Kabanata 28

1.2K 16 6
                                        

Buong buhay ko, ni hindi ko pa naranasan ang gumawa ng mga surprise para sa ibang tao, lumaki ako sa ampunan, at ni hindi ako showy na tao, hindi ko alam kung paano iparamdam sa ibang tao na importante at mahalaga sa akin, marami akong maling ginawa sa buhay ko, ilang beses ko binigyan ng sakit sa ulo ang mga tao sa paligid ko, at ito ang unang pagkakataon na gagawin ko 'to para sa Isang tao. Sana nga lang, kahit papaano maging masaya siya sa surprise na hinanda namin ni Amellia sa kanya.

"Ate, ready na po ako." Amellia said. Halata sa mata niya ang saya, habang ginagawa ang design na gusto niya sa cake na ginawa namin para sa birthday ni Allen.

I smiled.

"Good job baby, ano, puntahan na natin ang Daddy mo sa kwarto niya?"

She nodded na siyang nagpangiti sa akin.

Sabay kaming naglakad papunta sa kwarto ni Allen, dahan- dahan namin binuksan niya ang kwarto niya para makita namin kung tulog pa siya o gising na, nang masigurado namin na gising na siya, masaya kaming sumigaw ni Amellia na ikinatingin niya sa amin dalawa.

"Happy birthday."

"Happy birthday Papa."

Sabay namin na bati ni Amellia.

"Thank you guys..." Sagot niya sabay lapit niya sa amin.

"Daddy, wish ka pa po muna, bago mo I blow yung candle." Ani ni Amellia sabay bigay niya ng cake kay Allen.

Agad- agad naman sinunod ni Allen ang sinabi ni Amellia, tinanggap niya ang cake bago pumikit at ng natapos na siya mag wish, dali- dali niyang hinipan ang kandila na siyang nagpangiti sa akin.

"Yehey, gawa po namin ni Ate Ria ang cake na yan Daddy, sana po nagustuhan niyo." Amellia said.

He smiled. " I love it love, thank you." Sagot ni Allen kay Amellia sabay tingin niya sa akin na siyang ikinabigla ko.

"Salamat." Aniya.

I nodded.

"Welcome, happy birthday." I answered.

"Daddy ano po wish niyo?" Inosenteng tanong ni Amellia kay Allen.

"Secret for now baby, tsaka ko na sasabihin pag nasa akin na siya." Sagot ni Allen ng hindi inaalis ang tingin sa akin. "For now, go to your room first, magligpit ka na ng gamit mo, si Mommy Ayla and Daddy mo, gusto na mag celebrate tayo with them ngayong gabi."

Masaya si Amellia ng marinig ang sinabi ni Allen, kaya walang pagdadalawang- isip na pumunta na siya sa kanyang silid.

"Ah--- Tutulungan ko lang si Amellia..."

"Stay." Putol ni Allen sa sasabihin ko na siyang ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.

"Pero---"

"Sasama ka sa amin ni Amellia, I want you to meet my parents tonight." Aniya na nagpatigil sa akin.

Ngumuso ako.

"Pero, hi- hindi naman kailangan Allen--- tsaka, family gathering niyo yun, dapat kayo lang nandoon." Sagot ko sa kanya.

Oo, kinakabahan ako sa oras na 'to, katulad ng dati mapalapit lang siya sa akin ng konti, parang gusto na kumawala ng puso ko, hindi ko alam kung paano sasabihin, pero iba talaga ang epekto sa akin ni Allen, siya lang, siya lang ang nakakaganito sa akin.

"Hindi mo kailangan kabahan o matakot Ri, mabait ang mga magulang ko, alam ko, magugustuhan ka nila, kung kami nga ni Amellia, gustong- gusto ka, sila pa kaya." He said.

"Hindi sa gano'n."

"At isa pa, sooner or later, magiging parte ka na rin ng pamilya namin, and trust me when I say, I know, alam ko, magugustuhan ka ng mga magulang ko para sa akin."

Umiling ako.

"Hindi yun--- Allen, hindi mo ba nakikita? Hindi tayo pwede, hindi ako pwede pumasok sa buhay niyo ni Amellia, hindi pwede." Utal kong sagot sa kanya.

Hindi siya kumibo, sa halip dahan- dahan siyang lumapit sa akin na mas lalong nagpabilis nang pintig nitong puso ko.

"Wag mo naman itaboy lahat ng mga taong gustong mahalin ka-- Ri, deserve mong mahalin, kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi tayo pwede, dahil para sa akin, basta mahal niyo ang isa't- isa ayos lang basta magkasama kayo. Oo, tinataboy mo ako, pero ramdam ko, alam ko, gusto mo rin ako, na may nararamdaman ka rin para sa akin, kaya please wag mo naman ako itaboy, wag mo naman ako saktan, dahil ang sakit na, sobrang sakit na Zoey, hindi ko na kaya." Aniya na nagpatahimik sa akin.

I stopped.

He sighed. Ramdam ko ang lalim ng buntong- hininga niya habang nakatingin sa akin ng seryso. Hindi ko maintindihan, pero pakiramdam ko may kakaibang ibig sabihin ang mga salitang binitiwan niya kanina, the way he called me Zoey, iba ang naramdaman ko, natatakot ako.

"Actually, hindi dapat ganito, ayaw ko nito, hindi ko dapat maramdaman 'to, pero tuwing pinipigilan ko lumayo sa'yo, mas lalo lang akong lumalapit sa'yo, ayaw ko, pero I need you, I need you, more and more each day Ri, ikaw lang, I would choose you in every lifetime Ri, remember that." He added.

Hindi ko alam, hindi ko maintindihab ang mga salitang sinabi niya sa akin kanina, kaya imbes na sagutin siya, walang pag- alinlangan na naglakad ako palayo sa kanya, ni hindi ako dumeritso sa kwarto ko dahil alam ko pupuntahan niya lang ako doon, alam kong nangako ako kay Amellia na makakasama nila ako ngayong birthday ng Papa niya, pero wala akong lakas makita siya. Kinakabahan ako, natatakot ako, nahulog at nagmamahal ako sa maling tao, ang laki ng kasalanan ko sa kanya, sa kanilang dalawa ni Amellia, kaya alam ko, oras na malaman niya yun lahat siya na mismo ang lalayo sa akin , sila na mismo ni Amellia ang susumpa sa akin.

"Sabi ko na nga ba, dito lang kita makikita." Usal ng boses na kilalang- kilala ko.

Gulat at hindi ako makapaniwala sa paglingon ko sa aking likod nandoon siya, sinundan niya ako.

"Al-Allen. Si Amellia?"

"Nasa kotse, hinihintay na tayo, now answer me baby, aalis ka? Iiwan mo kami? May mali ba akong nagawa?" Sunod- sunod na tanong niya.

"

Umiling- iling ako bago sagutin ang tanong niya.

"Nag- isip- isip lang ako." Kinakabahan kong sagot sa kanya.

"Like what I said, I need you Ri, mahal kita, ikaw lang, kaya kung aalis ka, iiwan kami ni Amellia, hindi ko alam kung kakayanin ko, binigyan mo ng kulay ang buhay namin, dahil sayo naintindihan ko ang ibig sabihin ng pagmamahal, dahil sayo pinili kong makalimot at magpatawad, dahil sayo, gusto kong maranasan ang walang hanggang pagmamahal."

"Hindi mo naiintindihan ang sinasabi mo Allen." I said.

He nodded bago siya humakbang palapit sa akin.

"Believe me Ri, maniwala ka, when I say, naiintindihan ko, naiintindihan ko na ayaw kong mawala ka sa buhay ko."

Kilig now.... I..k later self. HAHAHAHA. Hilig kong saktan ang sarili ko kahit sa mundo ko...Anyway good evening everyone Happy reading.

Angie




My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon