After naming mag lunch ni Clark ay inihatid niya din ako kaagad sa building."Uuwi na ako ng Pangasinan, tatawagan na lang kita mamaya." Sabi ni Clark.
"Take care. Ikumusta mo na lang ako kay Miles." Sabi ko.
"Sure. Baka sa kasal na lang ng Daddy mo ako makabalik dito sa Manila." Anya.
Napakunot ang noo ko ng mapansin ko na mataman siyang nakatingin sa akin.
"Sana pagbalik ko dito sa Manila next month ako pa rin sana ang boyfriend mo." Anya.
"Syempre naman. Bakit mo naman nasabi yan?" Tanong ko.
"I know how much you love Charles before, don't let yourself fall for him again." Anya.
"Dont you trust me?" Tanong ko.
"Of course I trust you.." anya.
Hinawakan ko ang kamay niya.
"Then trust me. Sige na baka gabihin kayo sa daan." Sabi ko.
Tumango siya saka niya inilapit ang mukha niya sa akin at saka ako kinintalan ng halik sa labi. Nang matapos yon ay bumaba na ako sa kotse. Lumipat na doon ang driver niya. Kumaway pa ako bago umalis ang kotse.
Naglakad na ako papasok sa building. Sinalubong ako ni Jane.
"Mam Sofia kanina ka pa hinahanap ni Sir Charles." Anya
Tumingin ako sa relo ko. Ala una pa lang kaya hindi pa din ako late.
"Saktong 1pm pa lang ah. Hindi naman ako late." Sabi ko.
"Kailangan nyo daw kasi pumunta ng factory." Sabi ni Jane.
"Okey." Sabi ko.
Lumapit ako sa pinto at pinihit yon.
"Mam sandali!" Pigil ni Jane pero huli na, nabuksan ko na ang pinto.
Sabay na napatingin sa akin sina Charles at ang babaeng bisita nito na walang iba kundi ang mommy nya!
"Oh Im sorry, i didnt know that you have a visitor." Sabi ko na akmang isasara na ang pinto.
"Its okey Sofia. You may come in." Sabi ni Charles.
Hindi ko na itinuloy ang paglabas bagkus pumasok na ako ng tuluyan at isinara na ang pinto. Nakita ko na mataman na nakatingin sa akin ang mommy ni Charles.
"Hello Mrs. Fortalejo. Its nice to see you again." Sabi ko.
"I think i met you before, hindi ko lang maalala kung saan." Sabi ng mommy ni Charles.
"She's Tito Jacob's long lost daughter mom." Sabi ni Charles.
"I know, but i think i've already met her before." Sabi ulit ng ginang.
So hindi pala niya ako maalala? Siya pa rin naman ang mukha ko ah. Maybe dahil iba na ang stilo ng pananamit ko at pananalita ko.
"We've met before Mrs. Fortalejo." Sabi ko.
Nakita kong bigla ang pagtayo ni Charles.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Billionaire
RomanceLumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad...