Kabanata 10

1.5K 19 3
                                        

Kabanata 10

Maaga akong inihatid ni Eros papunta sa bahay nila Jackielyn, dahil sabay kami ni Jacky na pupunta sa Cagayan De Oro para subukan ang swerte namin sa isang publishing company. Gusto pa nga sana ni Eros na samahan  ako sa papunta sa CDO, pero tumanggi na ako, dahil may trabaho pa siya sa BEN ang National High School na pinili niyang applyan para sa internship niya.

"Are you sure na ayaw mong samahan ko kayo?" Tanong ni Eros sa akin pagdating namin sa Malaybalay Terminal.

"May duty ka pa, at tsaka magiging maayos naman kami ni Jackielyn eh. Wag ka ng mag-alala at tatawag naman ako." I said.

He sighed.

"Siguraduhin mo lang na tatawag ka Riah, and make sure to call me if pauwi na kayo para ako ang sumundo sa inyo." Paala ni Eros.

I smiled.

"I promise Kuya Eros." Sagot ko sa kanya sa maliit na boses.

Kumunot naman ang noo ni Eros dahil sa sinabi ko..

"Amariah Zoey." Malamig na tawag ni Eros sa buong pangalan ko.

"Okay Sir, sige na baka gabihin pa kami ni Jackielyn sa daan." Saad ko sa kanya.

Hinatid muna kami sa loob ng bus ni Eros bago siya tuluyan umalis.

"Girl ha, talaga bang kapatid lang ang turing ni Eros sayo?"

I smiled. " Kapatid lang, wala ng iba." I answered.

Ngumiti naman si Jackie ng mapang-asar tila ayaw niyang maniwala sa sinabi ko.

"Alam ko iniisip mo na may iba pang kahulugan ang meron sa amin ni Eros, pero Jack believe me when I said na wala." I added.

Kahit noong senior 2nd year college pa si Eros at nasa 1st year college naman ako, madalas na talagang isipin ng ibang tao na may namamagitan sa amin kaya noong nag third year siya mas pinili kong dumistansya sa kanya, ayaw ko naman isipin ng iba na may relasyon kami kahit ang totoo ay wala naman.

Mahigit apat na oras rin ang naging byahe namin ni Jackielyn papunta dito sa CDO at dahil mas may alam si Jackie sa lugar na 'to siya na ang pinahanap ko ng matutuluyan namin at ang napili nga ni Jackie ay ang hotel na malapit lang sa publishing house na pupuntahan namin bukas. Iisang kwarto lang ang kinuha namin ni Jackie para makatipid at dahil sa wala pa kaming kain, mas pinili namin dalawa na sa baba na lang ng hotel na ito kumain ng hapunan.

"Mura lang ba dito?" Bulong ko kay Jackie pagdating namin sa floor kung nasaan ang restaurant.

"Seriously,  Amariah? Hindi ka ba iniwanan ng baon ni Eros ha?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jackielyn sa akin.

Umiling ako.

"Ayaw ko lang na isipin nila Tito na sinasamantala ko ang kabutihan ng pamilya nila kaya hangga't kaya kong magtipid, magtitipid ako." I honestly answered.

Simula ng tumira ako sa bahay nila Eros, purong kabutihan ang pinakita ng buong angkan nila sa akin, kaya kahit sa konting paraan gusto kong suklian ang mga nagawa nila, kahit ngayon lang gusto ko kumita ng pera sa sarili kong sikap, gusto kong mag sipag para balang-araw, kaya ko ng humarap sa anak ko, kaya ko ng sabihin sa kanya na ako ang Nanay niya. Gusto kong ipagmalaki ako ni Amellia, kaya ko 'to ginagawa. I really want to prove to them that I can be a mother, gusto kong patunayan na kaya kong maging-Ina sa anak ko.

"Naiintindihan kita sa part na yun, but Ria, nasa city tayo. At ibang-iba ang CDO sa Malaybalay. Mas mahal ang bilihin dito." Sagot ni Jackie na ikibatahimik ko na lang.

Sabay kaming pumunta sa counter dalawa para mag order ng kakainin namin sa gabi na 'to. At tulad nga ng sinabi ni Jackie, tunay nga na walang mura na pagkain dito. Pero sa dahil hindi na mawala sa isip ko na mag tipud mas pinili ko pa rin orderin ang pinaka murang pagkain. Bicol Express, na siyang favorite ko din naman.

"Nice choice, masarap talaga ang bicol express nila dito."

Napatigil ako ng marinig ang boses ng taong kilala ko. Agad akong lumingon sa likod ko kung saan galing ang tinig.

"Allen." Gulat kong sambit ng pangalan ni Allen na siyang nasalikod ko ngayon.

Anong ginagawa niya dito?

"I thought, hindi mo ako makikila. You didn't accept my friend request." Aniya na ikinatahimik ko..

Umangat ang tingin ko sa kanya. "I'm sorry..."

"Miss 560 po lahat." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng marinig ang sinabi ng cashier kaya dali-dali kong tinalikuran si Allen para lumapit sa cashier para ibigay ang bayad ko at kunin ang order ko.

"Tulungan na kita." Alok ni Allen na ikinatingin ko sa kanya.

Umiling ako. "Wag na, tsaka may kasama naman ako." I said.

Sasagot pa sana siya ng tinawag na ako ni Jackielyn na tapos na rin mag order ng pagkain niya.

"Sige... Mauna na ako....Sayo.." utal kong paalam kay Allen bago tuluyan siyang talikuran para lumapit sa napiling pwesto ni Jackie.

"Sino yun?"takang tanong ni Jackie pag-upo na pag-upo ko.

"Hindi ko alam, nagtatanong lang ng best seller." I lied.

"Then anong sabi mo?"

"I said, bago lang ako nakakain dito." I lied..

Hanggat maari ayaw kong malaman ni Jackie kung sino si Allen sa buhay ko. I know that's not a problem, pero hindi ko pa kaya. I'm not ready to tell her about Allen and Amellia.

Makalipas ng ilang minuto natapos kami ni Jackie sa pagkain ng dinner, sabay kaming pumasok sa kwarto, bago matulog napagdesisyonan muna namin na maligong dalawa, nauna siyang pumasok sa rest room, habang pinili ko muna maupo sa kama para magligpit ng gamit ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kaya sandali ko munang tinigil ang ginagawang pagligpit para tingnan kung sino ang nag text. Pero bigla akong nagsisisi na kinuha ko ito dahil sa pangalan na lumitaw sa messenger app ko. Ang plano kong pag- ignore sa mga bagay na may kinalaman kay Allen ay naglaho ng parang bula dahil sa message niya na dahilan ng pagbilis ng tibok ko.

Message from Allen:

Hi, miss, please accept my friend request and say Hello, Allen, my new found friend."

Damn you!  Allen! Damn!

Sigeee na ngaaaa sa next chapter na ang ano.... basta all I can say is mas kikiligin pa akooooo sa kanilang dalawa....Anyway good afternoon everyone happy reading and please wait for me. Busy lang talaga for now. Xoxo.

Angie

My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon