"Mama, bilisan niyo po, may mga sea shell po akong nakita dito, marami po."
Nagmamadali akong tumakbo papunta sa pwesto nila Allen at Amellia ng tawagin ako ng anak ko. Masaya silang naglalaro dalawa malapit sa dagat habang naghahanda naman ako ng meryendang kakainin nila mamaya.
Tumango ako. "Sige, nand'yan na." I smiled.
Pagkatapos namin mag- usap ni Ma'am Ayla kagabi, Isang bagay lang ang na- realize ko, at yun ang tama siya, hindi ko dapat ikulong ang sarili ko ng tuluyan sa nakaraan, mahirapp pero tama silang lahat, kailangan ko na patawarin ang sarili ko sa nakaraan, para sa anak ko, at para kay Allen para sa pamilya namin.
"Baby, kumain ka na muna." Ani ko sa anak ko sabay bigay ko sa kanya ng hotdog na inihaw ko kanina.
"Thank you Mama." Sagot niya pagkatapos tanggapin Ang hotdog na bigay ko sabay takbo niya sa pwesto nila Ma'am Ayla na ngayon ay nagkakasiyahan kasama nila Tita Krista.
"Salamat."
Agad akong lumingon Kay Allen na ngayon ay nasa tabi ko.
Nagkibit- balikat ako. "Salamat? Para saan?" I asked.
"Salamat, dahil kasama ka namin ni Amellia, salamat kasi nandito ka." He answered.
I stopped. Uminit ang pisnge ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa sinabi niya, tulad pa rin ako noon, Isang tingin lang ni Allen, parang nasa karera na 'tong puso ko sa sobrang bilis ng tibok.
I sighed.
"Ako ang dapat magpasalamat sa'yo, sa inyo ng buong pamilya mo, sa kabila ng ginawa ko noong pag- iwan kay Amellia ng hindi man lang nagpapakita sayo, tinanggap mo pa rin ako."
"I love you, that's why, like what I said before, hindi ka pa umaamin, napatawad na kita, masyado akong hulog sa'yo Ri para hindi ka patawarin." Aniya.
"Pero nasaktan pa din kita, lalo na si Amellia."
He nodded and smile.
"Yes, nasaktan mo ako, nasaktan mo kami, pero sa huli Ri, ikaw lang din ang makaka- alis sa sakit na naidulot mo sa amin. Kahit gaano pa kabigat ang nagawa mo, o magagawa mo, alam ko sa sarili ko na babalik at babalik pa rin ako sa'yo na nag- iisang mahal ko." Sagot niya na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.
Kung dati hirap na hirap ako maniwala sa mga sinasabi niya, kahit alam kong seryoso siya, ngayon magaan ang puso ko, at ramdam ko na totoo siya sa mga binitiwan niyang mha salita, na siyang nagpapasaya ng puso ko sa mga oras na 'to.
"Papa, pinapatawag ka po nila Mamita, may sasabihin daw po silang important to you, ako na po muna bahala kay Mama."
Sabay kaming lumingon kay Amellia na ngayon ay papalapit ulit sa amin dalawa, dahan- dahan siyang tumabi sa akin na nagpangiti sa akin.
"Okay, hintayin niyo lang ako dito, I'll be back, Amellia, be good okay, wag makulit kay Mama." Paalala ni Allen kay Amellia bago siya tuluyan pumunta sa pwesto nila Ma'am.
"Mama, can I talk to you?"
I nodded.
"Oo naman baby, bakit? May problema ba? Pwede mo sabihin kay Mama." Sagot ko sa kanya.
Umiling siya. "I have no problem po Mama. Gusto ko lang Po mag thank you, kasi nandito ka po with us." Aniya.
I smiled. "Don't worry love, hindi na ako aalis, hindi na ako mawawala." I said.
Nanlaki ang mata niya, tila hindi siya makapaniwala sa sagot ko.
"Really Mama? Promise po?" She asked.
Tumango ako. "Pangako anak, hindi na ako aalis sa tabi mo, magkakasama na tayo." Paninigurado ko sa kanya.
Dali- dali niya akong niyakap na mas nag pangiti pa sa akin lalo. Matagal ko itong hiniling na mangyari, matagal ko 'to hinintay ang mayakap ang anak ko, habang tinatawag niya akong Mama. Isa sa pinaka hihintay ko simula noong araw na hindi ko na siya nakita at nakasama.
"Sa-salamat Ma- Mama." Nauutal na sagot niya sa akin na ikinagulat ko.
Kaya dali- dali akong tumingin sa kanya pagbitiw niya sa pagkakayakap sa akin. At laking gulat ko na lang ng makitang umiiyak siya.
Dahan- dahan kong pinunasan ang mga luha sa pisnge niya, na nagpangiti sa kanya.
"Love? Are you okay? May nasabi ba si Mama sa'yo na hindi mo gusto?" Taka kong tanong sa kanya.
Seeing her crying Infront of me is a torture for me, sumisikip ang dibdib mo ngayong nakikita ko siyang umiiyak sa harap ko.
Umiling- iling siya. "Wala Mama. I'm crying lang po kasi happy ako. Kasi Mama, before, nong hindi ko pa po knows na ikaw ang Mama ko, palagi kong naiimagine ano po feeling ng may Mama, yes, I have Mamita po, pero naiingit po ako sa mga friends ko, complete family po sila, unlike me, may Daddy at Mamita nga po ako, then may Papa at may mga Tita at Tito din po, pero kulang pa rin po kasi wala akong Mama. Before din po palagi ko naiisip na siguro bad talaga ako kaya ayaw ng Mama ko sa akin."
Umiling ako. I started crying. Hindi ko alam na ganito pala ang nararamdaman ng anak ko pagkatapos ko siyang iwan noon, nasasaktan ako..
"I'm sorry... Love... Mahal kita, naduwag lang si Mama, natakot lang si Mama, pero hindi Ibig sabihin no'n, na hindi kita mahal." Sagot ko sa kanya.
She nodded. "Alam ko po Mama, palafi po sinasabi ni Papa sa akin na mahal mo ako, na gusto mo lang mabuhay ako. At salamat po kasi iniisip niyo po ako, masaya po ako, kasi ngayon may Mama na ako, na nand'yan na po kayo. I love you po Mama." She smiled.
"I love you too baby, lahat gagawin ko para sa'yo, nandito na si Mama, hindi na ako aalis, promise." I genuinely said.
"Dalawa na lang po gusto ko Mama, then perfect na po, masaya na po ako." Aniya.
"Pwede ba malaman ni Mama ang gusto ng baby ko?" I asked.
Tumango siya bago sumagot.
"First po, sa isang house na po tayong tatlo tumira, and second po ay baby brother or sister po Mama. Gusto ko na po tawagin na Ate Mama, at kahit girl man po o boy siya, okay lang po, basta important po ay may baby na po tayo sa family, yun po Mama, that's all I want po."
Wakas next, at nasa wakas din po ang message ko sa inyong lahat. Para sa lahat ng mga taong bumasa, nagbabasa at magbabasa pa po ng kwento nila Amariah, Allen at Amellia. For now, happy reading po. Xoxo.
Angie
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Publishing Company owner x Filipino Major Amariah Zoey Belmonte 3rd year college student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino, ang babaeng handang gawin para mabuhay. Malakas at mas masipag pa siya sa k...
