Chapter 20

4.4K 86 0
                                    


Tatlong araw ang lumipas at madaling naayos ni Daddy ang mga papeles ko papuntang Australia. Iba talaga ang nagagawa ng pera.




Masaya namang kasama ang mga kapatid ko, yun nga lang medyo strikto din ang dalawang kuya namin.




Katok sa pintuan ng kuwarto ang pumukaw sa akin. Si Ate Sabrina ang pumasok.




"Sof, nasa entertainment room kami nila kuya. Lets watch some movie." Anya.




Wala ako sa mood manood ng movie pero nahihiya naman akong tanggihan ang ate ko lalo nat nasa getting to know each other stage pa lang kami.





"Halika na, nandon na sila kuya." Anya.




Nang hilain na niya ako ay wala na akong nagawa. Nanood kami ng movie sa enterteinment room. Tumulo ang luha ko sa pinapanood namin, dahil nagkataong ang nangyari sa amin ni Charles ay ang nangyari din sa pinapanood namin.





Hindi ako makahinga sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hanggang sa mapahikbi na ako. Sa puntong yon napatingin na sa akin ang mga kapatid ko.




"Hey what's wrong?" Tanong ni kuya Neil.




Hindi ako makapagsalita, hanggang sa ang impit ko na pag iyak ay nagkaroon ng tunog at napahagulgol na nga ako. Mabilis na napatayo ang tatlo at dinaluhan ako.





"Hey Sofie, is it all about the movie? Nadala ka ba or theres something else?" Nag aalalang tanong ni Ate Sabrina.





"Ang sakit! Ang sakit sakit ng ginawa niyang panloloko sa akin! I love him with all my heart pero pinaglaruan lang pala niya ako!" Sabi ko.




Nakita ko na nagtinginan silang tatlo. Maya maya pa ay umupo sa may harapan ko si Ate Sab at hinawakan ang mga kamay ko.





"Tell me who's that man? I will sue him for hurting you!" Sabi ni Ate Sab.





Ayokong malaman nila na si Charles ang lalakeng yon. Ayoko ng magkaroon pa ako ng koneksiyon sa kanya kaya umiling ako.





"Gusto ko na lang siyang kalimutan. Gustong gusto kong makalimot pero nahihirapan ako!" Sabi ko.





"Sofie look at me." Sabi ni ate.




Tumingin naman ako sa kanya.





"You are beautiful woman, Kailangan mong mag move on. Walang Williams na nagpapatalo pagdating sa pag ibig. Ipamukha mo sa lalakeng nanakit sayo na hindi siya kawalan, na kaya mo siyang kalimutan at palitan kahit ilan." Anya.





"And you are still young. Madami ka pang makikilalang iba diyan." Sabi naman ni kuya Neil.





"Sabihin mo kung sino ang lalakeng yon at buburahin namin ang mukha niya." Sabi naman ni Kuya Tyrone.





"Ayokong dungisan ninyo ang mga kamay nyo ng dahil sa akin. Siguro pipilitin ko na lang mag move on." Sabi ko naman.





"Umamin ka sa amin, nagalaw ka ba ng lalakeng nanakit sayo?" Tanong ulit ni Kuya Tyrone.





Umiling ako.




"Hindi kuya." Sabi ko.





"Mabuti naman kung ganon. Hayaan mo na lang ang lalakeng yon. Balang araw magsisisi siya sa ginawa niyang pananakit sayo." Sabi pa ni Kuya Tyrone.




Im Inlove With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon