Kabanata 26

622 16 1
                                    

Pagtulog na pagtulog ni Allen, ay agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko,  ni hindi ako nakatulog magdamag pagkatapos ng nangyari sa amin dalawa. Pakiramdam ko ang laki kong tanga dahil nagpadala na naman ulit ako sa init ng katawan ko. Mag aalas-otso na ng umaga at nandito pa rin ako sa kwarto ko, wala akong ganang lumabas, tila nawala ang buo kong lakas na makita siya sa araw na 'to.

Alam ko sa sarili ko na mahal ko pa rin si Allen, at kailanman hindi na magbabago yun, pero ngayong malapit ko na silang iwan ni Amellia, babalik na rin ako sa dati, haharapin ko na rin ang buhay ko, lalo na at sa susunod na school year ay 4th year college na ako. Lalayo na rin ako sa kanila, iiwan ko na rin sila.

"Ate good morning po." Rinig kong boses mula sa labas ng kwarto ko.

Wala man akong ganang lumabas dito ngayong araw, hindi ko naman matiis si Amellia, kaya kahit sobra akong kinakabahan ay bumangon pa rin ako para pagbuksan si Amellia.

"Good morning ate, nagising po kita?" Inosenteng tanong ni Amellia sa akin.

I smiled.

"No baby, kanina pa ako gising, medyo masakit lang ulo ko, kaya hindi pa ako lumabas. Bakit? May problema ba?"

"Wala po, tara po kain na po tayo, hindi pa kami kumakain ni Papa, kasi hinihintay ka po namin, tsaka sabi din po ni Papa, wag ka na gisingin dahil pagod ka daw po." Sagot niya na ikinatahimik ko.

"Mama..."

"Let's go na po." Putol niya sa sasabihin ko sabay hila niya sa akin papunta sa dining. Nandoon na si Allen naghahanda ng mga pagkain, wala siyang ginagawa, pero labis ang kabang nararamdaman ko sa oras na 'to. Nakangiti siya habang nakatingin sa amin ni Amellia.

"Morning, let's eat." Malamig na usal niya.

I nodded.

Sabay kaming umupo ni Amellia sa upuan na kaharap ni Allen. Gusto ko man kumain hindi ko magawa, lalo na at ramdam ko ang tingin niya sa akin.

"Ate, kain ka na po, aalis pa tayo today, pupunta tayo sa Dahilayan po." Wika ni Amellia na ikinangiti ko.

"Sige baby, kain ka na rin." Sagot ko sa kanya sabay tuloy ko ng pagkain ko.

Ayaw kong sumama sa kanilang dalawa paalis ngayon, pero ito lang ang huling chance ko na makasama silang dalawa, bago ako tuluyan lumayo sa kanila, kaya kahit gusto ko man iwasan si Allen, ay wala akong magagawa.

"Finish na po ako, maliligo na po ako." Masayang saad ni Amellia sabay takbo niya papunta sa kwarto niya.

"I'm sorry about her, ganyan lang talaga yan." Usal ni Allen na nagpatahimik sa akin.

Yumuko ako. Hindi ako makatingin sa kanya, hiyang- hiya ako, pakiramdam ko wala akong karapatan titigan siya.

"About what happened...."

"Kalimutan na natin yun, alam ko naman na."putol ko sa sasabihin niya.

"What do you mean? Kalimutan ko na may nangyari sa atin? Yun ba?!" Malamig na tanong niya sa akin na ikinatingin ko sa kanya.

Kitang-kita ko ang galit sa paraan ng pagtitig niya sa akin, galit na hindi ko maintindihan kung para saan.

"Hindi ko kayang kalimutan ang nangyari sa atin Ria, at like what I said to you. Wala akong paki, kung hindi ako ang nauna, dahil alam ko naman na ako na ang huli. At kung sinasabi mo na baliwalain ko lang ang nangyari sa atin dalawa, sorry ka na lang dahil sinisigurado ko sayo na, hindi ka na makakawala sa mundo ko." Aniya.

I stopped. Dali-dali akong tumayo sabay lakad ko patalikod sa kanya mg biglang hawakan niya ako sa aking pulso para pigilan.

"I'll make you mine Ria, seryoso ako sayo, ngayon lang ako nagkaganito ng dahil sa Isang babae, maliban sa anak ko, wala na akong ibang gustong makasama sa buhay ko, ikaw lang Ri, ikaw lang, kasi mahal kita, kasi gustong- gusto kita."

"A-Allen..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang nag ring ang phone ko, kaya agad ko itong kinuha para tingnan kung sino ang tumatawag akmang sasagutin ko ito ng makita ko ang pangalan ni Eros sa screen ng biglang agawin ni Allen sa akin ang cellphone ko.

"Si Eros."

"Nag-uusap pa tayo Ria, and please, kahit saglit, wag muna si Eros, kahit saglit, ako naman muna." Aniya.

Umiling ako.

"Kai-kaibigan ko lang si Eros.." I shuttered.

"Kaibigan? Oo, alam ko, pero nagseselos ako, nagseselos ako kay Eros, ikaw kilalang- kilala ka na niya, ilang taon mo siyang nakasama sa isang bubong, sa Isang bahay. Kaya alam ko, pwedeng pwede mo siyang mahalin. Pwedeng- pwede mo siyang piliin." Sagot niya na ikinatigil ko.

"Hindi tayo pwede Al-Allen." Buong lakas kong sagot sa kanya.

"Bakit hindi pwede? Dahil may anak ako? Ano? Dahil hindi ako Teacher katulad ni Eros? Dahil hindi ako God fearing tulad ni Eros? Tell me, bakit? Kaya ko magbago Ri, kaya ko, Sabihin mo lang para sayo, ako lang ang piliin mo, kami lang ni Amellia ang piliin mo." Sagot niya.

"Allen, mahirap akong mahalin...."

Umiling-iling siya sabay tulo ng luha sa mga mata niya.

Hindi ako makapaniwala na ang Isang  Allen Cena ay umiiyak ngayon, bakit? Para saan? Mahal niya ba talaga ako? Pwede ba talaga akong sumugal ngayon? Kaya ko ba?

"Kung mahirap ka mahalin, edi sana, hindi ako baliw na baliw sayo ngayon." He said.

"Mahal kita Ri, mahal kita, at simula kagabi, akin kana, hindi kana pwede sa iba."

Sasagot pa sana ako sa kanya ng biglang dumating si Amellia na ngayon ay bihis na bihis na.

"Ready na po ako, bihis na rin po kayo."

I nodded.

"Sige, magbibihis na rin ako..." I said sabay takbo papunta sa kwarto ko.

Ilang minuto pa akong natulala at hindi kumilos sa kinataatayuan ko ng papasok na sana ako sa loob ng Cr para maligo at magbihis ng biglang may kumatok sa pinto ko.

"Ate, naiwan niyo daw po cellphone niyo."

"Sige baby, pakilagay na lang muna diyan sa labas, kukunin ko na lang mamaya." Sagot ko sa kanya sabay pikit ko ng dalawang mata ko.

Sana kayanin ko pa, konti na lang, saglit na lang, sana kayanin ko pa.

Angie

My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon