Wala ako sa sarili na nagpasama kay Eros papunta sa hospital, alam kong nandoon si Allen, malamang ang buong pamilya niya ay nandoon rin, pero wala na akong pakialam, kahit ipagtabuyan pa nila ako, kahit sigawan pa nila ako, wala na akong pakialam, gusto kong makita si Amellia, gusto kong makita ang anak ko. Kahit saglit lang, kahit ilang oras lang.
"Sigurado ka na ba talaga na makikipagkita ka sa kanilang lahat? Gusto mo samahan kita na makipag usap kay Allen?" Tanong ni Eros sa akin. Papasok na kaming dalawa sa Hospital ng tinanong niya ako.
Hindi ako kumibo, hindi ko.alam paano sasagutin ang tanong niya, gusto ko man isama siya sa gagawin kong pakikipag- usap kay Allen, alam ko sa sarili ko na kailangan ko gawin 'to, na kailangan ko siya makausap, kailangan ko humingi ng tawad sa kanya para sa lahat ng mga nagawa ko.
"Ri?"
Umiling ako. Bago ngumiti sa harap niya.
"Ayos lang ako, kakayanin ko." Paninigurado ko sa kanya na ikinangiti niya.
"Room 103 po Sir." Sagot ng nurse na pinagtanungan ni Eros Ng room number ni Amellia.
Pagkatapos sabihin ng nurse ang number ng kwarto ni Amellia, walang pagdadalawang- isip na binilisan ko ang pagtakbo papunta doon. At pagdating na pagdating ko sa labas ng kwarto, ay kitang- kita ko ang tingin ni Allen sa akin, hindi siya nagulat ng makita ako, tila inaasahan niya talaga ang pagdating ko. Sa gilid niya, nandoon rin ang pamilya niya tahimik na naghihintay katulad niya, lahat sila nakatingin sa akin. At alam kong lahat sila naghihintay na magsalita ako.
Yumuko ako. "Magandang umaga po, hindi po ako pumunta dito para manggulo, gusto ko lang po sana makita si Amellia, kahit saglit lang, at gusto ko rin po sana makausap si Allen, kahit ilang minuto." Kinakabahan kong usal sa pamilya Cena sabay tingin ko kay Allen na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.
Nauna siyang naglakad patungo sa labas ng hospital, kaya wala akong nagawa kundi sundan siya hanggang makarating kami sa garden dito sa Hospital.
"Allen..."
"Bakit? May mali ba akong nagawa? May ginawa ba ako? Bakit Zoey? Bakit kailangan mo ulit kaming Iwan ng anak natin?! Bakit?!" Malamig na tanong niya habang nakatingin sa akin ng seryoso.
Nanlaki ang mata ko. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Ramdam ko ang galit sa paraan ng pakikipag- usap niya sa akin.
"A-Allen--- patawarin mo ako, hindi ko kayang masaktan kayo ng paulit- ulit, patawarin mo ako kung iniwan ko sa'yo si Amellia, patawarin mo ako kung hindi ako nagpakita sa inyo ng matagal, patawarin mo ako kung wala akong kwentang Ina sa kanya, patawarin mo ako..." Sagot ko sa kanya.
Ayaw ko na sanang umiyak, pero alam kong imposibleng mangyari yun ngayon, unti- unti ng tumutulo ang mga luha na ayaw ko sanang lumabas sa harap niya. Ayaw ko makita niya na umiiyak ako, ayaw ko makita niya na sobrang nanghihina ako!
Tipid siyang ngumiti sa akin, bago muling nagsalita. " Sorry? Talaga bang nag so- sorry ka? Kasi kung talagang nag- so- sorry ka, hindi mo ulit kami iiwan! Hindi mo kami ulit sasaktan! Kaya bakit? Sabihin mo? Kasi, kahit anong isip ang gawin ko, hindi ko talaga mahanap ang sagot kung bakit kailangan paulit- ulit mo kaming saktan!" Sigaw niya na nagtahimik sa akin.
I stopped.
"I'm sorry..." My voice broke into tears.
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Publishing Company owner x Filipino Major Amariah Zoey Belmonte 3rd year college student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino, ang babaeng handang gawin para mabuhay. Malakas at mas masipag pa siya sa k...
