Kabanata 22

1.2K 18 1
                                        


Birthday ni Allen sa 29, kung gano'n bakit niya ako kailangan isama?

"Ate."

"Ay! Pangit na kalabaw!" Gulat na wika ko sabay tingin ko kay Amellia at  Allen na nakatingin ngayon sa akin ng seryoso.

"May pangit na kalabaw ate?"

Umiling-iling ako.

"Wala baby, wala. Kanina pa kayo?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.

Tumango siya. "Yes ate, tinitingnan ka po namin ni Papa, habang tulala ka po, Hi po pala." Nakangiting bati niya sa akin.

I smiled.

"Sorry talaga, hindi ko kayo napansin, kumusta ang school mo?" I asked.

"Okay lang ate, I got 3 stars kanina sa Math." Masayang sagot niya na nagpangiti sa akin.

"Ang talino naman ng baby na yan, very good." Bati ko sa kanya.

"Thank you po ate, mana lang kay Papa.." aniya na muling nagpangiti sa akin.

Sa back seat siya naka upo habang nandito naman ako sa harap katabi ni Allen. Labis-labis ang kabang nararamdaman ko sa oras na 'to, pakiramdam ko konti na lang bibigay na ako sa harap ng mag-ama ko, pero katulad ng parati kong sinasabi at katulad ng parati kong pinapaalala sa sarili ko, kailangan ko magpakalakas, hindi nila ako puwede makilala.

"Papa, na kuwento mo na kay Ate na pupunta tayo sa house na binili mo?" Tanong ni Amellia na ikinagulat ko.

"Ba-bahay?" Takang tanong ko kay Allen.

He nodded.

"Yes, sa Impasug-ong Bukidnon, maganda ang place at perfect for the family, so I decide na bilhin siya and may gusto rin bisitahin na place si Amellia sa Impasug-ong." Sagot niya na nagpatingin sa akin kay Amellia.

"Sige na love, alam kong kagabi ka pa excited na sabihin sa ate Riah mo kung saan yun." Usal ni Allen sabay tango ni Amellia.

"Ate, sa communal ranch po, gusto ko po pumunta doon po, marami kasing horse, at I really want to ride sa horse po, so I ask Papa, if puwede niya ako dalhin do'n. But hindi lang rin ranch ang gusto ko po puntahan, pati na rin po yung dahilayan ate, at yung pineapple plantation po." Wika ni Amellia na mas ikinangiti ko.

"Minsan, naiisip ko, hindi ko siya Anak, sa edad niyang limang taon, sobrang dami niya ng alam at matalino pa." Usal ni Allen na siyang nagpatahimik sa akin.

"Dah, Papa, O.A mo, na forget mo na po mag si-six na po ako, hello, ikaw lang 'tong bini-baby pa ako, e, big girl na nga po ako." Sagot ni Amellia kay Allen.

"As you said so love."

Hindi na lang ako sumingit sa usapan nila, at inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin ng magandang tanawin. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako ulit naging masaya ng ganito, pangarap ko lang 'to dati at ngayon nagkakatotoo na, kasama ko na silang dalawa, saglit at konting panahon nga lang.

"Are you okay?" Takang tanong ni Allen sa akin.

Agad kong binaling ang tingin ko sa kanya sabay tango ko, bilang sagot sa tanong niya.

"O-Oo, natutuwa lang ako sa inyo ni Amellia." Sagot ko sa kanya, sabay tingin ko kay Amellia na ngayon ay nakapikit ang mata habang nakahiga sa upuan sa likod.

"Mas matutuwa ka sa amin, kung papayag kang tumira kasama kami." Aniya.

I stopped.

"Hi...."

"Anyway, malapit na tayo, matulog ka muna." Putol niya sa sasabihin ko.

Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya at kahit hindi naman ako inaantok ay pilit ko pa rin na pinikit ang dalawang mata ko, sa pag-asang kakalma rin ako, at mawawala rin ang kabang nararamdaman ko sa oras na 'to dahil kay Allen.

"

Ate, wake up na po." Malambing na tawag sa akin ni Amellia na dahilan ng paggising ko.

"Baby, nasaan na tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa new house na po tayo na binili ni Papa." Sagot niya na ikinatigil ko.

"Ba-bahay? E, paano ako biglang nandito sa kwarto? Kaninong kwarto 'to? Kailan pa tayo dumating?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Hindi ko akalain na makakatulog ako habang nasa biyahe kaming tatlo, hindi ko maimagine na nakahiga ako sa isa sa mga kwarto dito sa bahay ni Allen.

"Ate, kalma ka lang po, si Papa po ang nagkarga sayo po, sabi ko nga po sa kanya, gisingin ka na lang po, pero sabi niya hayaan ka na muna namin mag sleep para makapagpahinga ka po." Sagot niya.

Umiling-iling ako, hindi ako makapaniwala na mismong si Allen pa ang magbibitbit sa akin dito.

Sobrang tanga mo kasi Riah, alangan naman si Amellia mag bitbit sayo papunta dito sa kwarto diba? Kausap ko sa sarili ko habang sinasapuso ang mga nangyari sa araw na 'to.

"Ate okay ka lang po ba?"

I nodded.

"Oo naman, medyo napagod lang ako sa biyahe baby, don't worry, bakit? May gusto ka ba ipagawa?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Wala naman po, magpapatulong po ako ate, alam mo naman po na birthday ni Papa sa May 29 po diba? Gusto ko po sana siya I surprise po, patulong po please." Usal niya na nagpangiti sa akin.

Halatang mahal na mahal niya si Allen, pagmamahal na alam kong malabo kong maranasan sa kanya, bilang magulang niya, bilang Nanay niya.

"Puwede po ate?" She asked.

For the second time, tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Gusto ko silang makasama at kahit sa ganitong paraan man lang, maranasan ko na makasama sila bilang pamilya ay buong puso kong gagawin, maranasan ko man lang na makasama ang dalawang tao na biyaya sa akin ng nakaraan ko.

"Yeey, thank you ate! The best ka po talaga, sana soon maging Mama na po kita, I love you po." Wika niya na ikinagulat ko.

"I love you too baby, I love you too." Sagot ko sa kanya, sabay yakap ko sa kanya na halatang ikinagulat niya.

Hindi ko namalayan na unti-unti na pa lang tumutulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Ang marinig ang salitang I love you sa bibig ng anak ko ang isa sa pangarap ko, at hindi ko akalain na maririnig ko 'to ngayon. Oo, hindi man bilang Ina kaya mahal niya ako, kahit papaano masaya na rin ako, lalo na at sa bibig niya mismo nanggaling na mahal niya ako, na mahal ako ng anak ko.

"Ate, are you crying po?" Nag-aalalang tanong niya sa akin ng binitiwan ko ang pagkakayakap sa kanya.

Umiling ako.

"Masaya lang ako Amellia, masaya lang si Ate, salamat sayo, salamat baby. Mahal kita."

"I love you too ate, at alam ko, mahal ka rin ni Papa, kaya sana talaga soon maging Mama kita, para dito na po tayo titira at magiging happy big family na po tayo. Diba po maganda yun?" She asked.

I nodded.

"O-oo, kung pwede baby, sana nga. Sana nga."

Gusto ko lang sabihin na pinalungkot Lalo ng pamilya na 'to ang araw ko, nawawala pa motor namin eh, ninakaw.  Anyway good evening everyone, enjoy reading...

Angie

My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon