Lumipas pa ang isang buwan na kasama namin si Charles. Si Savanah naman ay nandito pa rin at hindi pa okey ang mga papeles nila.Nasa likod bahay kami ni Savanah at nagpapakain ng mga alagang manok at bibe ni lola. Hindi na takot si Savanah ngayon sa mga hayop na alaga namin pati na rin sa baboy.
"Sofiaaaa!"
Napalundag sa gulat si Savanah kaya nabitawan niya ang lalagyan ng pagkain ng manok at mabilis na yumakap sa akin. Mabilis akong napatingin sa sumisigaw, walang iba kundi si Miles.
"Impakta ka! Nagulat na sayo ang kapatid ko!" Singhal ko sa kanya.
Mabilis naman siyang napangiwi ng makita ang nagulat na si Savanah habang nakayakap sa akin.
"Sorry." Anya sabay peace sign.
Bumuntong hininga ako saka ko tiningnan si Savanah.
"Dont be afraid, she's my bestfriend Miles. Just call him ate Miles." Sabi ko kay Savanah.
Marahan namang kumalas sa pagkakayakap sa akin si Savanah at tumingin kay Miles.
"Ay ang ganda niya! Kamukha mo siya besty!" Sabi ni Miles.
"Syempre kapatid ko." Sabi ko saka na ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
"Sayang di ko nakita si Tita Elena at yung asawa niya. Nasa Isabela kasi ako e." Anya.
"Naku di ka naman nakalimutan ni Mama. Nasa loob mga pasalubong mo galing sa kanya." Sabi ko.
"Talaga?!" Tuwang tuwang tanong ni Miles.
"Oo." Sabi ko.
"Ay maiba tayo, nasaan ang boyfie mo?" Tanong niya.
Naikwento ko na kasi sa kanya via phone na kami na nga ni Charles.
"Nasa loob ng bahay. May ginagawa sa laptop niya e, hindi ko alam kung ano." Sabi ko.
"Kailan ang kasal?" Kinikilig na tanong ni Miles.
"Sira! Wala pa!" Sabi ko naman.
"Miles, long time no see." Si Charles.
Napatingin kami sa kanya ni Miles.
"Nagbakasyon kasi kami ni Nanay sa Isabela." Sabi naman ni Miles.
"Tao po! Tao po!" Malakas na tawag ng tao sa harap bahay.
"Titingnan ko lang sandali kung sino yon." Sabi ni Charles saka na umalis.
Ilang minuto lang ay nakarinig kami ng malalakas na boses na parang nag sasagutan.
"Ano yun?" Sabi ko sabay tingin kay Miles.
Mabilis kaming pumasok sa pintuan sa likod bahay at nagpunta sa sala. Pero wala doon si Charles. Lumabas ako sa terrace at saktong sinuntok ng isang lalake si Charles.
"Charles!" Sigaw ko at mabilis kong dinaluhan si Charles.
Tumingin ako sa lalakeng sumuntok kay Charles, ang tantiya ko ay nasa edad 50 na ito at kahawig siya ni Charles!
"Sino po ba kayo at ano ang atraso sa inyo ni Charles?!" Sigaw ko sa kanila.
Mabilis kong itinayo si Charles. Napansin ko na madami itong kasamang bodyguard. Napatingin ako sa babaeng katabi ng sumuntok kay Charles. Isa itong sopistikadang babae at sa tantiya ko ay nasa late 40's ang edad nito.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Billionaire
RomanceLumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad...