Nanginginig ako habang papasok sa opisina ni Allen, sabihin na nating dalawang araw na akong ganito, simula ng mag trabaho ako bilang secretary niya. Mabait naman siya sa akin, at nagpapasalamat ako kasi kahit papaano professional kung ako ay ituring niya. Ako lang at itong puso ko ang problema, ni hindi ko na nga ata alam ang salitang kalma tuwing nakikita ko siya. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa Ama siya ni Amellia, o dahil sa hanggang ngayon gusto ko pa rin siya.
"Hi, Ria? Gusto mo sumabay sa amin mag lunch?" Yaya ni Ethan sa akin, ka-trabaho ko na isa sa mga na assign sa H.R.
I smiled. "Sige..."
"Ria?" Baritong boses na pumutol sa sasabihin ko kay Ethan.
Sabay kaming lumingon ni Ethan sa likod ko, kung saan nagmula ang boses. And then, I saw Allen cold stares. Matalim ang paraan ng pagtitig niya sa amin ni Ethan na siyang pinagtataka ko.
Anong problema niya?
"
Sir." I shuttered. Damn! Bakit kailangan ko kabahan? Wala naman akong kasalanan.
"Come here, may kailangan lang akong I discussed sayo." Malamig na utos niya sa akin sabay pasok niya pabalik sa loob ng opisina niya.
"Hintayin ka na lang namin gusto mo?" Nakangiting tanong ni Ethan sa akin.
I immediately shook my head. Gusto ko man, pero mukhang badtrip si Allen.
"I'm sorry... Eth, baka sa susunod na lang? Kung okay lang, baka kasi may iuutos si Sir." Paumahin ko sa kanya.
He smiled. "Asahan ko yan, sige mauna na kami." Aniya sabay tango ko.
Pagkaalis na pagkaalis ni Ethan sa harap ko, kinuha ko muna ang cellphone ko para I text si Jackie na, hindi ako makakasama kumain sa kanya, kung hindi lang ako pinapatawag ni Allen, isasama ko sana siya sa amin ni Ethan, kaso mukhang importante ang paguusapan namin dalawa ng boss ko.
"Sir." Mahinang usal ko sa lalaking nakaupo at ngayon ay tutok na tutok sa loptop niya.
Sinirado ko ang pinto ng opisina niya, bago dahan-dahan lumapit sa kanya. Seryoso pa rin siya habang nakatitig sa loptop, ni hindi niya ata napansin na nandito na ako sa loob.
"Pinapatawag niyo po ako?" Tanong ko sa maliit na boses. Nagsisimula na naman akong kabahan ngayon, pero kailangan ko 'tong pigilan. I need to calm, especially now, na mukhang badtrip talaga siya.
"Tungkol po...." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng dahan-dahan siyang tumingin sa akin, gamit ang malamig niyang titig na siyang mas nagpakaba pa sa akin lalo.
"So, anong pinag-usapan niyo ni Ethan? At nakangiti ka pa talaga habang kausap siya?" Malamig na tanong niya.
I stopped..
"Sir..."
"Akala ko, si Jackielyn lang ang close mo dito, dalawang araw ka pa dito tama? Ang bilis mo naman ata magkaroon ng kaibigan." Muling putol niya sa sasabihin ko.
Kumunot ang noo ko. Nagsisimula na akong mairita sa kanya, bakit? Porket, bago lang ako dito sa kompanya niya, bawal na akong magkaroon ng kaibigan?
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko, bago sagutin ang tanong niya.
"I'm sorry Sir... I didn't know, na bawal po pala akong magkaroon ng kaibigan sa mga dati mo ng employee."
Hindi pa rin nawawala ang malamig na titig niya, pagkatapos kong sabihin yun, sa halip tumayo pa siya at seryosong tumitig sa akin.
"I don't mean that, ang gusto ko lang sabihin.."
I smiled. "Don't worry Sir, gets ko po ang gusto niyong sabihin. Yun lang po ba ang pag-uusapan natin?" Malumanay kong tanong sa kanya.
Ayaw ko ng pahabain ang usapan namin tungkol sa pagkakaibigan, dahil baka may masabi pa akong hindi maganda, na maging dahilan para matanggal ako sa trabaho ko, na siyang hindi pwede mangyari. I need this job! Kaya kahit siya pa ang Boss ko, titiisin at kakayanin ko, lalabanan ko 'tong nararamdaman ko para sa anak ko, para kay Amellia.
Pagkatapos kong sabihin yun, muli akong humarap sa kanya ng may ngiti sa labi. Ramdam ko na may gusto pa siyang sabihin sa akin, pero halatang pinipigilan niya. Kung anong rason, hindi ko alam at wala akong balak malaman pa.
"Sir."tawag ko ulit sa kanya.
He slowly smile at me. Kung kanina, madilim ang paraan ng pagtitig niya sa akin, ngayon unti-unti itong lumiwanag na mas pinagtaka ko..
Ano ba talagang nangyayari sa kanya?
"Stay." Sambit niya na nagpatigil sa akin.
Nanlaki ang mata ko. Hindi ko alam kung tama ang narinig ko, pero ano stay daw? Ako? Bakit?
"Po?" I asked.
"I already ordered food for lunch, para sayo at para sa akin. Join me." Mariing sagot niya.
Tumaas ang kilay ko. Kung kanina kaba ang bumabalot sa puso ko, ngayon naman parang may nagkakarera ulit sa loob nito dahil sa pabilis na pabilis na tibok niya pagkatapos marinig ang sinabi ni Allen.
"Pero..."
"Don't worry, may importante din akong sasabihin sayo regarding sa meeting na pupuntahan ko bukas. I need you to come with me. So, kailangan ko siyang I-discuss sayo as my secretary." He added na nagpatahimik sa akin.
I knew it! It's all about work, baliw lang talaga ako para lagyan ng meaning ang lahat ng mga lumalabas sa bibig niya.
Akmang sasagot pa sana ako sa kanya, ng biglang may kumatok sa pinto niya.
"Come in." Ma-awtoridad na wika niya sabay pasok ng Isang delivery boy.
"Ito na po lahat ng order niyo Sir." Ani ng lalaki sabay abot ng delivery boy sa Isang paper bag na dala niya kay Allen.
"Thanks, tell your boss na I already send the money sa bank account niya." Sagot ni Allen sabay tango ng delivery boy.
Paglabas na paglabas ng delivery boy ay siyang paglapit ni Allen sa akin.
"Let's eat, aalis pa tayo mamayang 2pm." Aniya.
Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya ng seryoso.
"Busog pa po ako Sir." I said.
Muli niya naman akong tiningnan ng seryoso pagkatapos niyang ilagay sa mesa niya ang mga pagkaing inorder.
"Sabihan niyo na lang po ako, kung aalis na tayo." Saad ko sa kanya. Sabay talikod ko sana sa kanya ng biglang hawakan niya ako sa kamay mula sa likuran ko. Na siyang ikinatigil ko ulit.
"About my attitude earlier, I'm sorry.... I'm just pissed." He murmured.
"Ayos lang po." I said.
Umiling siya. "It's not okay, pinagtaasan kita ng boses at hindi okay yun. So let me, hayaan mo akong bumawi sayo, eat with me Ri, I know, hindi ka pa kumakain. So let's eat. Please."
Good evening everyone.... Baka ilang araw ulit ako bago maka update, hanap buhay muna ako ulit. Kaya update ako ngayong gabi. Anyway jalosiii talaga sa mga susunod na chap si Allen. HAHAHAHA.... For now ito na muna happy reading. Xoxo. Thank you sa support niyo. Mahal ko kayo. Silent man o hindi.
Angie
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)
Storie d'Amore(COMPLETED) (UNEDITED) Publishing Company owner x Filipino Major Amariah Zoey Belmonte 3rd year college student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino, ang babaeng handang gawin para mabuhay. Malakas at mas masipag pa siya sa k...
