Chapter 40

4.1K 82 0
                                    


One week after the incident...

Hindi na ako hinayaan ni Daddy na itrain pa ni Charles. Tutal daw ay alam ko na ang pasikot sikot sa negosyo namin kaya doon niya na ako idinala.

Nasa hapag kainan kaming lahat. Nandoon ang mga kuya namin at ang mga asawa nila. Maingay ang bahay dahil nandon ang mga anak nila.

"Sabrina, Sofia why dont you go for a vacation? Bakit hindi muna kayo magpunta ng England?" Si Daddy.

"Ayoko munang magbakasyon dad. I want to finish my paintings para sa exhibit ko after ng wedding nyo ni Ate Camilla." Sabi ko.

"Me also. Im okey here dad." Sabi naman ni Ate.

Tumingin ako kay Daddy. pinagpapalitan niya kaming tingnan ni Ate Sabrina.

"Um.. kailan mamamasyal dito si Clark?" Tanong ni Daddy.

"Sa araw ng kasal nyo ni Ate Camilla Dad." Sagot ko.

"Do you already have a plan to settle down?" Tanong ni Daddy.

"We're both busy dad." Sagot ko ulit.

Nagtitinginan silang tatlo nila kuya. Ibinaba ko ang hawak kong kubyertos.

"What is it? Spill it out now." Sabi ko.

Nakita kong bumuntong hininga si Daddy.

"It hurts to know that Charles and Zach hurt the two of you. Zach parents is my friends. Para kaming magkapatid ng Daddy niya. And Charles..."

Bumuntong hininga muna si Daddy bago ipinagpatuloy ang pagsasalita.

"He's just like a son to me. I didn't know he can do that you." Sabi ni Daddy.

"But he did. Ang kagaya lang pala ni Belinda ang mamahalin niya." Sabi ko.

"Lahat ng suntok namin sa kanya kagabi tinanggap niya. Alam niya kung ano ang pagkakamali niya Sofie." Sabi ni Kuya Tyrone.

"Kulang pa ang lahat ng yon sa kasalanang ginawa niya sa akin." Sabi ko.

"Kahit yung Zach na yon huwag magpapakita sa amin. Talagang bubugbugin din namin siya." Sabi ni kuya Neil.

"Do you think that action can solve your sisters problem? Use your mind and not your fist." Sabi naman ni Daddy.

Hindi kumibo ang dalawa kong kuya.

"Sofia, if you are angry with Charles, why did you help him and give him new product ideas?" Tanong ni Ate Laurice.

"I just want to prove him i know how to promote my product." Sabi ko.

"They already launch the products three days ago, and its booming." Sabi ni Ate Laurice.

"What?" Tanong ko.

"Mabenta ngayon ang mga sinabi mong produkto sa merkado. Milliones na naman ang iaakyat non sa mga Fortalejo." Sabi ni Kuya Neil.

"Hayaan nyo lang silang magsaya ngayon, darating din ang araw ng pagbagsak nila." Sabi ko.

"Stop this nonsense. Let them be Sofia. Bilyonaryo ang gusto mong banggain. Kayang kaya ka nilang tirisin kung kailan nila gustuhin! Huwag kayong gagawa ng bagay na ikasisira ng buong pamilya natin!" Sigaw ni Daddy saka galit na umalis sa lamesa.

Isang malalim na buntong hininga lang ang pinakawalan ko. Tama naman si Daddy pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko mapabagsak ko lang ng unti unti si Charles.

"I think Dad is right. Tama na siguro yung pananakit na ginawa natin kay Charles, Neil." Sabi ni kuya Tyrone.

"But after all the punched you give to Charles that night, He has the courage and strength to stand up and follow Sofia." Dagdag naman ni Ate Irene.

Im Inlove With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon