Hindi naging madali ang desisyon na ginawa ko, ang umalis sa Malaybalay at magpakalayo- layo sa buhay nila Allen, oo, nasaktan ako noong huling pag- uusap namin dalawa, ramdam ko na seryoso siya sa bawat salitang sinasabi niya. At naiintindihan ko siya, masakit, pero alam kong deserve ko yun, ang masaktan.
"Mama, okay ka lang po? Gusto mo po ice cream? Binilhan po ako ni Tito Eros kanina bago kami pumunta dito po." Nakangiting tanong sa akin ni Amellia.
Sa tatlong buwan na lumipas, ito ang nakasanayan namin lahat, habang pinagpapatuloy ko ang Internship ko dito sa Davao bilang 4th year college, si Eros naman ang siyang sumasama kay Aamellia, tuwing pupunta dito si Amellia sa akin.
"I'm okay baby, just enjoy your ice cream okay, don't worry about Mama, ayos lang ako, medyo pagod lang sa School." Nakangiting sagot ko sa kanya.
"Umabsent ka na lang kaya muna? Siguro naman maiintindihan ka ng CT mo? Baka magkasakit ka niyan sa ginagawa mo e." Usal ni Eros na ikinatingin ko sa kanya.
I smiled. "Okay lang naman ako. Tsaka, ganito talaga basta malapit na ang exam ng mga bata, medyo marami lang akong ginagawa." Sagot ko sa kanya.
"Really Mama? Sorry po, kung na istorbo ko po kayo ha, kasi I'm here po. Si Papa po kasi, walang time sa akin po." Ani ni Amellia na pinagtaka ko.
"Ha? Walang time? Bakit nasaan ba ang Papa mo?" Taka kong tanong sa kanya.
"Palagi po silang magkasama ni Tita Stacey, gabi na nga po siya minsan umuwi, kaya hindi ko na siya naabutan kasi tulog na po ako tuwing uuwi siya." Sagot niya na nagpatahimik sa akin.
Hindi ako kumibo. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko pagkatapos marinig ang sinabi niya. Alam kong nakatingin ngayon si Eros sa akin, pero pinagwalang bahala ko yun at tinuloy na ang pagluluto para sa kakainin namin mamayang gabi.
"Amellia, diba? May assignment ka pa? Gawin mo muna yun sa room mo, mag- uusap muna kami ng Mama mo okay." Saad ni Eros kay Amellia.
Agad naman pumayag ang anak ko, humalik muna siya sa pisnge ko bago pumunta sa kwarto niya.
"Nagseselos ka tama?" Tanong ni Eros.
Lumingon ako sa kanya. Tipid akong ngumiti bilang sagot sa tanong niya.
"Alam ko na hindi madali para sa'yo ang desisyon na ginawa mo, at wala din ako sa posisyon para husgahan kung anong nararamdaman mo ngayon. Mahal mo siya, kaya natural lang na mag- selos ka sa narinig mo ngayon tama?"
I sighed. Tumango ako na nagpangiti sa kanya.
"Wala akong karapatan na magselos, pero tama ka, nagseselos ako, nagseselos ako kahit ako naman ang nagsabi sa kanya na maghanap ng iba, maghanap ng babaeng deserve siya at handang tanggapin ang pagmamahal na kaya niyang ibigay."
Ngumiti siya. Ngiti na mapang- asar.
"Nagmamahal ka Ri, kaya kung nagseselos ka, valid yan, tsaka, sabi nga nila diba? Hinding- hindi mo kayang pigilan ang pusong nagmamahal, kahit ayaw mo, kahit hindi mo gusto, wala kang magagawa. Ngayon, ang tanong ko handa ka ba na makita siyang may kasamang iba?"
Ngumuso ako. Isipin ko pa lang na may kasama na siyang iba, isipin ko pa lang may minamahal na siyang iba, ang sakit- sakit na. Ang hirap- hirap na.
"Wag na natin siya pag- usapan." I said. Sabay Iwas ko ng tingin sa kanya.
"Malapit na ang birthday ni Amellia, anong plano mo? Pupunta ka tama? At sure akong magkikita kayo do'n at kung girlfriend niya na talaga yung Stacey, makikita mo silang magkasama." He seriously said.
Seryoso akong tumingin sa kanya na ikinangiti niya lang.
Akmang sasagot na sana ako sa sinabi niya ng biglang sumingit sa usapan namin si Amellia na nandito ulit ngayon sa harap namin at nakasimangot na nakatingin sa amin dalawa ni Eros.
"Hindi po girlfriend ni Papa si Tita Stacey Tito, hindi po ako papayag, si Mama lang po ang love ni Papa, walang iba."
Kunot noo akong tumingin kay Eros bago muling tumingin sa anak ko.
"Baby, ah, kasi ganito yan, kami ng Papa mo.." I stopped. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang sitwasyon namin dalawa ng Papa niya, nahihirapan ako, natatakot ako.
"Bakit Mama? Diba po love niyo naman po si Papa po diba?" Inosenteng tanong niya sa akin.
I smiled. "O- oo naman, love ko si Papa mo, love ko kayong dalawa, pero kasi baby, hindi lahat tungkol sa love." Sagot ko sa kanya na halatang pinagtaka niya.
"Po? Ano po Mama?" She asked.
I slowly nodded my head.
"Soon baby, balang- araw maiintindihan mo rin lahat ha, sa ngayon intindihin mo muna yung birthday mo sa August 6 na yun. Ano ba ang gusto mo na gift? You can tell me."Umiling siya.
"Wala po akong gusto Mama, gusto ko lang po makita kayo that day po, gusto ko po makasama kayo sa birthday ko po. Pwede naman po yun diba? Pupunta naman po kayo sa birthday ko?" Tanong niya.
"Oo naman, nasa birthday mo ako. Promise ni Mama yan sa'yo." Paninigurado ko sa kanya.
"Yey, eh, ikaw po Tito Eros? Pupunta ka naman po sa birthday ko po diba?"
"Yes naman, at kung ano man ang gusto mo sa birthday mo sabihin mo lang okay, bibilhin ko." Sagot ni Eros na nagpangiti kay Amellia.
"Like what I said po, wala po akong gusto, happy na po ako na kaibigan ka ni Mama po, thank you po sa pag care sa kanya po. Masaya na po ako makita sa birthday ko na nandoon po kayo kasama ni Mama ko." Ani ni Amellia na nagpatahimik sa akin .
"Pero, wala ka bang wish? Kahit wish lang sa birthday mo? Baka kaya kong ibigay, you know, hindi lang ako gwapo, pwede rin akong maging Fairy God Father mo." Saad ni Eros na ikinatingin ni Amellia sa akin.
"Totoo po? Pero opo, kung may iwi- wish man po ako sa birthday ko po, yun po ay sana, makasama na namin si Mama sa bahay, at maging happy family na po kaming tatlo po. Yun po ang wish ko, happy family po."
Aw, si Eros kotang- kota na HAHAHAHA.. nasa MYS pa siyaaaaaaa. Okay, bago ko siya saktan HAHAHA.. tawa us, kasi sasaktan ko pa sarili ko next chapter.... Anyway happy reading enjoy.
Angie
![](https://img.wattpad.com/cover/247326850-288-k857263.jpg)
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Publishing Company owner x Filipino Major Amariah Zoey Belmonte 3rd year college student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino, ang babaeng handang gawin para mabuhay. Malakas at mas masipag pa siya sa k...