Kabanata 29

1.1K 17 3
                                        

"Ready?"tanong ni Allen sa amin dalawa ni Amellia, tulad nga ng sinabi niya, dumeritso na kami sa San Jose Malaybalay, kung saan makikipagkita sa kanya ang pamilya niya para I celebrate ang birthday niya.

"Opo Papa, excited na po ako ma meet ni Ate Ria sila Mommy." Nakangiting sagot ni Amellia sa Papa niya.

Hindi ako kumibo, hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na sumama sa gathering na 'to, natatakot ako at nangangamba, kilalang mga tao sa Malaybalay ang pamilya ni Allen lalo na ang Mama niya, isang sikat na Author, hindi ko alam kung handa na ba akong makita sila, o makausap sila, gusto ko man, hindi ko pa rin kaya, maisip ko lang ang kasalanan ko sa pamilya nila parang pinipiga na ang puso ko, nasasaktan at nahihirapan ako.

"Ate you okay lang po ba? Wag ka po ma scared, mabait naman po sila Mommy eh, I know they will like you po." Amellia said.

Alam kong napansin niya ang pananahimik ko kaya bigla siyang nagsalita, alam ko na gusto niya lang pagaanin ang loob ko, pero hindi ko kaya.

"I already told her about that baby, nagustuhan nga natin siya, sila pa kaya." Sagot ni Allen na aking ikinatingin sa kanya.

I sighed.

Agad kong binaling ang tingin kay Amellia dahil hindi ko matagalan ang paraan ng pagtitig ni Allen sa akin, nakakapaso.

"Don't worry, baby, hindi naman ako natatakot, pero kinakabahan ako." I answered honestly.

Ngumiti siya. Sabay sa yakap sa akin na siyang ikinabigla ko.

"Wag ka na po kabahan, magugustuhan ka po nila, trust me po."

I smiled. Hindi na ako umimik hanggang makarating kami sa restaurant kung nasaan ang mga magulang ni Allen.

Sabay- sabay kaming tatlo na pumasok sa loob ng restaurant. Kitang- kita sa mga mata ni Amellia ang saya habang karga ng lolo niya.

"Finally, nandito na rin kayo, maupo na kayo at nakapag order na kami sana, hija, magustuhan mo ang na order namin para sa dinner na 'to. But don't worry tinanong ko naman si Allen if saan ka allergies na food." Ani ni Sir Aries na nagpatigil sa akin.

Tumingin ako kay Allen, pagkatapos magsalita ni Sir. Gusto ko siyang tanungin kung paano niya nalaman ang mga bawal sa akin, pero nakakahiya naman sa mga magulang niya kung ngayon ko yun tatanungin.

"Anyway happy birthday son." Bati ni Sir kay Allen.

"Thanks Dad." Sagot ni Allen.

"I'm always proud of you son, alam mo yan happy birthday." Bati naman ni Ma'am Ayla sabay yakap niya kay Allen.

"Thank you Mom. And by the way, alam ko na kwento ko na siya sa inyo, si Amariah, the girl I love."

I stopped.

Hindi ko akalain na sasabihin niya yun, totoo ba talaga 'to? Hindi lang ba 'to panaginip? Sinabi niya ba talagang mahal niya ako? Ako ba talaga? Pero hindi pwede, masasaktan ko siya, masasaktan ko sila.

"That's my son, anak nga talaga kita, at dahil mahal ka ng anak ko, at halatang mahal ka Rin ng apo ko, I am happy to welcome you to our family hija, welcome." Sagot ni Sir Aries na ikinangiti ni Ma'am Ayla sa akin.

"Masaya ako para sayo anak, masaya ako para sa inyo, and yes, welcome to our family Riah." Usal ni Ma'am Ayla na nagpatahimik sa akin ng tuluyan.

Hindi mo alam kung paano maniniwala, o paano mag re- react sa mga narinig ko sa kanilang dalawa, masarap sa tenga, pero alam ko na oras na malaman nila ang nagawa ko, sila ang unang tatalikuran at iiwasan ako.

"See?  Ate, I told you magugustuhan ka nila, at hindi lang si Daddy po ang may gusto sayo, gusto rin po kita maging Mama ko."Sabi naman ni Amellia na ikinangiti ko.

"That's enough for now, mag kwentuhan tayo mamaya Riah, kumain na muna tayo ngayon." Ani ni Sir.

Tumango ako.

"Salamat po." Nakangiting sagot ko sa kanila.

Nagsimula na kaming kumain lahat ng biglang nag ring ang phone ko, kaya saglit kong tinigil ang pagsubo ko ng pagkain ko para magpaalam sa kanila dahil baka si Eros ang tumatawag sa akin ngayon, nakakahiya naman na sagutin ito sa harap nila Allen.

"Ah, rest room lang po muna ako Sir... Ma'am." Paalam ko sa kanila.

"Okay, but please hija, Tita at Tito na lang, ang mahal ng apo at anak namin, pamilya na namin." Sagot ni Ma'am Ayla na ikinangiti ko ulit.

"Sige po Tita." Sagot ko sa kanya.

"Gusto mo samahan na kita?" Tanong ni Allen ng tumingin ako sa kanya.

Umiling ako.

"No, okay lang naman, babalik din ako agad." I said.

He smiled.

"Sige."

Pagkatapos na pagkatapos kong magpaalam sa kanila, dali - dali akong pumasok sa rest room para tingnan kung sino ang tumatawag, at ng makita ko ang pangalan ni Kim sa screen, kaibigan ko simula pa ng bata ako, walang pag- alinlangan na sinagot ko 'to agad.

"Hello Kim?"

"Finally! Buti na lang hindi ka pa nagpapalit ng number best, at buti na lang hindi pa ako nagpapalit ng number." Aniya.

I smiled.

"Kumusta kana?" I asked.

Ilang taon rin kaming walang communication, at ni minsan hindi ko rin nasubukan na tawagan siya dahil nahihiya pa rin ako sa mga ginawa ko sa nakaraan na naging saksi siya.

"Ito, maganda pa rin. Anyway, tumawag ako, kasi best, we need to talk, may kailangan kang malaman." Sagot niya na pinagtaka ko.

"Bakit? Anong nangyari? Kumusta ang ampunan? Sila Sister?" Sunod- sunod kong tanong sa kanya.

Hindi ko alam, pero bigla akong kinabahan sa mga oras na 'to, pakiramdam ko may mangyayari.

"Hindi naman sila best eh, okay lang sila, okay lang kami, pero--- kasi best, tungkol kay Allen, pinuntahan niya ako noong isang linggo, at dapat noong isang linggo pa talaga ako tumawag sayo para sabihin, kaso hindi kami pinagamit ng cellphone sa OJT, kaya ngayon lang ako nakatawag."

Ngumuso ako.

"Tungkol kay Allen? Bakit?" Taka kong tanong sa kanya.

"Hindi-- hindi pwede dito sa Cellphone, bukas, magkita tayo bukas, sa park ng School natin. Hihintayin kita best, bukas, please pumunta ka." Aniya na dahilan ng pagbilis nang tibok nitong puso ko.

Angie













 

My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon