Chapter 2

6.1K 101 3
                                    


Habang nag aayos ako ng paninda kinabukasan sa pwesto ko ay narinig kong nagsalita si Aling Cynthia.

"Sofia totoo ba yung bali balita na binasted mo daw yung anak ni mayor?" Anya.

Tumingin muna ako kay aling Cynthia bago ko muling itinuon ang pansin ko sa mga isdang paninda ko.

"Opo." Sagot ko.

"Ano?! Aba'y bakit naman?" Tanong niya.

"Aling Cynthia mayaman yon. Tsaka sa guwapo non ang daming nagkakandarapang babae don. Hindi kami bagay." Sagot ko.

"Ang sabihin mo hindi seryoso sayo yon! Gagawin ka lang nong pampalipas oras!" Singit naman ni Millet.

Inirapan ko si Millet, kahit kailan talaga kontrabida ito sa akin.

"Inggit ka lang!" Sagot ko sa kanya.

"As if naman maiinggit ako sayo noh!" Anya.

"Alam mo kung wala ka namang masasabing maganda manahimik ka na lang! Pag inggit pikit!" Sabi ko saka ko siya inirapan.

"O Sofia nandiyan na manliligaw mo!" Sabi ni Aling Cynthia.

Nakita ko nga na palapit ang grupo ni Clark sa pwesto ko.

"Clark. Nandito ka na naman?" Tanong ko.

"Bibilhin ko ulit yung mga paninda mo. Ipang rerelief sana namin e." Anya.

"Ha? Ganon ba? Sige titimbangin ko lahat sandali." Sabi ko.

Tinimbang ko naman lahat ng isda.

"Pakilagay sa plastic ng tig isang kilo." Anya.

"Sige." Sabi ko.

Maya maya pa ay tinulungan niya na akong magplastic ng isda.

"Naku huwag na Clark. Malansa ang isda!" Sabi ko.

"Okey lang." Anya.

Kahit anong pigil ko sa kanya ay nagpresinta pa rin siyang maghawak at magplastic ng mga isda.

"Domeng nasa isang daang kilo lang lahat ng mga ito. Kulang pa diba?" Tanong niya sa isang tauhan niya.

"Opo ser."

"Kung kulang pa Clark kunin mo na rin itong mga paninda ni Aling Cynthia." Sabi ko.

"Okey sige. Aling Cynthia paki kilo na din po lahat yang mga paninda ninyo." Sabi niya kay Aling Cynthia.

"Naku sige po Sir!" Tuwang tuwa namang sabi ni Aling Cynthia.

At nang maikilo na lahat yon at mailagay sa lalagyan nila ay nagpaalam na si Clark. Maaga na naman akong nakauwi ng araw na yon.

"Alas nuwebe palang ah! Nakapaubos ka na?" Tanong ni lola pagdating ko sa bahay.

"Pinakyaw po lahat ni Clark. Ipang rerelief daw po nila. Pati nga kay aling Cynthia pinakyaw niya e." Kwento ko.

"Ah ganon ba?" Si lola.

"Oho. Maliligo po muna ako at amoy isda po ako." Sabi ko.

Nagtungo na ako sa banyo para maligo. Nang makaligo na ako ay lumabas ako para tingnan kung ano ang ginagawa ni lola.

"Ano po yang ginagawa mo lola?" Tanong ko.

"Gumagawa ako ng leche flan at maraming nag order sa akin para panghanda nila sa fiesta natin sa susunod na araw." Anya.

"Oo nga pala bisperas na bukas." Sabi ko.

"Oo, ipapakatay ko yung isang baboy na alaga ko. Alam mo naman tuwing fiesta dinadayo tayo ng mga kamag anak at mga kaibigan natin." Anya.

Im Inlove With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon