Nag arkila kami ng Van para ihatid kami ni Charles sa airport. Alas siete pa lang ng gabi ay umalis na kami sa bahay papunta ng airport. Pagdating ng Maynila ay naabutan namin ang mahabang traffic."Hindi ako mabubuhay sa ganitong lugar. Sobrang haba ng traffic." Sabi ko.
"Masasanay ka din sa ganito kapag nag stay ka na dito." Sagot naman ni Charles.
"Wala akong balak tumira dito sa Maynila. Masaya na ako sa probinsiya." Sabi ko.
"So mas gusto mong mapangasawa ang kagaya ni Clark kesa sa isang kagaya ko na Manila boy?" Bigla niyang tanong.
Mabilis akong napatingin sa kanya.
"Binasted ko na si Clark." Sabi ko.
"E ako kapag nanligaw sayo babastedin mo din ba ako?" Bigla niyang tanong.
Nakita kong seryoso ang mukha niya kaya alam kong hindi siya nagbibiro.
"Bolero ka din ano?" Sabi ko.
"Im not. Nagtatanong lang naman ako sayo e." Anya.
"Hay ewan ko sayo!" Sabi ko saka na muling tumingin sa bintana sa labas.
Pero naisip ko kung paano nga kung nagsasabi siya ng totoo? Paano kung manliligaw nga siya sa akin?
Ilang oras lang ay nakarating na kami sa airport. Ibinaba na namin ang mga dala naming maleta. Isang maleta lang ang dala ko at isang backpack, ganon din si Charles.
"May hihintayin lang tayong tao sandali." Anya.
Tumango naman ako. Ilang minuto lang ay may lumapit ng isang lalake kay Charles at may iniabot ditong isang brown envelope.
"Kumpleto ba lahat ng ito?" Tanong ni Charles.
"Oo, nandiyan ang passport mo at mga cards mo." Sabi ng lalake.
"Wala bang nakasunod sayo?" Tanong ulit ni Charles.
"Charles naman, alam ng lahat na patay ka na. Naiburol ka nga at nailibing diba?" Sabi ng lalake.
"But i am here. Still alive and kicking." Sabi ni Charles.
Napatingin sa akin ang lalake.
"And she is Sofia? Wow! Shes a goddess huh?" Anang lalake.
"Sige na umalis ka na." Sabi naman ni Charles.
"Okey fine!" Sabi ng lalake tsaka na mabilis na umalis.
"Halika na." Sabi naman ni Charles sa akin.
Pumasok na kami sa loob ng airport. Nagcheck in na kami at saka na kami pumasok sa may waiting area malapit sa boarding gate.
"Charles paano mo nagagamit ang passport mo kung ang alam ng lahat ay patay ka na?" Tanong ko.
"Wala akong death Certificate." Anya.
"Ha?" Naguguluhan kong tanong.
"Yung lalake kaninang nag abot ng passport ko. Kinausap ko yon para kumuha ng isang bangkay na aakalain ng lahat na ako. Hindi niya ako ginawan ng death certificate kaya malaya akong makakakilos." Anya.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Billionaire
RomanceLumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad...