Kinabukasan ay maagang umalis si Kuya Tyrone kasama si Ate Laurice. Naiwan sa pangangalaga namin ni Ate si Tristan, ang tatlong taong gulang na anak ni Kuya Tyrone."Where are you going?" Tanong ko kay Ate Sabrina ng makita kong bihis sila ni Miles.
"Pupunta lang kami ni Miles sa salon. Magpapa pedi at manicure kami. Tsaka paayos ko na din buhok nitong bestfriend mo." Sabi ni Ate.
"Aba ang daya nyo ha! Iiwan nyo kami ni Tristan dito?" Sabi ko.
"Maiinip lang ang bata doon. Sandali lang naman kami." Sabi ni Ate.
Sabagay tama si Ate, baka mag iiyak lang si Tristan doon.
"Okey sige. Bilisan nyo lang ha? Mag oorder na lang ako ng pagkain online para sa lunch namin ni Tristan." Sabi ko.
"Okey sige." Sabi ni Ate.
"Hoy bruha, bukas na ang uwi natin sa Pangasinan. Kailangan nating maglinis doon para pagdating ni lola maayos ang bahay." Sabi ko.
"Oo na." Sabi ni Miles.
Lumabas na sila ng bahay. Ginamit ni ate ang kotse niya.
Habang naglalaro si Tristan ay inaayos ko naman ang mga halaman sa garden ng bahay ni Kuya Tyrone.
"Tristan dont go anywhere ok?" Sabi ko sa pamangkin ko.
"Ok, Tita." Sagot ng bata.
Inumpisahan kong ayusin ang mga nakapaso na halaman. Hindi naman siguro magagalit si Ate Laurice dahil ni rearrange ko ang garden niya. May kalahating oras yata akong nagpaka abala doon. Nang matapos ako ay naupo ako sa upuan na nandoon.
"What are you doing?" Tanong ko kay Tristan na nakaupo din.
"Painting Tita." Sagot niya.
Tiningnan ko ang mga sketchpad na nasa harapan niya. Ibat ibang kulay ng watercolor ang nakalagay doon.
"I want to be a painter like you Tita when i grow up." Sabi niya.
"Really?" Tanong ko.
"Yes tita." Anya.
Maya maya pa ay may nagdoorbell. Tumayo ako at binuksan ang gate.
"Hi mam food delivery po." Sabi ng lalake.
Lumabas ako ng gate at lumapit sa kanya. Inabot niya sa akin ang mga pagkain.
"Thank you, wait lang kukunin ko yung pambayad." Sabi ko.
"Sige po mam." Sabi ng delivery boy.
Pumasok ako ulit at inilapag ko ang mga pagkain sa lamesa kung nasaan si Tristan. Dinampot ko ang wallet ko saka ako lumabas ulit.
"Heto o. Keep the change." Sabi ko sabay abot.
"Thank you po mam." Sabi ng delivery boy.
"Hi miss sexy."
Napatingin kami ng delivery boy sa humintong kotse. Mga lalake yon na nakasakay sa topdown na kotse. Mga anak mayaman ito dahil makikita mo naman sa mga hitsura nila.
"Sige po mam." Paalam ng delivery boy.
Hindi ko naman pinansin ang mga lalake at naglakad na ako papasok sa gate. Pero laking gulat ko ng biglang hablutin ng isang lalake ang braso ko.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Billionaire
RomanceLumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad...