Chapter 3

5.3K 103 3
                                    


Araw ng linggo at hindi ako nagbenta ng isda sa palengke. Nagsimba kami ni lola. Twing linggo ay hindi ako pinapayagang magtinda ni lola. Nang makauwi na kami galing ng simbahan ay saka namin nakita ni lola na wala na kaming mga stock sa bahay.

"Ako na lang po ang pupunta sa grocery lola." Sabi ko.

"Mabuti pa nga. Masakit na ang mga tuhod ko e. Sinusumpong yata ako ng rayuma ko." Sabi niya.

"Sige po lola. Magpapantalon lang po ako sandali." Sabi ko.

Nang makapagbihis na ako ay naglakad na ako papunta sa grocery. Malapit lang naman ang palengke at grocery sa amin.

Tatatlo palang yata kaming nasa loob ng grocery. Itinulak ko ang pushcart at kumuha na ako ng mga kailangan namin ni lola. Kahit paano ay nakakaipon naman kami ni lola. Hindi naman kasi kami masyadong maluho. Minsan nga hindi pa nagpapadala sa amin si Mama.

Masipag din kasi si lola mag alaga ng mga hayop at magtanim ng gulay. Kahit nasa bahay lang siya ay kumikita siya. Minsan nagluluto siya ng mga puto or mga kakanin at pinapakyaw sa kanya ng mga nagtitinda sa palengke.

Naalala ko tuloy si Mama. Madalang lang namin siyang makausap sa telepono. Uso naman na ang video call pero ilang beses palang kaming nag usap gamit yon. May wifi naman kami sa bahay pero napakadalang lang niyang magvideocall. Panay tawag lang.

"Mommy gusto ko po non o!" Narinig kong sabi ng bata.

"Ah ito ba? O siya sige kunin mo na." Sabi naman ng ina nito.

Nakaramdam tuloy ako ng inggit sa bata. Lumaki ako na salat sa pagmamahal ng isang ina. Lumaki kasi akong nasa abroad si mama, tapos3 3 kung magbalik bayan naman siya hindi kami ganon ka close. Mas gusto ko pang si lola ang kabonding ko.

"Hold up to! Dumapa kayo! Dapa!" Biglang sigaw ng isang lalake.

Napatingin ako kung saan nanggaling ang sigaw. Dalawang lalake yon na may dalang baril. Nakaramdam ako ng matinding takot kaya mabilis akong umupo.

"Mommy!" Sigaw ng bata.

Takot na takot ito habang nakayakap sa ina niya.

Mabilis namang rumesponde ang mga pulis. Kaya sa takot ng holdaper ay hinablot niya ang isang lalake.

"Sige subukan nyong lumapit at sabog ang bungo ng lalakeng ito!" Sigaw ng isang holdaper.

Tumingin ako sa mga holdaper at sa hawak nitong isang lalake. Matipuno ang pangangatawan nito. Mukhang dayo ito base sa hitsura niya. Mukhang taga Maynila.

"Ikaw halika dito!" Sabi ng isa at bigla niya akong hinablot patayo.

"Aray Mama, masakit ha!" Sigaw ko sa lalake.

Itinulak niya ako sa tabi ng lalakeng hostage din nila.

"Nasaan ang manager ng grocery na ito?!" Tanong ng lalakeng may hawak sa akin.

"Hindi pa po dumadating." Sabi naman ng isang saleslady na nakaluhod.

"Ipunin mo lahat ng pera sa kaha at ibigay mo sa amin!" Utos ng lalake.

"Letche kuya! Ang baho naman ng hininga mo!" Sigaw ko sa lalakeng may hawak sa akin.

"Aba't maarte ka ha! Gusto mong sampalin kita?!" Singhal niya sa akin.

"Dont you ever hit her!" Mariing sabi ng lalakeng katabi ko.

"Aba inglesero! Mayaman ito pre!" Sabi ng lalakeng may hawak sa akin.

Tiningnan ko ang baril na hawak ng lalake. At napagtanto kong hindi yun totoong baril! Tiningnan ko din ang hawak na baril ng kasama nito at pareho lang sila. Lihim akong napangiti.

Im Inlove With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon