Hindi ko alam kung paano ako nakatagal sa presensya ni Allen kahapon, at mas lalong hindi ko alam kung makakaya kong labanan ang nararamdaman ko sa oras na 'to. Ako, at siya magkatabi sa isang sasakyan. Papunta kami ngayon sa Iligan para sa meeting niya, at bilang secretary niya, kinailangan ko na sumama sa kanya, kahit ayaw ko.
"Okay ka lang?"takang tanong ni Allen, na pumukaw sa atensyon ko.
Seryoso pa rin siyang nagmamaneho, ng ibaling ko ang tingin ko sa kanya.
I smiled.
"Yes, Sir." Kalmadong sagot ko.
Nagpapasalamat pa rin ako, dahil kahit papaano nakikisama ang puso ko ngayon, sana nga ang talaga magtuloy- tuloy hanggang makarating kami ng Iligan.
"You sure? Gutom ka na ba? Puwede..." I cut him.
"Okay lang ako Sir, hindi po ako gutom."
"Or, maybe, hindi ka komportable sa akin? Tama ba?" He murmured.
Agad akong umiwas ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung paano sasabihin na oo, hindi ako komportable sa kanya. Ayaw ko naman na ma offend ko siya.
"Don't worry, hindi ka nag-iisa. " He whispered.
I stopped for a moment, I think I misheard him.
"Sir..."
"What I mean, hindi rin ako sanay na may mga kasama sa meetings ko, I used to be alone." Aniya.
Napanguso ako dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin?
"I know, nagtataka ka right? Iniisip mo siguro kung, ikaw ang kaunaunahan kong sinama sa meeting ko, tama? Sunod-sunod niyang tanong..
Muli kong binaling ang tingin ko sa kanya, dahil parang may bumulong sa isip ko na alamin ang ibig sabihin niya..
"Sir.." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng muli siyang nagsalita.
"Then, I must say, tama ang Iniisip mo, kailanman hindi ko nasama sa mga meetings ko ang dati kong secretary. Siya ang naiiwan sa publishing company, tuwing wala ako."
Nanlaki ang mata ko, habang nakatingin sa kanya.
"Kung gano'n? Bakit?"
"I honestly don't know, I just want to be with you. At hindi ko rin alam, kung bakit. Tell me? Baka ikaw alam mo, Ria? Anong ginawa mo sa akin?" He asked.
Hindi ko alam kung paano siya haharapin, kaya imbes sagutin ko ang sinabi niya, muli ko na lang inabala ang sarili ko sa labas ng bintana.
He gives me so many butterflies.
At nahihirapan akong kontrolin ang nararamdaman kong kaba ngayon, hindi ko alam kung nagbibiro lang siya o ano, pero kuhang-kuha niya ang puso ko. At si Allen lang ang nakakagawa sa akin niyan, siya lang.
"Anyway, let's eat first. Kung may madaanan tayong fast food chain. What do you think?" Tanong ni Allen na ikinatingin ko sa kanya.
I just nodded my head. Biglang nakalimutan ko na kung paano magsalita. Damn you Cena!
Akmang magsasalita pa sana si Allen ng biglang nag ring ang phone ko, kaya agad ko itong kinuha para tingnan kung sino ang tumatawag. When I saw Eros name. Sinagot ko ito agad.
"Eros."
"Hi gorgeous, kumusta? Hindi ka tumawag kagabi." Aniya.
Ramdam ko ang pagbaling ng tingin ni Allen sa akin, pero pinagwalang bahala ko yun at pinagpatuloy ang pakikipag-usap kay Eros.
"Papunta ako ngayon ng Iligan." I said.
"What? Iligan? Why?"sunod-sunod na tanong ni Eros sa akin mula sa kabilang linya.
We
Hindi ako komportable na makipag-usap kay Eros ngayon. Lalo na at medyo bumilis ang pagpapatakbo ni Allen ng sasakyan niya na siyang pinagtaka ko. Kaya imbes na sagutin ko ang tanong ni Eros. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko, bago magpaalam sa kanya.
"I will call you later Ros, nasa biyahe kasi pa kami, at medyo nahihilo ako." Sagot ko sa kanya sabay off ng agad ng tawag.
Pagbaba ko ng phone ay doon pa bumalik sa normal ang pagpapatakbo ni Allen sa sasakyan. Na mas lalong pinagtaka ko.
"Sir...."
"Don't talk to other man, while I'm with you." He said coldly.
"Si Eros.."
"Si Eros, o kahit sino pa yan. Wag na wag kang kakausap o lalapit sa ibang lalaki habang kasama mo ako." He seriously said.
Ramdam ko ang seryoso sa boses niya, na mas napagkaba sa akin. Ano bang nangyayari sa kanya?
"I don't understand you Sir..."
"Same, I don't understand myself either." Mariing sagot niya.
"Huh?"
Sandali niyang tinigil ang sasakyan, sa gilid ng kalsada na mas lalong pinagtaka.
"Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko Amariah, I don't know what happened to me, all I know is that. Everytime I saw you, ang gusto ko lang gawin, ay itago ka sa ibang tao, ang sarap-sarap mong ipagdamot sa buong mundo. At kung tatanungin mo ako kung bakit? My answer is. Hindi ko rin alam Ri, hindi ko rin alam."
"And about Eros. Are you sure? Na magkaibigan lang kayo? Siguro para sayo, both of you are friends, pero sa kanya ba? Kaibigan ka lang talaga?" Sunod-sunod niyang tanong.
I stopped. Gulong-gulo ako sa kinikilos niya. Ni hindi ko gets kung anong nangyayari sa kanya.
"Answer me, Ria, I am asking you. Magkaibigan lang ba talaga kayo..."
"We're just friends, Sir." I said.
Seryoso siyang tumitig sa akin na mas nagpabilis nitong tibok ng puso ko.
"Then good, because even if I don't know why? I hate the thought of you with someone. Ayaw ko pa rin makasuntok ng kaibigan. And one more thing. What important the most is that. I don't like sharing. Ang akin ay akin Riah, akin lang." Seryosong sabi niya.
Allen!
Imbes na magsalita, ay mas pinilo ko na lang ang hindi na sumagot, sabay Iwas ko ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko, matutunaw na ako kanina sa paraan ng pagtitig niya. And the way he talked? Sobrang nakakatakot. Sobrang nakakakaba.
Pagkatapos ng ilang minutong paghinto niya ng sasakyan, ay pinaandar na niya ulit ito. Kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa cellphone para kahit papaano makalimutan ng puso at isip ko ang mga salitang lumabas sa bibig niya kanina.
Alam ko sa sarili ko na wala lang yun, alam ko na hindi ako dapat mag assume. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit? Sa kabila ng takot na nararamdaman ko kanina, ay parang may kung anong lumipad sa loob ko kanina, imbes na mairita ako sa kanya at mainis, natuwa pa ako, ganito na ba talaga ako karupok sa kanya?
Yes, I know that, I'm still into him, alam ko yun, pero Zoey, self, gising. Sobrang layo niyong dalawa. Langit siya, lupa ako. Kahit saan tingnan, hindi kayo magiging bagay para sa isa't-isa. Sinasaktan mo lang ang sarili mo. Wake up Zoey. Wake up.
Good afternoon.... Finally, naka update rin ako ditooooo. Basta sa kabanata secretttt may family dateeeee... And sa mga curious bakit ang aga naman ata ng pagiging ano ano ni Allen, read niyo kwento ng parents niya. Hehe. My Yesterday's Moonlight. So, yun lang. Happy reading and thank you sa paghihintay busy lang talaga ako sa YT. Mwah.
Angie
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Publishing Company owner x Filipino Major Amariah Zoey Belmonte 3rd year college student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino, ang babaeng handang gawin para mabuhay. Malakas at mas masipag pa siya sa k...
