Chapter 42

3.6K 72 0
                                    


Kinabukasan ay masaya akong bumangon sa higaan at nagbihis ng pambahay. Bumaba ako para sumabay sa kanila sa agahan.


"Good morning!" Masaya kong bati sa kanila.


Naupo na ako matapos ko silang halikan isa isa. Apat lang naman kami dito dah wala na doon ang dalawa naming kuya.

"Ang saya mo yata ngayon? Anong meron?" Tanong ni Ate Camilla.

"Wala lang. Narealized ko lang na panahon na para mag move on ako. Charles is okey now, okey na din ako kaya wala ng dahilan para isipin ko pa ang nakaraan." Sabi ko.


"So ibig sabihin kailangan ko pang maghintay ng 5 years para makapag move on?" Tanong ni Ate.


"No need to wait for that time ate. You should move on now. Dapat nga noon ko pa narealized na kailangan ko ng mag move on e. Theres a lot of men out there. Huwag mong hayaang igupo ka ng sakit at lungkot." Sabi ko.


"You are right. Kaya erase na si Zach sa akin. Hindi natin kailangan ang mga manloloko na yan." Sabi ni Ate Sab.


"Good. Para naman hindi kayo haggard sa kasal namin ng daddy nyo. Aba next month na yun." Sabi ni Ate Camilla.


"Oo na. Kukuha muna ako ng kape ko." Sabi ko at tumayo ako at tinungo ang kitchen.


Bukas ang tv doon kung saan nanonood ang mga katulong.


"Flash Report. Hindi bababa sa dalawampu nahospital matapos kumain ng isang Organic Chips na produkto ng Fortalejo Food And Beverages corporation."


Natabig ko ang tasa na may mainit na tubig ng marinig ko ang balita.


"What happened?!" Si Daddy.


Pinupulot na ng katulong namin ang tasang nabasag.

"Nothing dad, natabig ko lang ang tasa kaya nabasag." Sabi ko nandon na din sina Ate Camilla at Ate sab na nagulat din.



Napatingin ako ulit sa TV. Ganon din si Daddy.

"Ano po ang naramdaman ninyo matapos ninyong makain ang nasabing chips?" Tanong ng isang reporter sa lalakeng nasa hospital.



"Nong una po sumakit yung tiyan ko, akala ko normal lang na paghapdi pero bigla na lang po akong nakaramdam ng hilo at pagsusuka. Itinakbo na po ako ng asawa ko ng hospital." Anito.



"Hindi po tinanggap ng tagapagmana ng Fortalejo food and beverages corporation ang pag imbita namin sa kanya para kuhanan siya ng pahayag. Ayon din sa mga doctor, isang nakalalasong chemical ang natagpuan nila sa naturang produkto. Sarah Nicasio, nag uulat."



"For how many years of their business ngayon lang may nalason ng ganito sa produkto nila. At ang produktong yon ay ang idea mo." Si Daddy.


Napatingin ako kay Daddy.


"Are you saying dad na baka may kinalaman ako dito?" Tanong ko kay Daddy.

"Of course not. You cant do that things. Wala ni isa sa mga anak ko ang ganyang mag isip." Sabi ni Daddy saka na bumalik sa hapag kainan.


Sumunod kami sa kanya at naupo na sa kanya kanyang upuan para ipagpatuloy ang pagkain.

"Knowing Charles he will definitely find who's doing this. And he will show no mercy kahit sino pa ang taong yon." Sabi ni Daddy.

Tumingin ako kay Daddy at nakatingin ito sa akin. Did Amanda told him? No, hindi yon magagawa sa akin ni Amanda. I pay the price she want. Mabuti na lang at madami akong kinita sa pagpipinta ko noon sa Australia. Daddy also give me huge amount of money para daw sa 23 years na hindi niya ako nasustentuhan. Doon ko kinuha ang mga ibinabayad ko kay Amanda. Cash ang ginawa ko para hindi matrace ni Daddy na nagbibigay ako ng malaking halaga kay Amanda.


Im Inlove With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon