Kabanata 9

1.5K 22 2
                                        

Nakatulala lang ako habang nakatingin sa punong narra na nandito sa garden namin sa Elton University, ng biglang nagsalita ang kaibigan kong si Jackielyn.

"Best, bakasyon na, tuloy na ba talaga ang pag hahanap mo ng trabaho hanggang matapos ang sem break?"tanong niya sa akin.

I slowly nodded at her. "Bukas pupunta ako ng Cagayan De Oro para maghanap ng trabaho." I said.

Halatang nagulat siya sa sagot ko, kaya bago pa siya makapag-react inunahan ko na siyang magsalita.

"May gusto lang talaga akong pag ipunan Jack. At gusto kong makuha yun gamit ng sarili kong pera." I honestly answered.

Napangiti naman si Jacky dahil sa sagot ko. Wala na kaming pasok ngayong araw, pinapunta lang kami ng heads para asikasuhin yung mga grades namin. At dahil wala naman kaming kailangan gawin dalawa ni Jacky ay maaga kaming natapos.

"You know what Ria, you just give me an idea, parang gusto ko na rin mag trabaho ngayong break. Pero dapat same work place tayo If ever."Aniya.

Kumunot ang noo ko ng titigan siya. "Sigurado ka? Akala ko magbabakasyon ka? Para ready kana next sem? Pahinga? Tsaka, kaya mo ba? 2 months rin yun." I said.

She smiled. "Yes. And speaking of work, may nabasa ako kanina sa Facebook, diba? Hobby mo naman ang pagsusulat ng stories? And bilang may alam rin naman ako kahit papaano sa poem writing. I try kaya natin mag apply as part time Social Media manager ng isang publishing company sa CDO."

Nanlaki ang mata ko. "Publishing company? Anong kompanya?" I asked.

"Wait, check ko."Aniya sabay scroll niya sa cellphone niya. Magsasalita pa sana ako sa kanya ng nakangiti siyang humarap sa akin sabay pakita niya sa akin ng cellphone niya na may pangalan ng isang company.

"Star publishing company. And take note girl, chance mo na 'to, malay mo, makilala nila yung stories mo, and malay mo, maging isa ka ng ganap na published author." She said.

Umiling ako. "Alam natin pareho na, imposibleng mangyari yan Jack. Hindi ako kasing galing ng iba."

Tumaas ang kilay ni Jackielyn bago itapat sa harap ko ang cellphone niya kung saan binuksan niya ang Wattpad niya, at pumunta sa account ko.

"Idol kita Riah, alam mo yan, pero minsan nakakainis ka, lalo na kung ikaw mismo ng da-down sa sarili mo. Maraming tao ang naniniwala sayo, yes, sabihin natin na maraming mas sikat, mas marami ng mas kilala sayo sa industriyang yan, pero may talento ka pa rin at alam mo ba na minsan, ang mga taong matagal bago makuha at maabot ang pangarap nila, ay sila pa yung may mga pinakamagandang spotlight oras na sila naman ang paburan ng may taas. At isa pa, girl, excuse me, bihira lang ang taong kayang tumapos ng kwento, kaya isa kang tunay na magaling dahil isa ka sa iilan na may tapang at lakas na tapusin ang nasimulan mo. Be proud of yourself."

I genuinely smiled. Hindi ko inaasahan na marinig na magsalita si Jacky sa akin ng ganito. Oo, minsan talaga sumasagi sa isip ko na, baka hindi talaga sa akin ang pagsusulat, baka dapat na akong sumuko, pero tuwing nakikita ko na may dumadagdag sa reads nang stories ko, patunay na kahit papaano may nagbabasa ng mga kwentong ginawa ko, nakakalimutan ko ang salitang pagsuko. Ayaw kong sumuko sa pagsusulat, lalo na at ito ang naging karamay ko ng noong panahon na pakiramdam ko wala na akong kasama. Nawala si Nanay, nawala sila Sisters, nawala si Kim, nawala si Amellia. Pero dahil sa pagsusulat muli kong naramdaman ang magkaroon ng pamilya sa gitna ng madilim na mundong mayroon ako.

"O, pa humble ka pa rin? Tsaka, hindi mo pwede I down ang sarili mo 'no. Meron ka kayang story na umabot ng 2 million reads."saad ni Jackielyn na nagpatingin ulit sa akin sa kanya.

"Nabasa mo?"Tanong ko sa kanya sa maliit na boses.

"Oo naman, noong una, hindi ko alam na ikaw pala author no'n. But after what you said to me noong isang buwan, nagulat talaga ako. But glad na nabasa ko yung kwento mong Yesterday's Blessing. Ang ganda lang ng flow, at yung scenes ng mag-ina sa kwento, mapapaiyak ka talaga. You did great job sa kwentong yun." Nakangiting sagot niya na nagpatahimik sa akin.

"Paano mo nga pala nakuha ang ideya na yun?" She asked.

I smiled.

Yesterday's Blessing, ang unang kwentong nasulat ko na ang inspirasyon ko ay ang dalawang tao na regalo sa akin ng Diyos si Allen at si Amellia. Pero alam ko, hindi katulad ng nangyari sa kwentong ginawa ko na nakasama pa ng bidang babae ang anak at ang lalaking mahal niya. Alam ko malabong mangyari yun sa totoong buhay ko, pero ayos lang kasi makita ko lang na ayos at masaya ang dalawang regalo ng nakaraan sa akin kontento na ako, ayos na ako.

"Tulala ka na naman Ri."pukaw ni Jackie sa pag-iisip ko.

Umiling ako. "Sorry, may iniisip lang, ano nga ba ulit ang tanong mo?" I asked.

"Sigurado ka ba talaga girl na okay ka lang? Wala kang problema? Pwede mo naman sabihin sa akin kung may iniisip ka, baka makatulong ako.

I sighed. "ayos lang iniisip ko lang bukas, sana makuha tayo Ng publishing company." Lie.

"Sus, wag mo na isipin yun alam kong kaya mo yun, so answer me na, saan mo nakuha yung ideya sa Yesterday's blessing?"

In my own experience, but unlike my characters na may happy ending, alam kong kailanman hindi ako magkakaroon ng happy and deserve ending sa buhay ko.

"Sa mga napapanood ko lang."pagsisinungaling ko sa kanya.

Mahal ko si Jackie, pero wala pa akong lakas na I kwento sa kanya ang totoong nangyari sa nakaraan ko. Pero balang-araw, pag tama na ang panahon sasabihin ko rin sa kanya, wag lang muna ngayon, hindi ko pa kaya.

Akmang magsasalita pa sana si Jackie ng biglang tumunog ang cellphone ko, kaya tinignan ko muna kung sino ang nag text, pero laking gulat ko ng makitang isang notification ito mula sa Facebook at hindi text. Nang binuksan ko ang fb ko para tingnan kung anong notification yun, bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang friend request yun galing sa isang lalaki na hindi ko inaasahan na ia-add ako.

Allen Cena send you a friend request.

Nakasaad sa Facebook na ikinatigil ko. Damn! Self! Anong nangyayari sayo?! Si Allen lang yan! Si Allen! Damn!

Good evening double update ako kasiii, baka mag double time ako sa paghahanap ng pagkakakitaan. Anyway, happy reading all.

Angie

My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon