ni Tita sa akin.

Ngumuso ako.

"Patawarin niyo po ako kung tinago ko, patawarin niyo po ako, pero opo, may anak ako, nagka- anak ako, 17, bata pa ako noong dumating siya sa buhay ko, pero dahil sa wala akong kakayahan na palakihin siya, nagkasakit siya, gusto ko naman po, gusto ko makasama siya, gusto ko nasa akin lang siya, pero hindi ko kaya, kailangan niyang ma- operahan, gusto ko siyang mabuhay, kaya kahit masakit, kahit mahirap, iniwan ko siya sa gate nila Allen, kasi alam ko siya, hindi niya papabayaan si Amellia, hindi niya papabayaan ang anak namin."

Tahimik lang na nakikinig sa akin sila Tita habang nagsasalita ako, alam kong may posibilidad na magalit sila sa akin, dahil tinago ko, pero wala na akong choice ngayon.

"Hija.."

"Mali po na tinago ko 'to sa inyo, patawarin niyo po ako, gusto ko na sana 'tong ibaon sa limot, pero hindi ko magawa, hindi ko po kaya, sobrang bigat na po." Putol ko sa sasabihin ni Tita.

"Ri, listen, hindi kami galit sa'yo, oo, nagulat kami ni Tito mo, pero hindi kami galit sa'yo, bilang Ina katulad mo, naiintindihan kita, mali man ang ginawa mong pag- iwan sa anak mo, pero alam namin na ginawa mo lang yun para iligtas siya. Iniwan mo siya, pero iniisip mo lang ang kaligtasan niya, kaya naiintindihan ka namin, naiintindihan kita." Sagot ni Tita na ikinatingin ko sa kanya.

Alam ko na seryoso siya sa sinabi niya, kitang- kita ko yun sa mga mata niya, kaya mas lalo lang akong nakonsensya bakit ko nagawa ito sa pamilya nila? Sa pamilyang walang ibang ginawa kundi mahalin at alagaan ako.

"Tinago ko po sa inyo." I said.

"And it's okay, natakot ka lang, at naiintindihan ka namin." Sagot ni Tito.

"Sabi ko naman kasi sa'yo diba? Maiintindihan ka nila Mommy, hindi ka nag- iisa Ri, nandito ako, nandito sila Mommy at Daddy, kasama mo kami." Ani ni Eros sabay hawak niya sa kanang kamay ko.

I smiled.

"Salamat... Pero sila Allen, si Amellia."

"Gusto mo ba? Tulungan ka namin, kumuha tayo ng abogado, para tulungan ka sa anak mo. Sabihin mo lang." Alok ni Tito na ikinatahimik ko.

Umiling ako. "Salamat po, pero wala po akong karapatan sa anak ko, iniwan ko po siya, iniwan ko po sila." Sagot ko sa kanya.

"Pero, sabihin mo lang, kahit ano tutulungan ka namin Ria, nandito lang kami." Ani ni Tita.

"Hindi ko po alam kung deserve ko po ang kabutihan niyo, sobra po akong nagpapasalamat sa inyo, pero ngayon po ang gusto ko lang, ang makalayo dito, gusto ko pong lumayo, gusto ko po umalis." I said.

"Ha? Paano si Amellia, si Allen?" Takang tanong ni Eros sa akin.

I sighed.

"Mahal ko silang dalawa, pero alam ko na hindi mabubura ng pagmamahal ko sa kanila ang nagawa kong kasalanan, tsaka, alam ko, mas magiging masaya sila, mas magiging tahimik sila, kung malayo ako sa buhay nila. Kaya, Eros, pakiusap tulungan mo ako, tulungan mo akong lumayo."

Good evening, alam ko nakakaiinis na si Amariah, pero uunahan ko na kayo sana maintindihan niyo kahit papaano yung nararamdaman niya. Thank you and Happy reading everyone.

Angie

My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon