Kabanata 34

1.3K 18 4
                                        

"Sigurado ka na ba talaga dito?"

Sigurado na ba talaga ako? Ewan ko, hindi ko alam, basta ang alam ko lang,  gusto ko lumayo, gusto ko gumaling, gusto ko maging maayos para sa anak ko. Para kay Amellia.

"Hindi ba pwede na wag ka na lang umalis Ri? Iiwan mo ba talaga ako? Umalis na nga si Julia, pati ba naman ikaw? Mang- iiwan rin?" Sunod- sunod na tanong sa akin ni Eros na nagpatingin sa akin sa kanya.

"Gusto ko gumaling Eros, at alam ko na hindi ko magagawa yun, kung nandito ako, gusto ko maging maayos para pagbalik ko, kaya ko ng harapin ang anak ko, kaya ko ng sabihin sa kanya na ako ang Mama niya, ayaw ko umalis, pero alam ko kailangan ko 'to." Sagot ko sa kanya.

He sighed. " Pero--- ayaw ko, hindi ka pwede umalis, lahat na lang kayo iniiwan ako, bakit ba? Hindi ba kayo pwede gumaling na hindi umaalis sa Pilipinas? Sobrang hirap ba talaga mahalin ng bansa natin? Kaya gusto niyo lumayo dito?" He asked.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi niya, talagang dinamay pa ang bansa. Pero sa kabilang banda tama naman siya, sobrang hirap mahalin ng mga kapwa Pilipino namin na nandito sa Pilipinas, pero sa kaso ko ngayon, hindi yun ang issue ko, gusto ko gumaling, gusto ko maging best version ng sarili ko para sa anak ko, para kay Amellia.

"Eros naman, pwede mo naman ako puntahan do'n diba? Si Julia nga pinupuntahan mo do'n ako pa kaya?"

Kunot noo siyang tumitig sa akin pagkatapos kong sabihin yun.

"Ewan ko sa inyo, hindi ko talaga maintindihan kayong mga babae, nandito naman ako, handa akong saluhin kayo, handa akong samahan kayo sa sakit na nararamdaman niyo, pero mas gusto niyo pa rin umalis." Angal niya.

I smiled.

"Alam kong nand'yan ka lang, pero Eros, gusto ko 'to gawin para sa sarili ko, gusto ko patawarin ang sarili ko."

"Ano pa nga ba magagawa ko? E, ako lang naman 'to, dakilang understanding, kahit ayaw ko, susuportahan kita, at kahit mahal ang pamasahe, pupuntahan pa rin kita doon, palagi, linggo- linggo." Aniya na ikinagulat ko.

"Linggo- linggo? Ros, alam ko mayaman ka."

"Sila Mama lang yun, sila ang mayaman, hindi ako Ri, pinag- iipunan ko lahat ng perang mayroon ako." Putol niya sa sasabihin ko.

"Oo na, but, yun nga ang point ko, alam ko kayang- kaya mo akong puntahan sa Canada, pero wag naman linggo- linggo, alam ko nag- aalala ka sa akin, pero Ros, kaya ko ang sarili ko, kakayanin ko para sa anak ko, oo, mahirap mabuhay mag- isa, pero, maniwala ka, kaya ko." Paninigurado ko sa kanya.

"Baka..."

"Don't worry, wala akong gagawin sa sarili ko na hindi niyo magugustuhan, tsaka, pinupuntahan mo rin si Julia sa Amerika diba? Bakit? Kung sakali ba? Kaya mo mag double ride? Canada sa akin, tapos sa Amerika naman sa kanya?" Pabirong tanong ko sa kanya.

"Wala akong hindi kayang gawin Ri. Lalo na para sa mga taong mahalaga sa akin, pareho kayong mahalaga ni Julia sa akin, pareho ko kayong kaibigan. At kung kailangan  kumayod ako para sa pamasahe ko papunta sa inyong dalawa, gagawin ko.  Masigurado ko lang na hindi niyo mararamdaman na mag- isa lang kayo, kasi nandito ako, handang samahan kayo." He seriously said.

Hindi ko alam paano mag re- react sa sinabi niya, pero imbes na sagutin ko siya, walang pagdadalawang- isip na niyakap ko siya.

"Ang swerte ng babaeng mamahalin mo, salamat Eros, salamat dahil nand'yan ka, mayroon kaming ikaw ni Julia, maraming- maraming salamat." I said.

He smiled. Sabay turo niya sa taas.

"Ma swerte si God, kasi nasa kanya na ako." Sagot niya na mas nagpangiti sa akin.

Noon pa man, alam ko ng gusto talaga niya maging Pari, bagay naman sa kanya, pero hindi ako naniniwalang hindi dadating ang araw na magmamahal siya, kasi alam at ramdam ko na ang Isang katulad ni Eros, deserve makahanap ng totoo na pagmamahal, na mamahalin din siya.

"Hija, ayaw ko sanang ma- istorbo ka sa pagliligpit mo, pero may bisita ka."

I nodded.

"Sige po Tita, lalabas na po ako." Sagot ko kay Tita mula sa labas ng kwarto ko.

"Sino yun?" Takang tanong ni Eros sa akin.

Nagkibit- balikat ako bago sagutin ang tanong niya.

"Hindi ko alam, baka naman si Jackie o si Kim." Sagot ko sa kanya sabay labas ko para pumunta sa sala.

"Babae!"

"Jacky." I smiled.

"Nakakainis ka! Aalis ka ba talaga? Kung hindi ka nagpasa ng resignation letter sa Publishing, hindi ko pa malalaman, pero, sure ka na ba talaga?  Ayaw mo na ba talaga magpapigil?" Tanong niya.

"Jack, thankful ako sa'yo, alam mo yan, pero ito ang kailangan ko, tsaka babalik naman ako, pag okay na ako at pagkarapat- dapat na akong maging Nanay ng anak ko." Sagot ko sa kanya na halatang ikinagulat niya.

"What?" Takang tanong niya.

I sighed. Wala na akong dahilan para itago sa kanya ang totoo, matagal ko rin naging kaibigan si Jacky, late na pero bilang kaibigan ko, karapatan niya malaman ang tungkol sa nakaraan ko, at ang tungkol sa anak ko.

"Ga---!! Bwisit ka! Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin kaya pala, pero--- diba dapat mas lalo kang hindi umalis?! Paano ang baby mo? Si Sir? Paano si Sir Allen?"

Umiling- iling ako. "Walang kami ni Allen Jack, at tungkol kay Amellia, gagawin ko 'to para sa kanya, para pagbalik ko maging better akong Nanay para sa kanya." Sagot ko na ikinatahimik niya.

Magsasalita pa sana siya ng biglang nagsalita si Allen na ngayon ay hingal na hingal na lumapit sa amin.

"Ri, may sasabihin ako, may kailangan ka malaman." Utal na sabi niya na pinagtaka ko.

"A-ano? Bakit ka hingal na hingal? May nangyari ba? May problema?" Nag- aalala kong tanong sa kanya.

"Ri, may nangyari, si Amellia. May nangyari kay Amellia."

I stopped. Umiling ako.

"Eros--- hindi kita maintindihan, sabihin mo, anong nangyari sa anak ko? Anong nangyari kay Amellia?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Si Lecster tumawag, dinala daw si Amellia sa hospital kanina, nasa hospital daw sila ngayon Ri."

Angie

My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon