Dati, naalala ko pa hanggang tingin lang ako kay Allen, hanggang nakaw lang ako ng tingin sa kanya sa malayo. Maliban sa mag- kaiba ang paaralan na pinapasukan namin, maraming babae din ang nakapaligid sa kanya.
Gwapo si Allen, at aaminin kong yun ang una kong nagustuhan sa kanya, may 5'10 siyang height na talaga naman na bumagay sa kanya, idagdag mo pa ang mga mata niyang nangungusap, wala pa siyang sinasabi, pero ang dami ng gustong sabihin ng mata niya. Sa mga nagawa ko noon, sa isang gabing nangyari sa amin dalawa, hindi ko akalain na dadating kami sa punti na 'to, hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na kami sa sitwasyon na 'to, dati, para sa akin sa panaginip ko lang mangyayari ang mga ito, pero ngayong nandito ako kasama nila Allen at Amellia, wala na akong ibang mahihiling pa, sobrang saya ko na, lalo na at nasa tabi ko na silang dalawa.
"Hija, Ri, gusto namin malaman mo na welcome ka sa pamilya namin at masaya kaming makasama ka ngayon dito." Salubong ni Ma'am Ayla sa amin pagdating na pagdating namin sa Heart's Resort dito sa Samal.
Uminit ang pisnge ko. Yumuko ako. "Salamat po Ma'am."
Umiling siya. "Ria, pamilya ka na namin, hindi pa man ngayon, but we know sooner or later, magiging legal kana na parte ng pamilya kaya Tito at Tito na lang itawag mo sa amin, masaya kaming I welcome ka sa pamilya." Ani ni Sir Aries na mas lalong nagpa- init ng pisnge ko.
Noong isang linggo lang, sobra akong nahihiya sa buong pamilya ni Allen, hindi ko alam kung paano sila patutunguhan na hindi ako nahihiya. Pero ngayong nakikita ko na tanggap nila ako tulad ng sinabi ni Allen, natutuwa ang puso ko, nakakataba ng puso na makitang tanggap nila ako, kahit pa ang laki ng nagawa kong kasalanan sa anak nila noon.
"Oo nga naman ate, pamilya ka na namin, may Amellia na kayo ni Kuya Allen, kulang na nga lang ikasal kayo. Kaya wag kana mahiya sa amin." Saad ni Chloe pinsan niya kapatid ni Lecster na siyang nagpangiti sa akin.
I smiled. "Salamat." I said..
"O, sige na, magpahinga muna kayo, alam namin na pagod kayo sa biyahe." Ani ni Tita Ayla.
I nodded. "Sige po." I answered.
Sabay kaming tatlo nila Allen na pumunta sa loob ng villa na nilaan ng parents niya sa amin tatlo. Ayaw ko pa sana pumayag dahil nahihiya akong makasama siya sa loob ng Isang kwarto, pero mas nakakahiya kung tatanggihan ko ang Mommy niya.
Nakatulog sila Allen at Amellia sa kwarto kaya napagpasyahan ko munang maglakad- lakad sa labas para kahit sandali ay makapag- isip- isip man lang ako kahit papaano.
"Ria?"
Agad akong lumingon sa likod ko pagkatapos marinig ang boses ng taong tumawag sa pangalan ko.
Ngumiti ako. "Tita Ayla, kayo po pala."
"Hindi ka makatulog?" She asked.
Tumango ako. "Opo, naisipan ko pong maglakad- lakad dito sa labas para po dalawin ako ng antok." Sagot ko sa kanya na ikinangiti niya.
"Alam mo ba dati, hindi rin ako nakakatulog agad, lalo na kung maraming laman ang isip ko. Pero nong dumating si Aries sa buhay ko, nag silbi siyang liwanag sa buhay ko, nasa madilim akong parte ng buhay ko noon ng dumating siya. Sirado ang puso ko para sa pag-ibig noon bago siya dumating, pero noong nand'yan na siya, binago niya ako, ang mga imposible para sa akin noon, ginawa niyang posible, dahil sa kanya, nagkaroon ako muli ng rason para mabuhay, dahil sa kanya natuto ako muling magmahal."
I sighed. "Seryoso lang akong nakikinig sa kwento niya, at kitang- kita ko ang pagmamahal sa mga mata niya. Halatang mahal na mahal talaga niya si Sir Aries.
Umiling- iling siya bago muling tumitig sa akin ng hindi Inaalis anv ngiti sa kanyang labi.
Para siyang anghel kung ngumiti, sobrang ganda niya, hindi nakakapagtakang mahulog ng lubos si Sir Aries sa kanya. Maganda na, mabait pa.
"I'm sorry, na kwento ko pa tuloy sa'yo." Aniya.
Umiling ako. "Wala naman pong kaso sa akin yun Tita." Sagot ko sa kanya.
"Alam mo Ri, sinasabi ko 'to sayo, kasi kilala ko ang anak ko, kilala ko si Allen, alam kong may pagdadalawang- isip ka sa puso mo ngayon para sa kanya, at naiintindihan ko yan, pero bilang Ina niya, ako na ang magsasabi sayo, alam ko at ramdam ko, totoo ang nararamdaman niya para sa'yo. The way na tingnan ka niya, may pagmamahal. At alam mo ba? Noong hindi ka pa dumadating sa buhay niya, daig niya pa ang isang yelo? Kay Amellia lang talaga siya umaamo, pero nong dumating ka, hija, binago mo siya, binago mo ang anak ko. Naging mas masiyahin Siya dahil sayo. Kaya, maraming- maraming salamat Ria, maraming salamat." Saad niya na ikinabigla ko.
"Hindi.."
"Alam kong hindi mo siya binago, pero Ri, ikaw ang dahilan bakit ginusto niyang magbago, kaya yun ang pinapasalamat ko sayo." Putol niya sa sasabihin ko.
I smiled. "Salamat po, ang totoo po niyan, hanggang ngayon, hindi po ako makapaniwala sa mga nangyayari. Ang dami ko pong kasalanan sa pamilya niyo, lalo na po kay Amellia at Allen sa mag-ama ko. Hindi ko po alam kung deserve ko ang pagtanggap niyo sa akin, alam ko po na hindi rin naging madali sa inyo ang mga nangyari."
Tumango siya. "Oo, hindi naging madali, pero ang pagdating ni Amellia sa bahay namin ang isa sa pinakamagandang nangyari sa pamilya namin." She smiled.
"Natatakot ka tama?" She asked.
Tumango ako.
"It's okay, okay lang na matakot ka, pero lagi mong tandaan na, kahit sinong tao sa mundo deserve bigyan ng pangalawang pagkakataon, kaya Ri, hiling ko lang sana sayo, pag- isipan mo, alam kong hinahanap mo pa ang sarili mo ngayon, pero sana, habang lumalaban ka para sa buhay mo, wag mong kalimutan na nandito kami para sa'yo, na mayroon kang Allen at Amellia na nagmamahal sayo. Hindi ka nag- iisa sa laban mo na 'to Ria, kasama mo kami, kasama mo ang mag-ama mo. Habang nand'yan sila, habang nandito kaming mga naniniwala sayo, paniwalaan mo rin sana ang sarili mo na kaya mong manalo, kasi lahat kami naniniwalang kaya mo." Aniya na nagpatahimik sa akin.
"Ma'am Ayla."
"Shine Ria, shine."
Angie
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Publishing Company owner x Filipino Major Amariah Zoey Belmonte 3rd year college student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino, ang babaeng handang gawin para mabuhay. Malakas at mas masipag pa siya sa k...
