Kabanata 4

1.9K 30 4
                                        

Kabanata 4

Tatlong buwan na simula ng nawala sa buhay ko ang anak ko, at magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ko siya naalala, araw-araw akong umiiyak sa kakaiisip kung kumusta na siya at gabi - gabi akong natutulala dahil sa kasalanan ko sa kanya bilang Ina. Ni hindi ko man siya nagawang iligtas ng hindi humihingi ng tulong sa ama niya.

Ngayon nahihirapan ako, pero kailangan ko maging matatag para sa anak ko, at para sa taong nagmahal at tumulong sa akin ng nangangailangan ako. Si Nanay Melinda.

"Doc. Kumusta po si Nanay?"nanginginig kong tanong sa Doctor na siyang nag opera kay Nanay. Dalawang buwan na kami dito sa Hospital at kahit wala akong kahit anong hawak, walang pera ay pumayag akong operahan siya, tinulungan niya ako noon ng mga panahon na ako ang nangingialangan, ngayon ako na man, ako naman ang gagawa ng paraan para sa kanya.

"Doc?" Tanong ko ulit sa Doctor ng hindi siya sumagot.

Umiling siya na siyang ikinatahimik ko.

I cried. "Hi-hindi pwede, si Na-nanay. Doc. Hi-hindi pwede." I shuttered.

"Ginawa namin ang lahat, pero, I'm sorry hija." Sagot ng Doctor sa akin na ikinatingin ko sa OR.

Hindi ko na pinanasin ang Doctor sabay pasok ko sa operating room kahit nandoon pa ang ibang nurse ay   niyakap ko agad si Nanay Melinda na siyang nagmahal at nag-alaga sa amin ni Amellia ng isang taon. Ang taong tinanggap ako ng buong puso.

I hugged her for the last time. "Nay. Sa-salamat, sa-salamat po sa lahat. Pangako, mababawi ko po si Amellia, balang-araw pangako po."

Masakit at mabigat, at kahit mahirap tinanggap ko na wala na rin si Nanay kaya kahit ayaw ko kailangan ko ibenta ang karenderya niya para mahatid ko siya sa magiging bahay niya.

"Hija, good morning ikaw ba ang katulong ni Nanay Melinda dito sa karenderya?"biglang tanong ng isang lalaki sa akin, hindi na siya bata, pero hindi din siya gano'n ka tanda. Naalala ko ang Mukha niya, madalas siyang nandito kasama ng pamilya niya kumakain.

Kakatapos lang namin ihatid si Nanay sa sementeryo at ilan sa mga kakilala niya ang sumama dito sa Bahay.

I smiled. "Opo."

"Ako nga pala si Marcus Dela Ventura at ito ang Anak ko at Asawa si Eros at Krista Dela Ventura."pakilala niya SA akin sa pamilya Niya na ngayon ay katabi niya.

"Hello po, ako po pala si Amariah Zoey Belmonte." Sagot ko sa kanila na ikinangiti nilang tatlo.

"Actually hija, madalas kami dito sa karenderya ni Nanay kumakain noon, nagkataon lang na naging abala kami sa trabaho. Gusto lang sana namin sabihin ng Asawa ko kung gusto mo, kami na ang bahala sayo. Alam namin na mas mahirap 'to sayo ngayon, kaya kung papayag ka sana, kami na ang bahala sayo." Aniya.

Nanlaki ang mata ko. Hindi ko alam kung nagbibiro lang siya o kung ano, kaya dinako ko ang tingin ko sa Asawa at Anak niya na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin.

Don't tell me, seryoso talaga sila?

"Hi-hindi ko po kayo maintindihan."nauutal kong sagot sa lalaki.

He nodded. "It's okay hija, alam namin na mahirap para sayo ang lahat ng 'to kaya hindi ka namin mamadaliin, pero kung sakaling mag desisyon ka na. Gusto namin malaman mo na, tanggap ka ng pamilya namin."he said sabay abot niya sa akin ng isang card.

"You can contact us. Nandito kami para sayo."wika naman ng Asawa niya.

I nodded. "Sa-salamat po."

Hanggang ngayon, hindi ko pa din alam kung anong gagawin ko sa buhay ko Isang linggo na simula ng nawala si Nanay at ang tanging bumubuhay lang sa akin ngayon ay ang naiwan sa pera na bayad ng bumili ng karenderya. Hindi ko alam kung hanggang kailan 'to tatagal, pero isa lang ang sigurado ako malapit na 'tong maubos.

"Hanggang kailan ka matutulala diyan?" Biglang tanong ng kung sino sa likod ko kaya agad ko itong liningun. At doon ko nakita ang Anak na lalaki ni Mr. Dela Ventura.

"S-Sir." I shuttered.

He smiled. Humakbang siya palapit sa akin na ikina- angat ko ng tingin sa kanya.

"Maupo po kayo."Yaya ko sa kanya sabay abot ko ng upuan sa kanya na siyang tinanggap niya naman.

"Hindi mo naman kailangan maging pormal sa akin. You can call me Eros."Aniya.

Yumuko ako. "Ano pong kailangan niyo?" I asked.

Seryoso naman siyang tumitig sa akin na mas lalong ikinailang ko sa kanya.

"Hindi ka pa rin ba nakakapagdesisyon hanggang ngayon?" He asked.

Dahan-dahan naman akong tumango sa kanya.

"I know it's hard to accept, hindi naman talaga madali ang lahat, pero alam kong mas ayaw ni Nanay na makita kang nahihirapan mag-isa."

"Huh?"

"Accept my father's offer Riah, hindi naman masamang tumanggap ng tulong mula sa iba diba? Tutulungan ka namin na bumangon ulit. Pag-aaralin ka ni Daddy. You can restart your life." Sagot niya na ikinatigil ko.

Hindi ko maintindihan, pero alam kong tama siya, alam kong matutulungan nila akong magsimula ulit sa simula, alam kong matutulungan nila akong makuha ang anak ko.

"Ba-bakit ako?" Taka kong tanong sa kanya.

Halatang nagulat siya sa tanong ko, pero yun talaga ang gusto kong itanong sa kanya, dahil kahit ako nagtataka din kung bakit ako gusto tulungan ng pamilya nila.

"Bakit naman hindi Ikaw?!" Tanong niya pabalik sa akin.

Umiling ako. "Nakakapagtaka lang Eros, katulong lang ako ni Nanay, pero handa kayong tulungan ako." I said.

"Wala naman tayong batas dito sa Pilipinas na bawal tumulong sa nangangailangan diba? Tsaka, ang taong katulad mo, dapat lang protektahan, hindi ka tutulungan ni Nanay Melinda, kung hindi ka karapatdapat tulungan."

"Hi-hindi lang ako makapaniwala." Bulong ko.

Seryoso naman siyang tumitig sa akin bago iabot sa akin ang isang panyo.

"Maniwala ka lang Riah, at pangako ko sayo, nandito lang ako parati para sayo, pumayag ka lang. Hinding-hindi ka namin iiwan, hinding-hindi kita  papabayaan." Sagot niya na ikinatigil ko.

"E-Eros."

Good morning.... Curious na ba lahat? Ako din eh... And yes, si Eros sa MYH at si Eros dito ay iisa lang, sabi ko naman kasi sa inyoo siya yunggg pinaka loveeee kong character sa Yesterday ehh. Anyway last chapter next na langggg ang flashback For now ito na muna happy reading....

Angie

My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon