Kabanata 32

728 14 4
                                    

I admit pagkatapos kong makausap si Sister Jessy kahapon at makasama saglit ang mga bata sa ampunan, gumaan ulit ang pakiramdam ko, nawala ang bigat sa puso ko na dala- dala ko na simula noong araw na malaman ko na alam pala talaga ni Allen ang tungkol sa anak ko.

"Good morning hija, nandiyan ka na pala, halika, may ipapakita ako sayo." Bati ni Tita sa akin paglapit ko sa kanila sa dining.

Dito na ulit ako tumutuloy sa kanila Eros, pagkatapos ng mga nangyari, ayaw ni Eros na lumayo pa ako sa kanila, gusto ko sana tumutol dahil nahihiya na ako sa pamilya niya, ayaw ko naman na magtampo siya, kaya mas pinili ko na lang ulit na tumuloy dito sa kanila.

"Kanina pa excited ang Tita mo na yan na ipakita sayo yung damit na susuotin mo mamaya sa tribute nila Eros hija." Usal ni Tito na pinagtaka ko.

Taka akong tumingin kay Eros na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin.

"Ka-kailangan po ba kasama ako? Nakakahiya naman po."

"Ria, pamilya ka na namin, simula noong araw na dumating ka sa bahay na 'to, kasama ka na sa pamilya namin, kaya dapat lang talaga na kasama ka namin mamaya, kaya wag kana mag- isip diyan, kumain na tayo ng makapaghanda kana." Sagot ni Tita na ikinatahimik ko na lang.

Hindi na ako kumibo hanggang matapos kaming lahat sa pagkain, at tulad ng sabi ni Tita, dinala ko ang damit na bigay niya sa loob ng kwarto ko.

"Hindi ka pa rin nag- aayos?"Tanong ni Eros na ngayon ay nandito sa loob ng kwarto ko.

Yumuko ako.

"Eros--- alam mo naman na."

"Alam ko na nandoon siya mamaya?" Putol niya sa sasabihin ko.

I nodded.

"Natatakot akong makita siya, hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nagkita kami, natatakot ako sa galit niya Eros." Naiiyak kong sagot sa kanya.

"Then, let him,hayaan mo siyang magalit sayo, hayaan mo siya hanggang gusto niya, kasi valid naman yung galit niya. Pero Ri, katulad ng sabi ni Sister sayo, kailangan mo patawarin ang sarili mo para makapagsimula ka ulit, oo, alam ko mahirap, hindi madali, pero alam kong kaya mo, tsaka nandito lang ako, nandito lang kami nila Mommy para sayo, at higit sa lahat alam kong kaya mo kasi may anak ka, para kay Amellia, gawin mo." Aniya na nagpatahimik sa akin.

Ngumiti na lang ako bilang sagot sa kanya, bago tuluyan mag- ayos para sa tribute mamaya.. At ng matapos ako ay sakto na tapos na rin sila Tita, kaya sabay- sabay na kaming pumunta sa Elton.

"Ang ganda mo sa dress mo hija, tama ang Tita mo, bagay talaga sayo ang binili at pinili niya." Ani ni Tito habang papasok kami sa loob ng Elton.

"I told you hon, mas nagmukha siyang reyna sa white floral dress niya ngayon."Sang- ayon naman ni Tita.

I smiled.

"Salamat po sa inyo." Nahihiya kong sagot sa kanila.

Kung hindi lang ako nakahinto noon, malamang sabay kaming ga- graduate ni Eros sa Wednesday, kung....

"Wag kana mag- isip ng kung ano- ano diyan, tara na sa loob." Saad ni Eros sa tabi ko sabay hawak niya sa kamay ko papasok sa loob ng gym.

Kitang- kita ko ang tingin ng mga tao sa amin, mga tingin na mapang- husga, pero katulad ng parati kong ginagawa, hindi ko na lang sila pinapansin.

"Ah--- Rest room lang po ako." Paalam ko sa kanila Tita na ngayon ay abala sa panonood ng performance sa stage.

"Samahan na kita." Ani ni Eros.

Umiling ako.

"Kaya ko na, dito ka na lang, mamaya tawagin na kayo tapos wala ka dito." Sagot ko sa kanya.

Hindi ko na siya hinintay magsalita, dali- dali na akong tumalikod sa kanya para pumunta ng rest room. Pero hindi pa ako nakakalayo sa gym ng biglang may humila sa kamay ko papasok sa bodega ng university.

"Ano ba?! Sino ka?!.... Allen..."

"Tell me? What's that?"He asked coldly.

"Babalik na ako sa gym."

Kinakabahan kong sagot sa kanya.. Akmang tatalikod na sana ako sa kanya ng bigla niya akong hawakan sa kamay para pigilan.

"Let's talk." He seriously said.

Ramdam ko ang galit sa paraan ng pakikipag- usap niya sa akin, galit na alam ko kung saan galing.

"Allen--- wala tayong dapat pag- usapan, tsaka, hinahanap na ako ni Eros, nila Tita." Kinakabahan kong sagot sa kanya.

"Pwede ba, pwede ba Ri, kahit ngayon lang ako muna? Tayo muna? Wag muna sila? Ang sakit Ri, sobrang sakit na makitang hawak- hawak ng iba, gusto kitang kunin sa kanya kanina, gusto kitang itago, gusto kitang ilayo, pero naisip ko, bakit ko gagawin yun? Akin ka ba? E, hindi naman, wala ka naman sinabi na mahal mo rin ako kaya bakit pa? Wala naman akong karapatan sayo, pero Ri, hindi ko kaya, ayaw kong hawak ka ng iba, nasasaktan ako, nagseselos ako. Kaya please tama na, wag mo na ako saktan, matagal na akong nasasaktan Ri, tama na." Napapaos na sagot niya sa akin.

Nanlaki ang mata ko. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang mga sinabi niya, hindi ko alam kung ano ang totoo at hindi sa mga sinabi niya, gulong- gulo ako.

"Allen--- Masasaktan ka lang sa akin, masasaktan lang kayo ni Amellia sa akin."

Umiling siya.

"Wala na akong pakialam, masaktan na kung masaktan, magdusa na kung magdusa, wala na akong pakialam Ri, basta alam kong sa akin ka, nasa amin ka lang ni Amellia, wala na akong pakialam pa sa ibang bagay, kayo lang ni Amellia, sapat na, sobrang sapat na."

"I'm sorry--- patawarin mo ako Allen, patawarin niyo ako." Naiiyak kong sagot sa kanya, sabay talikod ko sa kanya palabas ng bodega.

Alam kong maraming mga mata ang nakatingin sa akin ngayon, pero wala na akong pakialam, takbo pa rin ako ng takbo, bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko, ang mahalaga makalayo ako dito, makalayo ako sa kanya. Mahal kita Allen, mahal ko kayo ni Amellia, pero tuwing naiisip ko ang mga nagawa ko sa inyo, ang ginawa ko sa anak natin, pakiramdam ko wala akong karapatan makasama ay mahalin kayo, hindi niyo deserve masaktan ng anak natin Allen, masasaktan ko lang kayo, iiyak lang kayo sa akin, kaya hindi pwede, patawarin mo ako, pero hindi ko kaya, hindi pwede!

Abangan niyo na lang, malapit na magka aminan, for now ito na muna happy reading and morning sa lahat.

Angie

My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon