Kung ano man ang nangyayari ngayon sa buhay ko alam kong kasalanan ko, ako ang nagsabi sa kanya na maghanap ng iba, ako ang may gustong magmahal siya ng iba, pero ako pa rin ang nasasaktan ngayon, ako pa rin ang nagdudusa ngayon.
"Mama?" Tawag ni Amellia sa akin na ngayon ay kadadating lang.
Agad- agad akong pinunasan ang luha ko, bago humarap ng nakangiti sa kanya.
"Yes baby?" I asked.
Hangga't maari, hangga't kaya ko ayoko na makita niya akong umiiyak, alam kong umaasa pa rin siya sa amin ni Allen, kahit imposible na, ayoko pa rin na masaktan siya, ilang beses ko na siyang pina- iyak at sinaktan, hindi ko na alam kung kakayanin ko pa masaktan ulit siya.
"Are you crying po?" Nag- aalalang tanong niya sa akin.
Umiling ako. "No baby, nag- usap lang kami nila Tita Kim mo. Bakit ka pala nandito?" I asked.
"Sabi po ni Mamita kakain na po tayo, bumalik na rin po kasi sila Daddy at Tita Stacey." Sagot niya na ikinatahimik ko.
Tatanggi sana ako, at aalis na lang, pero huli na dahil hinila niya na ako hanggang makarating kami sa table nila Ma'am Ayla.
Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang tumingin sa pamilya nila ng may ngiti sa labi ko, lalo na at kitang- kita ko kung paano pagsilbihan ni Allen si Stacey. Ang bigat! Ang sobra!
"Hija, Ria, mabuti nandito na kayong tatlo. Anyway, I want you to meet our family. Ito nga pala si Ason, Alex at Charlie, mga pinsan ko. At ito naman sila Chloe at Lecster anak ni Alex at ito si Von anak ni Ason, sila Marcus at Andrea naman anak ni Charlie." Pagpapakilala ni Sir Aries sa pamilya niya sa akin.
"Hello po. Good evening..."
"Siya po si Mama ko." Putol ni Amellia sa sasabihin ko na ikinangiti ko na lang.
"Hello hija, no wonder, may pinagmanahan si Amellia, parehas kayong maganda." Ani ni Ma'am Alex.
I smiled. "Thank you po."
"Mama, dito ka po sa tabi ko. Tito Lecster, kilala niyo naman po si Tito Eros po 'no? Friend niya po si Mama."
Lumingon ako kay Lecster, hindi ko alam, pero pakiramdam ko kakaiba ang tingin niya ngayon kay Eros, tingin na may galit.
"Yes, Amellia kilalang- kilala." Malamig na sagot ni Lecster kay Amellia na ikinatingin ko kay Eros na ngayon ay nakangiti habang nakatingin sa kaibigan niya.
"Okay Tito, ito rin po pala si Tita Kim, friend rin po ni Mama." Pakilala rin ni Amellia kay Kim.
"Salamat po sa pag- invite sa amin." Saad ni Kim na nagpangiti sa pamilya ni Amellia.
Hindi man ako komportable ngayon na kasama ang buong pamilya ni Allen, alam kong wala na akong magagawa, masakit man na nakikita ko kung gaano kasaya si Allen sa piling ni Stacey, titiisin ko para sa anak ko.
"So, Riah right? Boyfriend mo ba si Eros?" Tanong ni Andrea na ikinabigla ko.
Yumuko ako. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Kinakabahan ako.
"Hindi po boyfriend ni Mama si Tito, Tita Andrea, friends lang po sila." Sagot ni Amellia kay Andrea.
"Baby, remember mo sinabi ni Mamita before? Bawal sumali ang mga bata sa usapan ng mga matatanda." Usal ni Ma'am Ayla na nagpasimangot ng mukha ni Amellia.
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)
Romans(COMPLETED) (UNEDITED) Publishing Company owner x Filipino Major Amariah Zoey Belmonte 3rd year college student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino, ang babaeng handang gawin para mabuhay. Malakas at mas masipag pa siya sa k...