Isang linggo matapos mailibing si Charles ay lumabas ang babaeng nagpanggap na doctor at itinuro si Belinda na siya daw nag utos na gawin yon. Ikinulong din ang Daddy ni Belinda dahil sangkot ito sa lahat ng krimeng ginawa ng anak niya. Si Belinda naman ay nagtago at hindi mahanap.Kahit malungkot ako ay inudyok ko pa rin si Daddy na ituloy ang kasal nila ni Ate Camilla kahapon. Ngayon ay nasa honeymoon silang dalawa sa France. Isang linggo sila doon.
Ako naman ay nagpaalam na magbabakasyon muna sa Pangasinan, sinamahan naman ako ni Ate Sabrina dahil nag aalala siya para sa akin at sa batang nasa sinapupunan ko.
At matapos ang ilang oras na biyahe ay nakarating din kami sa Dagupan. Wala na don si Miles dahil iniuwi na siya ni Clark sa kanila.. sa susunod na buwan din ang kasal nila sa pari. Maging ang Nanay ni Miles ay wala na sa bahay namin dahil isinama ito ni Miles. Dalawang katulong na lang ang nakatira doon ngayon bilang caretaker ng bahay namin.
"I miss our old house." Sabi ko habang nakatingin ako sa up and down naming bahay.
"Okey na to sofie. Atlis kapag dumating sina Tita Elena kasya na tayong lahat." Sabi naman ni Ate.
Inakay na ako papasok sa loob ni Ate.
''Noong nandito si Charles madalas yung maglinis ng bahay, magluto, naglilinis din yon ng kulungan ng baboy at nagpapakain ng mga alagang hayop sa likod bahay. Para ngang hindi bilyonaryo e." Sabi ko saka ako naupo sa sofa.
Hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
"Hayan ka na naman. Ikukuwento mo si Charles tapos iiyak ka. Magiging iyakin yang baby mo paglabas sige ka." Sabi ni Ate.
"Namiss ko lang siya ate. Kung sanang hindi ako naghiganti sa kanya hindi sana aabot sa ganito."
"Sofia, hindi mo ginusto ang nangyari. Hindi mo naman hinangad na mamatay si Charles. He loves you so much kaya nag iwan siya ng isang buhay na mag aalaga sayo hanggang sa pagtanda mo. Sana makatagpo ako ng lalakeng katulad ni Charles." Sabi ni Ate.
"Nag iisa lang si Charles ate, wala siyang katulad."
"Malay mo meron pa diyan sa tabi tabi na para sa akin." Sabi ni Ate.
"Hi!" Masayang bati ni Miles.
Humalik siya sa amin ganon din si Clark.
"Kanina pa kayo?" Tanong ni Miles.
"Hindi, kadarating lang namin." Sabi naman ni Ate.
"Bumili kami ng pizza at garlic bread para may mamiryenda naman kayo. Namili na din kami ni Clark ng mga groceries nyo dito. Wala kasing stock dito sa bahay nyo." Sabi ni Miles.
Nang buksan niya ang lalagyan ng garlic bread at naamoy ko yon ay bumaligtad ang sikmura ko.
"Ang baho!"
Mabilis akong tumayo at tinungo ang banyo para doon magsuka. Hate na hate ko ang amoy ng bawang.
"Sofie ayos ka lang?" Narinig kong tanong ni Ate sa likod ng pinto.
"Yes im okey. Please take that garlic bread away or else I will Miles and Clark!" Sabi ko.
"Okey."
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Billionaire
RomanceLumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad...