Chapter 50

5.3K 92 6
                                    


Nagising ako na tahimik na ang buong kuwarto. Nakita ko si Mama at Ate Sabrina sa tabi ko.



"How's my baby?" Tanong ko.


"The baby was fine. Nagbleeding ka lang daw dahil sa nangyari sayo. But nothing to worry about sabi ng doctor." Sabi ni Mama.



Nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig yon.



"Thanks God... Si Daddy?" Tanong ko.



"Nasa presinto. Nandoon kasi yung tatlong lalakeng dumukot sayo." Sabi ni Ate Sab.



"Inamin din ba nila doon na si Charles ang mastermind?" Tanong ko.




"Sofie, its scripted. Inamin nila na sinabi nila ang mga bagay na yun sayo dahil Yun talaga ang plano. They want to ruin Charles name to you." Sabi ni Ate.


"But i heard the recordings Ate." Sabi ko.


"Ito ba yun?" Tanong ni ate tsaka may plinay sa cellphone niya.





"Dukutin nyo siya sa araw mismo ng kasal namin para hindi matuloy ang kasal. Yun lang ang alam kong paraan para makaganti sa pamilya ng babaeng yon!"


"Pero sir Charles kapag dinukot namin si Mam Belinda kayo ang pagbibintangan ng Daddy niya, kayo lang ang iisipin niyang may motibo para gawin yon."




"Shit! Nang dahil sa Belinda na yan, winasak ko ang puso ng babaeng pinakamamahal ko!"




Napaluha ako ng marinig ko ang voice recording ni Charles. Ibig sabihin putol ang ipinarinig sa akin ng mga kidnappers! Plinano talaga yun ni Belinda para magalit ako kay Charles.





"Putol ang ipinarinig nila sayo Sofie. Of course iisipin mong ikaw yon dahil dinukot ka sa araw ng kasal ninyo. Pero hindi mo man lang ba naisip lahat ng pinagdaanan ninyo ni Charles? Hindi man lang ba pumasok sa utak mo na gawa gawa lang yon ng lukaret na Belinda'ng yon?" Tanong ni Ate.




"Where's Charles?" Tanong ko.




"Nasa presinto. Ipinakulong ang sarili." Sabi ni Mama.




"Please tell him i want to talk to him." Sabi ko.





"Ayaw niyang makipag usap kahit kanino." Sabi naman ni Ate.




"Kailan ako makakalabas dito?" Tanong ko.




"Pwede ka ng lumabas bukas sabi ng doctor." Sabi naman ni Mama.





Hinintay kong makalabas ako ng hospital. Pinuntahan ko si Charles sa presinto.




"Si Mr. Fortalejo mam?" Tanong sa akin ng police.




"Yes please."





"Ayaw tumanggap ng bisita non Mam. Ewan ko ba doon at piniling magpakulong e wala naman siyang kasalanan." Sabi ng pulis.





"Pakidala mo ako sa kanya kuya, please." Sabi ko.




"Sige mam, halika po."





Sumunod naman ako sa Mamang pulis. Idinala niya ako sa selda kung nasaan si Charles. Hindi naman yon nakalock. Nakita ko si Charles na nakahiga sa ibabang kama ng double deck na nandoon.





Im Inlove With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon