Kabanata 7

998 23 4
                                    

Kabanata 7


Nagising ako sa isang puting silid ramdam ko ang pang hihina ng katawan ko, pero kahit gan'on pinilit ko pa rin ibuka ang mga mata ko, at ang unang bumungad sa akin ay ang mukha ni Eros na nag- aalala.

"You hear me Riah?"he asked.

I slowly nodded.

"Glad, may masakit ba sayo, nagugutom ka ba?"sunod- sunod na tanong niya. Akmang sasagot na sana ako sa kanya ng biglang bumukas ang pinto na sabay  namin ikanalingon do'n..

"Ghad Zoey, what happened?"Tita asked pagpasok na pagpasok nila Tito.

"Don't worry Mom, and Dad  nothing serious, napagod lang daw yong katawan niya sa dami ng ginagawa niya."sagot ni Eros sa mga magulang.

"Yan na nga ba ang sinasabi namin
hija, kailangan mo talaga ng maraming vitamins."Ani ni Tita.

Umiling ako.

"Wag na po, pahinga lang po ang kailangan ko."I said.

"I insist Zoey, your Tita is right you need to take vitamins, baka sa susunod kung ano pa ang mangyari.

I smiled. "Sige po."sagot ko kay Tito.

"Anyway,  Zoey, baka may gusto kang kainin just tell us, kami na ang bibili?"tanong ni Tita na ikinatingin ko sa kanya.

"Ah, eh...

"The doctor said na need niyang kumain ng mga healthy foods Ma." Sagot Eros kay Tita.

"Okay, then just wait here okay, bibili muna kami."

"Sige po."sagot ko sa kanya na ikinangiti niya.

Agad naman silang lumabas lahat maliban kay Eros na nagpaiwan dito sa tabi ko.

"Are you sure na wala ng masakit sayo?" Tanong ulit ni Eros.

I smiled.

"Eros."tawag ko sa kanya na ikinatingin niya ng seryoso sa akin.

"You need anything?"nag-aalalang tanong niya.

Umiling ako.

"Kanina sa KFC"Dahan-dahan kong sagot sa kanya.

"Kanina.... Yung tungkol kay Allen.... Kasi..."

"Hindi kita pipilitin na sabihin sa akin Riah, kung hindi mo pa kaya, makakapaghintay ako kung kailan ka handang mag kwento."putol niya sa sasabihin ko.

Yumuko ako sabay upo ko ng maayos mula sa pagkakahiga.

"Eros.... I know him.... Noon pa, kilalang-kilala ko na siya."sabi ko sa kanya sa maliit na boses.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko dahil sa pag-igting ng panga niya.

"What do you mean? Magkakakilala na kayo noon pa?" Taka niyang tanong..

Umiling ako." Ako lang, hindi niya ako naalala." I whispered.

Tumaas ang kilay niya. "What? How?"

"Mahabang kwento."

"May oras ako at makikinig ako."sagot niya sabay tingin ko sa kanya ng seryoso.

"Eros..... Si Amellia....anak namin si Amellia. Anak ko si Amellia. Ako ang Nanay ni Amellia."sunod-sunod kong wika sa kanya na halatang ikinagulat niya.

"18th birthday ko no'n ng may mangyari sa amin dahil sa kabobohan ko. At ang naging bunga ay si Amellia. Umalis ako sa orphanage kasi ayaw ko malaman nila Sister kung gaano ako ka walang kwentang tao, umalis ako kasi akala ko kaya ko buhayin ang anak ko..."

"Riah?"mahinang tawag ni Eros sa akin sa maliit na boses ng huminto ako sa pagsasalita.

I smiled.

"Wag mong pilitin kung hindi mo pa kaya sabihin lahat."nakangiting sabi niya.

Umiling-iling ako sabay punas ng pisnge ko dahil sa unti-unting pagpatak ng mga luha sa mata ko.

"Hindii. Pero mali ako.... 3 months pa lang siya no'n ng nagkaroon siya ng sakit at ang trabaho lang sa karenderya ang inaasahan ko huminto ako ng pag-aaral kaya walang-wala ako at dahil..... Kailan... Kailangan mabuhay siya iniwan ko siya sa gate nila Allen noon dahil sa umaasa akong tanggapin niya ang bata... Kasi anak niya yun... Dugo at laman niya." I shuttered.

Agad naman akong niyakap ni Eros para pakalmahin.

"Shh, tama na yan, baka mapagod ka pa ulit..."alo niya sa akin.

Umiling ako habang pait na ngumiti sa kanya ng bumitaw siya sa yakap.

"Wa-wala akong kwenta Eros..... Wa-wala akong kwe-kwentang tao... Yung anak ko... Iniwan ko ang anak ko..."hagulhol ko sa kanya.

"Wag mong sabihin yan."mariin na sagot niya sa akin sabay hawak niya sa dalawang kamay ko.

Yumuko ako..

"Ginawa mo lang ang sa tingin mong makakabuti sa kanya Riah, isa ka lang Ina na inisip ang mas makakabuti para sa anak mo. Oo, let say mali ang ginawa mong paraan, pero wala ako, kaming karapatan na husgahan ka. Bilang Ina, alam kong ginawa mo yun para mabuhay siya..."saad niya na ikinatingin ko sa kanya.

"Mali ako.... Mali ako..." I whispered.

"Mali ka sa mata ng iba, pero sa mata ko, sa mata namin nila Mama kung sakaling malaman nila 'to. Nanay ka lang, Nanay na kayang gawin ang lahat para sa kanyang anak. At isa pa. Hindi naman nasayang o nabaliwala ang ginawa mo. Buhay siya Riah, buhay si Amellia. At alam ko matutuwa siyang malaman na may Mama pa siya."

Nanlaki ang mata ko. "Hindi pwede Eros!"

Kumunot ang noo niya. "Anong hindi pwede?" Taka niyang tanong.

"Masaya ako, masaya akong malaman na buhay siya, buhay ang baby ko, pero Eros, hindi nila pwede malaman na buhay ako, at ako ang Nanay ni Amellia, ayaw kong ilayo siya sa akin ni Allen oras na makilala nila ako. Ang gusto ko lang... Gusto ko lang makita ang anak ko... Gusto ko lang makita ang ngiti niya ulit... Gusto ko lang mayakap siya ulit... Kahit imposible... Yun lang Eros, masaya na ako hindi na niya, nila kailangan malaman ang existence ko. Okay na ako makita silang dalawa na masaya, okay na akong makita na tanggap at mahal ni Allen ang anak namin kahit sa malayo lang." I said.

Tumaas ang kilay niya, tila hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Amellia deserves to know about you Riah."

I smiled." Kahit wag na, kahit hindi na. Basta ayos lang siya, basta buhay lang siya.... Hindi niya deserve ang ginawa kong pag-iwan noon sa kanya, hindi niya deserve malaman na buhay ang wala kwentang Mama niya." I cried.

"Riah."

I nodded. "Eros... May hiling lang sana ako..."

"Ano yun? Sabihin mo lang.."Aniya.

"Help me to see her. Kahit saglit lang Eros... Kahit silip lang... Gusto ko lang makita siya... I want to see her again. My Yesterday's Blessing, my baby..."

A mother's loveeeee ulitttt tayooooooooooo. Anyway abanggaaaannnnn niyooooooooo kasiiiiii araw-araw na magkikita si Allen at siyaaaa after the party next chapppppp. And yesssss, next chapp magkikitaaa na si Amellia at Riah. Huhu. Excited na koooo SA scene nilang mag-ina. HAHAHAHA... Tawa lang akooo kahit medyo bigat na ako sa scene ni Amariah.... Good morning everyone.... Take care all. Have a nice Sunday to all. I love you.

Angie.


My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon