Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung matutuwa ba ako, maiinis o magagalit, hindi ko talaga alam gulong-gulo ako.
I'm shock, I'm still not okay,at hindi ko alam kung magiging okay pa ako, lalo na kanina pag gising ko na siya ang katabi ko, fudge! Seryoso ba talaga 'to? Katabi ko ba talaga ngayon si Allen, at meron ba talagang nangyari sa amin? Oo, I'm happy, sa kabila ng takot na nararamdam ko, masaya ako, masaya ako kasi siya, siya ang nakauna sa akin, pero paano ko 'to ngayon ipapaliwanag sa kaibigan ko iniwan ko si Kim kagabi, at alam kong hinahanap na din ako nila Sister ngayon. I want to kill myself right now, kaya dali-d ali akong lumabas sa lugar na yun, mahirap na at magising pa siya, ni hindi ko na inisip ang physical appearance ko, paglabas ko ng kwarto na yun, wala na akong pakialam sa mga taong nakikita akong magulo ang buong mukha ngayon, I really want to go, I really want to get out here. Nakakahiya! I admit I like him but for Pete sake I am only 18 years old fudge! I'm so doomed.
Hindi ko alam kung anong oras ako nakarating sa MC orphanage na pinapamunuan ng mga Madre ng San Isidro Parish. Dito na ako lumaki, ito na ang naging bahay ko noon pa. I have no family, sila na ang naging pamilya ko, kaya bakit ko 'to nagawa?
"Jusko, Amariah, anong nangyari sayo? Kagabi ka pa namin hinahanap."salubong agad sa akin ni Sister Jessy.
Napayuko ako at nahihiyang humarap sa kanilang lahat. "So-sorry po, nagka-nagkasiyahan lang po."nahihiya kong sagot sa kanya.
Agad niya akong hinawakan sa kamay na ikinatingin ko sa kanya.
"Naiintindihan namin na malaki kana, sayang lang kasi, gusto sana namin I celebrate yung birthday mo, na nandito ka."She said.
Mas lalo na naman akong nakonsensya sa sinabi niya kaya nahihiya kong hinarap ang Ibang Madre na nag-aalalang nakatingin sa akin ngayon.
"So-sorry po talaga, hindi na po talaga mauulit." I said softly.
Tumango naman silang lahat sabay ngiti nila sa akin.
"It's okay, normal lang naman yan sa edad mo, sa susunod magsabi ka sa amin huh, yan lang hinihiling namin. O, sige na magbihis at magpahinga ka muna sa kwarto mo. Tatawagin ma namin mamaya, para kumain, we will celebrate your birthday today kasama ng mga bata."wika ni Sister Jessy sabay tango ko.
Pagkatapos sabihin na Sister yun ay agad na akong pumasok sa kwarto ko para magpahinga, masakit pa din ang gitna ng hita ko, kaya mas pinili ko munang mahiga saglit para makapagisip-isip.
Mali ang ginawa ko, sobrang bait ng mga Sisters sa akin dito, noon pa man sila na ang kasama ko, kaya sobrang nagsisisi ako ngayon. Hindi niya naman siguro ako maalala diba? Makakalimutan niya naman siguro agad ang nangyari sa amin diba?
"Ate."napatigil ako sa pag-iisip ng isang inosenteng boses ang tumawag sa akin mula sa pintuan ng kwarto ko kaya bumangon ako para puntahan ang boses na yun.
"Surprise ate, happy birthday."masayang bati ng mga bata sa akin habang bitbit ang mga letters na ginawa nila para sa akin, nakangiti ko naman itong tinanggap sa kanila. May ilan din na nag abot ng flowers at balloon na siyang ikinangiti ko.
"Thank you sa inyo." I genuinely said.
Agad naman nila akong niyakap na ikinatigil ko.
"We love you ate, mahal ka namin po. Happy birthday."sagot ni Mia isang batang babae na nag abot sa akin kanina ng hand written letter.
"Tara ate."wika naman ni Kio, isang batang lalaki sabay hila niya sa akin papunta kung saan.
"Surprise.."sigaw ng mga naiwan na bata dito sa hall sabay bukas nila ng tarpaulin na hawak nila. Agad nanan lumabas sila Sister Jessy kasama ng ibang sister sa kusina. Dala ni Sister Jessy ang Isang cake na nagpatulo ng luha ko habang dahan-dahan silang lumapit sa akin.
"Happy birthday hija."nakangiting bati sa akin ni Sister.
"Thank you po Sister." I whispered habang pinupunasan ang mga luha sa mata ko.
"Maligayang kaarawan sayo Amariah, alam namin na malaki kana, pero gusto lang namin malaman mo na ikaw pa din ang unang baby namin dito, at walang sino man ang makakapagpabago no'n." Wika naman ni Sister Kath na ikinangiti ko.
"Sa-salamat po talaga sa inyo, mahal ko po kayo."I said.
Nag simula na ang simpleng celebration namin ng birthday ko, ng bigla akong hinila ni Kim papunta sa garden, tinawagan ko siya kanina para imbitahin at para makahingi ng tawad sa pang-iiwan ko sa kanya kagabi.
"Bruha! Umamin ka nga?! Saan ka kagabi huh?! Bakit na bigla nawala?!" Mariin na tanong niya.
"So-sorry, nadala lang ako, wala ako sa tamang huwisyo."mahina kong sagot sa kanya.
Taka naman siyang tumingin sa akin.
"What do you mean?"
"Kagabi, nagkita kami ni Allen sa bar at..... at may nang-nangyari sa amin. I whispered na halatang ikinagulat niya.
"What the hell?! Are you serious?!"sigaw niya. Kaya agad kong tinakpan ang bibig niya dahil baka marinig siya nila Sister.
I nodded.
"Hi-hindi ko din alam, pa-paano, ba-basta ang alam ko lang nagi-nagising ako sa tabi niya. Walang kahit na anong suot sa katawan."I said.
Kumunot ang noo niya. "Putek! Amariah, 18 ka pa lang, paano pag nalaman nila Sister yan?" Mahina pero seryosong tanong niya.
Umiling ako. "Hi-hindi, hindi nila malalaman, tsaka, alam ko, hindi ako nakilala ni Allen."
"Paano ka naman nakaka sigurado huh?!"
"Alam ko. Alam ko lang."
"Pero girl, paano pag nabuntis ka? Anong plano mo?"tanong niya na nagpatigil sa akin.
I smiled. Sabay iling ko. "Malabo, una at huli na yun."
"Gaga!"Aniya sabay palo niya sa balikat ko.
"Kahit una pa yan, walang imposible." Aniya.
Hindi ko alam kung anong sasabihin, she's right, posibleng mangyari yun, pero oras na mangyari yun, napakamalaking kasalanan yun na magagawa ko sa mga taong nagpalaki at nagmahal sa akin simula bata pa ako.
"So, anong gagawin mo? Paano ang pag-aaral mo? Paano sila Sister?" Sunod-sunod niyang tanong na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.
"Hindi ko alam Kim, gulong-gulo na ako, alam kong malabo niya akong panagutan oras na may mabuo, kaya hindi ko alam, natatakot ako Kim."
Natatakot akong dagdagan ng isa pang mali, ang mali para lang pagtakpan ito at wag mawala sa akin ang pamilya na meron ako ngayon. I cannot afford to lose them. My home, my family. My comfort.
Ahh, gulo ko din 'no? Mas mabigat kasi talaga yung story nila, pero inuna ko sila kasi hindi pa kaya ng mental health ko isulat si Von, kasi namaan eh, may pagka reddd si Von eh, hehe, spoiler akooo, si Allen kasi ano eh. Secret. Anyway goodluck na lang talaga sa emotions ko habang sinusulat ko 'to. Nakakatakot sobra.... Good evening. Xoxo.
Angie
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Publishing Company owner x Filipino Major Amariah Zoey Belmonte 3rd year college student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino, ang babaeng handang gawin para mabuhay. Malakas at mas masipag pa siya sa k...
