Naniniwala na talaga akong malas ako, nandito na nga kami sa Iligan, pero medyo malayo pa talaga kami sa dapat pupuntahan namin ni Allen, nang biglang nasiraan kami ng sasakyan. At dahil nga nandito kami sa Buru-un nasiraan, pinili na lang ni Allen na mag stay muna kami sa Iligan Paradise Resort, dahil mukhang matatagalan pa maayos ang sasakyan niya na nasunog ang wiring kanina, habang nasa biyahe kami.
"Are you cold?"Tanong ni Allen sa akin na siyang pumukaw sa iniisip ko.
Isang cabin lang ang available sa ngayon dahil daw maraming guest, kaya wala akong choice kundi sumama kay Allen dito, kahit halos atakihin na ako sa kaba ngayong nasa isang cabin lang kami ng lalaking noon ko pa pinapangarap.
"You want me to off the aircon?"tanong niya ulit.
Umiling ako. "Wag na, lalabas rin naman ako para maglibot-libot, medyo matagal na rin ng huli akong nakakita ako ng dagat." I honestly said.
Pilit kong sinibukan na hindi tingnan si Allen pagpasok na pagpasok namin sa Cabin. Kaya inabala ko ang tingin ko sa bintana, kung saan kitang-kita ko ang dagat. Napaka- kalma nito, ang gandang pagmasdan..
'This place is amazing ha, I'm enjoying the view." Rinig kong sabi ni Allen na ikinatingin ko sa kanya.
Pero hindi rin nagtagal ang tingin ko sa kanya, dahil muli kong tinuon ang tingin ko sa bintana, bago magsalita. "Says the man, who hasn't even looked outside once." I whispered.
"Tss, That's not the view, I'm talking about."
I stopped. Agad ko siyang nilingon dahil sa narinig kong sinabi niya. I don't know if I heard him right, pero parang may kung anong humaplos ko pagkatapos niyang sabihin yun.
"Anyway, gusto mo lumabas?" He asked.
I nodded. "Gusto ko makita ang dagat ng malapitan."
Tipid siyang ngumiti sa akin na ikinatigil ko. "Then, maybe you want me, to come with you?" He asked again.
Gulat akong tumitig sa kanya.
Hindi ko alam kung papayag ako, pero ayaw ko naman isipin niya talaga na iniiwasan ko siya, kaya para wala siyang masabi. Tumango ako, na siyang ikinangiti ni Allen..
Nagsuot lang ako ng jacket para kahit papaano may panlaban ko sa lamig, samantalang shirt at short naman ang sinuot ni Allen. I just smiled at him, tapos sabay na kaming lumabas ng cabin..
When the manager said earlier, na puno sila ngayon, I know na hindi siya nagsisinungaling. Dahil katulad ng sinabi nila sa amin kanina. Marami nga ang guest ng resort ngayon sa araw na 'to at kitang-kita namin yan ngayon ni Allen..
Tahimik lang kaming naglalakad dalawa ng putulin niya ang katahimikan na ikinatingin ko sa kanya.
"I wonder, nagkagusto ka ba kay Eros, ever since na magkasama kayo?"
Kumunot ang noo ko. Akala ko tapos na siya sa kakatanong sa akin tungkol kay Eros, pero hindi pa pala. At hindi ko siya maintindihan kung bakit niya ako kailangan tanungin ng mga ganitong bagay.
"I know, I already asked you earlier but I can't help it... I'm thinking about it, since the first day I saw you with him and...." I cut him.
"I do like Eros, but as a brother only, kung anong meron sa amin ngayon, yun lang ang samahan namin dalawa, bilang magkaibigan. I treat him as my brother, at alam kong kapatid rin ang turing niya sa akin, no more, no less."
He smiled. Pagkatapos kong sabihin yun bigla na lang lumiwanag ang mga tingin niya na mas lalong nagpagulo sa akin..
"I'm glad to hear that." Aniya.
I nodded. "I'm just being honest to you Sir. Pero I also think, if ever man na magkagusto o nagkagusto ako kay Eros wala ka na do'n."
Medyo offended ang pagkakasabi ko no'n, pero wala akong pinagsisihan. I need to say that, para sa sarili ko, para magising na ako sa katotohan. Sa katotohan na never akong magugustuhan ng isang Allen Cena. A man like him, isa lang ang bagay sa kanya. At yun ang babaeng hindi patapon, babaeng hindi demonyo, babaeng kaya manindigan at what important the most is that. Kayang bigyan ng buong pamilya ang anak namin ni Allen. Kung dumating man ang araw na, kailangan na ni Allen magpaalam sa buhay ko. Buong puso ko yun tatanggapin, dumating lang yung babaeng kaya siyang baguhin at pa ibigin..
" I really like you Ria, I don't know why and how. Basta ang alam ko lang, gusto kita."
"Huh?" Taka kong tanong sa kanya.
"I'm just being honest too Ria, wala akong kailangan itago sayo. Alam kong maaga pa para dito. But I want you to know that I'm serious. And I can say that, that's the reason why I feel so insecure with Eros, ewan ko ba, when I saw you with him sa fast food. Parang may bumulong sa akin na gustuhin ka. Kaya kung naguguluhan ka, hindi ka nag iisa, dahil katulad mo gulong-gulo rin ako Ria."Aniya.
Tumaas ang kilay ko. Like lang naman yun lahat ng tao, puwede natin magustuhan, kaya bakit ako nagkakaganito?
"Allen." Tawag ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit Allen lang ang natawag ko sa kanya, imbes na Sir, kusa na lang bumuka ang bibig ko na mukhang nagpangiti pa sa kanya.
"I always hear my name sa bibig ng ibang tao, pero ngayong ikaw mismo ang tumawag sa akin sa pangalan ko. I felt so happy and contented. And honestly speaking, I'm so curious why? Bakit parang ang sarap pakinggan sa tenga na marinig ang pangalan ko na binabanggit mo? He asked.
Napayuko ako dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko sa oras na 'to.
"Ang ganda dito." Pag-iiba ko sa usapan, sa pag-asang makimutan niya rin ang topic na 'to. Nagsisimula na akong himdi mapakali dahil sa pinag-uusapan namin. Pakiramdam ko, ilang minuto na lang sasabog na ako sa tuwa dahil sa mga sinasabi niya. At si Allen lang ang nag-iisang lalaki na nakakagawa sa akin niyan. Siya lang. Wala nang iba.
"Yeah, but like what I said earlier, inside our cabin. Mas maganda ka pa sa dagat Amariah." He murmured.
Nagsisimula naman tumibok ang puso ko ng mabilis, dahil sa mga salitang lumalabas ngayon sa bibig ni Allen. Hindi ako dapat kiligin sa mga sinasabi niya, pero bakit? Bakit para akong hihimatayin ngayon sa saya at kilig.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya, kung kanina nasa dagat ang tingin ko, agad ko itong binaling sa kanya. And now nakangiti rin siya habang nakatingin sa akin.
"Ri?" Tawag niya sa pangalan ko.
I smiled. "Bakit?" Kalmado kong tanong sa kanya.
"Nothing, I just want to invite you tomorrow if you want."
"Huh, saan?"Taka kong tanong sa kanya.
"Maria Cristina falls."
Good evening, update akooo kasiiii baka bukas, busy na ako ulit sa YT. Keep safe always all.... Babalik rin ako agad after ko mag sulat sa YT... Xoxo.
Angie
![](https://img.wattpad.com/cover/247326850-288-k857263.jpg)
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)
Storie d'amore(COMPLETED) (UNEDITED) Publishing Company owner x Filipino Major Amariah Zoey Belmonte 3rd year college student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino, ang babaeng handang gawin para mabuhay. Malakas at mas masipag pa siya sa k...