"So, tuloy ka na ba talaga sa Davao hija?" Tanong ni Tita sa akin pagpasok na pagpasok niya sa kwarto ko.
I nodded.
"Opo Tita, dumaan lang po ako Dito para magpaalam at kukunin ko na po ang mga gamit ko, dahil dadaan po muna ako sa Hospital bago pumunta sa Davao and yes po, itutuloy ko na po ang OJT ko sa Davao Tita. Pagkatapos ko po makausap si Amellia kahapon, napag- isip- isip ko po na hindi ko kayang mawala ng tuluyan sa buhay niya."
She smiled. "Buti naman, alam namin na matutuwa si Amellia na marinig ang balitang yan."
"Si Amellia matutuwa, e, ang tanong si Allen kaya? Matutuwa?" Malamig na tanong ni Eros na kapapasok lang din sa kwarto ko.
"Where have you been Lyndon?" Takang tanong ni Tita kay Eros.
Kunot noo na tumingin si Eros kay Tita bago sagutin ang tanong nito.
"Nagpahangin lang Ma." Walang kabuhay- buhay na sagot niya kay Tita. Sabay baling ng tingin niya sa akin.
"Tapos kana? Ihahatid na kita, baka ano pa ang mangyari kung hindi kita sasamahan." Aniya na nagpatahimik sa akin.
Alam kong naiinis pa rin siya sa nakita niyang pag luhod ko sa harap ni Allen kahapon, hindi ko siya masisisi kung ano man ang iniisip niya sa akin ngayon.
"O, tsa, tsa, mag ingat kayo. Eros, Ikaw na ang bahala kay Amariah ha, then hija, please don't forget to call us kung nasa apartment ka na ha." Paalala ni Tita.
Tumango ako. "Salamat po." Sagot ko sabay sunod ko kay Eros na ngayon ay nasa labas na dala- dala ang mga gamit ko.
"Galit ka pa rin ba sa akin?" Tanong ko sa kanya.
Isang malalim na buntong- hininga ang pinakawalan niya habang tuloy pa rin sa pagmamaneho papunta sa hospital.
"Ayaw mo pa rin ba akong pansinin?" Ulit kong tanong sa kanya.
Hindi pa rin siya kumibo, gusto ko man kausapin siya, ayoko naman na pilitin siya, ngayong ramdam ko na nagtatampo pa rin siya sa akin.
"Naiintindihan ko na gusto mo hingiin ang kapatawaran niya, pero, kailan ba talaga na lumuhod ka?" Seryosong tanong niya.
Yumuko ako. "I'm sorry." I whispered.
"Tss, hindi ko naman kaya magtampo sa'yo ng matagal, pero aaminin ko, hindi ko talaga nagustuhan ang nangyari kahapon, sana hindi na maulit yun ngayon." Sagot niya.
"Hindi na."
"Talaga? Bakit? Payag na ba siya na aalis ka?" Tanong niya na nagpatahimik sa akin.
Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong na yun, lalo na at alam kong kahit anong gawin ko, kahit magpaalam pa ako kay Allen ngayon, hindi pa rin siya papayag.
"So, it's a no, right? O, hindi ka pa nagpapaalam sa kanya?"
I sighed. "Narinig niya ako kahapon habang kausap si Amellia, pero hindi niya ako hinayaan magpaliwanag." Mahinang sagot ko sa kanya.
"You need me? Gusto mo samahan kita na kausapin siya?" Tanong niya.
Umiling ako.
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Publishing Company owner x Filipino Major Amariah Zoey Belmonte 3rd year college student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino, ang babaeng handang gawin para mabuhay. Malakas at mas masipag pa siya sa k...
