Chapter 12

4.4K 99 2
                                    


Nagpatuloy ang buhay ko sa kabila ng nalaman ko tungkol kay Mama. Nagbebenta pa rin ako ng isda sa palengke.


Napagkasunduan naming mamasyal ni Charles sa tabing dagat ng hapon na yon.


"Charles ano ang negosyo ninyo sa Manila?" Tanong ko.



"Our company is one of the largest branded consumer food and beverage product companies in the philippines." Anya.



"Mga chips ganon at mga softdrinks?" Tanong ko.


Tumango siya.


"Ikaw ang CEO?" Tanong ko.



"Yes. May mga factory kami."



"Hindi ba nakakapagod magpatakbo ng ganong kalaking mga negosyo?" Tanong ko.



"Nakakapagod din, pero kapag sanay ka na parang wala na lang." Anya.



"Ano na palang balita sa kaso mo? Nahuli mo na ba ang mga gumawa sayo ng masama?" Tanong ko ulit sa kanya.



"As of now, may mga suspect na kami at patuloy silang minamanmanan ni Lucas." Anya.


"Lucas?" Kunot noo kong tanong.


"Yung nag abot ng passport ko sa airport." Anya.



"Ahh..."


"Ikaw, kung pag aaralin ba kita mag aaral ka?" Tanong niya.


Napahinto ako sa paglalakad at tumingin ako sa kanya.



"Hindi mo naman obligasyon na pag aralin ako." Sabi ko.


"Gusto ko kasing makatapos ka." Anya.



"Bakit?" Kunot noo kong tanong.



"Dahil gusto kong matupad mo ang mga pangarap mo." Anya.



Nagpatuloy na ako sa paglalakad at naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin.



"Huwag na. Ayoko ng mag aral." Sabi ko.



Sinabayan niya ako sa paglalakad.



"Mas magkakaroon ka ng disenteng trabaho kung makakapag tapos ka." Anya.




"Wala akong pambayad sayo." Sabi ko.



"Wala ka namang dapat bayaran sa akin. I owe you my life remember? And besides magiging asawa din kita someday." Anya.


Nanlaki ako sa mga mata niya pero di ko maiwasang matawa.


"Ano kamo? Asawa ka diyan, e hindi pa nga kita sinasagot!" Sabi ko.


Ngumiti siya sa akin saka siya huminto sa paglalakad.



"Sasagutin mo din naman ako e." Anya.


Bahagya ko siyang hinampas sa dibdib.


"Luh! Asa ka!" Sabi ko saka ako tumakbo.



"Hoy halika nga dito!" Anya saka ako hinabol.



Para kaming mga bata na naghabulan sa tabing dagat. Masaya kaming umuwi sa bahay. Bukas ang pintuan sa harap kaya doon kami dumaan ni Charles pero nawala ang ngiti ko ng mapatingin ako sa mga taong nakaupo sa Sala.



"Sofia, anak..." Si Mama.



"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.



Napatingin ako sa lalakeng katabi niya at sa batang hawak nito na nakatingin sa akin.


Im Inlove With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon