Kabanata 23

605 17 3
                                    

Kinabukasan, tulad ng sabi ni Amellia,  ay pumunta nga kaming tatlo SA communal ranch, naging maayos naman ang naging biyahe namin dahil nagdala ng sasakyan si Allen. Alam kong hindi magiging madadali ang lahat ng ito para sa akin ngayon at sa mga susunod na araw, pero kung ito lang ang tanging paraan para makasama ko silang dalawa, ay kakayanin ko kahit gaano pa kahirap.

"Are you okay?"

Agad-agad kong nilingon si Allen na ngayon ay katabi ko na pala na pinagmamasdan si Amellia na sobrang saya habang nakatingin sa mga baka.

I nodded.

"Oo, ngayon lang ulit ako nakapunta sa tahimik na Lugar, at ang sariwa pa ng hangin, salamat sa'yo, sa inyo ni Amellia." Sagot ko sa kanya ng nakangiti.

"I'm happy to hear that, at least napangiti na rin kita."

I smiled.

"Minsan lang kita makita na nakangiti, at yung minsan na yun, si Eros ang nagpapangiti sayo, now, I'm happy na malaman na napangiti kita." Aniya na ikinagulat ko.

Hindi ko alam, pero bigla akong kinabahan sa sinabi niya, kaya dali-dali akong umiwas ng tingin sa kanya.

"Hi-hindi mo naman kailangan pangitiin ako." I shuttered.

"Tss, hindi kailangan, pero gusto ko, gusto ko na, ako at si Amellia lang ang magiging dahilan ng pag ngiti mo. Unfair man pakinggan, pero yun ang gusto ko." He said.

I sighed.

"Hindi ko alam ang sasabihin ko." Buong lakas kong sagot sa kanya, sabay angat ko ng tingin sa kanya.

Nakatitig siya sa mga mata ko ngayon, at magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako naapektuhan sa paraan ng pagtitig niya, dahil ang masasabi ko lang, parang matutunaw ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

"Hindi mo naman kailangan magsalita ngayon Ri, let me prove that to you, hayaan mo akong patunayan sayo ang nararamdaman ko, kasi honestly speaking, kahit ako rin naman sa sarili ko, hindi ko pa rin alam kung anong tawag sa nararamdaman ko para sa'yo, kung gusto lang ba talaga kita, o kung mahal na kita." Usal niya na nagpabigla sa akin.

Hindi ko alam kung paano sasagutin ang sinabi niya, kaya laking pasalamat ko at lumapit si Amellia sa amin, siyang dahilan kung bakit na iba ang atensyon niya.

"How is it love? Nagustuhan mo ba ang paligid?"

Nakangiting tumango si Amellia kay Allen bilang sagot sa tanong nito.

"Yes, opo Papa, thank you po sa pag dala sa akin dito, pero pwede ko ba i try ang horse po? Gusto ko po sumakay sa horse pwede po ba?"

"Anything you want love, but for now, kumain muna tayo, para mas marami ka pang energy." Sagot ni Allen na mas lalong nagpangiti kay Amellia.

"Yey, thank you Papa, Ate, sama ka po sa akin later ha." Wika ni Amellia sabay tingin niya sa akin.

I stopped.

"Hi-hindi na baby, tsaka, hindi rin naman ako marunong mangabayo." Nahihiya kong sagot sa kanya.

"That's not a problem po ate, marunong si Papa, magpapaturo po tayo sa kanya." She said.

Gusto kong tumanggi, pero dahil sa napakainosente niya habang naka tingin sa akin ay wala akong nagawa.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, bago sumagot sa kanya.

"Ah, kasi..."

"Why not? Don't worry love, later, tuturuan ko ang Ate mo mangabayo." Putol ni Allen sa sasabihin ko na ikinatingin ko sa kanya, pero ang loko ngumiti lang.

Ang hirap niyong tanggihan dalawa.

"Yes! Thank you Papa, Ate, okay na, payag ka na rin po ha, masaya naman po sumakay sa horse, relaxing po." Usal ni Amellia.

I nodded.

"Si-sige na nga, wag lang sana akong mahulog." I said.

"Hindi problema kung mahuhulog ka,  I'm here, sasaluin kita." Sagot ni Allen na siyang nagpatahimik sa akin.

Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya, lalo na at ramdam ko ang lagkit ng mga tingin niya sa akin na mas dumadagdag sa kaba ko.

Ang dami kong pangarap sa amin tatlo, noon pa man, pangarap na alam kong imposibleng mangyari at matupad, kaya ang magkaroon ng ganitong pagkakataon na makasama ko sila, kahit saglit lang ay pinapasalamat ko na ng sobra, dahil at least kahit papaano nagkaroon ako ng chance na makasama ko sila at maging pamilya, kahit saglit lang, kahit konting oras lang."

"Kapit ka maagi sa kabayo, I will just guide you here sa likod, hindi kita iiwan." Bulong ni Allen sa akin habang nasa likod ko siya.

Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok nitong puso ko sa oras na 'to lalo na at hawak niya ang dalawang kamay ko, ni hindi ko naisip na posible akong mahulog ng kabayong 'to ngayong nasa likod ko siya, parang huminto ang oras namin tatlo ni Amellia.

Tiningnan ko si Amellia, nakangiti siya habang hawak ang camera at tila masaya siyang kinukuhaan kami ng Papa niya ng mga litrato samantalang ako dito ay parang matutunaw dahil sa Papa niya.

"I'm happy that, she's happy." Usal ni Allen sa likod ko na nagpatahimik sa akin.

"Ginagawa mo lahat para mapasaya siya, mabuti kang Ama." Sagot ko sa kanya.

"Really? You think so?"tanong niya.

"Bakit, hindi ba?" Balik kong tanong sa kanya.

"I actually don't know, pakiramdam ko ang sama ko, ni hindi ko maibigay sa kanya ang kumpletong pamilya na alam kong gusto niya magkaroon." Sagot niya na nagpatigil sa akin.

Hindi ko alam, pero bigla akong nakaramdam ng takot pagkatapos kong marinig ang sinabi niya, pakiramdam ko, pinaparinggan niya ako sa paraan ng pagsasalita niya.

"Okay ka lang?"He asked.

"Oo, medyo nahilo lang, baba na tayo." Kinakabahan kong sagot sa kanya.

Agad siyang pumayag, kaya pagbaba na pagbaba namin, dali -dali akong lumapit kay Amellia na halatang pinagtaka niya.

"Tapos na kayo ni Papa ate?" She asked.

I smiled.

"Oo baby, ikaw, okay ka lang ba dito?"Tanong ko sa kanya.

"Op...."

"Amellia." Kinakabahan kong salo sa kanya ng bigla siyang matumba at himatayin.

Nagmamadali naman na tumakbo si Allen sa amin at kinuha si Amellia sa akin sabay takbo namin sa sasakyan niya.

"A-anong nang-nangyayari?" Utal kong tanong sa kanya. Sa likod ako umupo at hawak ko si Amellia na ngayon ay hindi pa rin nagigising. Habang nagmamadali naman si Allen na nagmamaneho kung saan. 

"Shh, don't worry, she's fine, magiging maayos lang si Amellia, kaya niya 'to."Aniya sabay tingin niya sa akin ng nakangiti.

Amellia baby ko! Please, please..

Good morning, birthday ko kahapon, baka naman may magpakape diyan HAHAHA....anyway, happy reading everyone. No spoil muna akooo.

Angie..

My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon