Isang linggo na ang mabilis na lumipas buhat ng umuwi kami ni Ate galing ng Australia. Isang linggo na ring nasa bahay namin si Camilla, ang soon to be wife ni Daddy.Nasa hapag kainan ng tanghaling yon at tahimik kaming kumakain. Ramdam ko pa rin ang pagtutol ng mga kapatid ko sa mapapangasawa ni Daddy.
"Neil and I decided to leave this house." Basag ni kuya sa katahimikan.
Lahat kami ay napatingin kay Kuya Tyrone.
"What?! Kuya this is our house!" Sabi ni Ate Sab.
"We already have our own family Sab. Sayang din ang binili kong bahay kung hindi namin titirhan ng Ate Laurice mo." Sabi ni kuya.
"But kuya youre going back to Australia kaya no need na lumipat pa kayo ng bahay. Pabalik balik din naman tayo sa Australia e." Sabi ni Ate Sab.
"We need to, Sab. Nakabili na din ako ng bahay sa Subdivision na to. Nasa iisang subdivision pa rin tayo kaya huwag kang mag alala." Sabi naman ni kuya Neil.
"This is not right!" Sabi ni ate Sab.
"This is the right thing Sabrina. May mga asawa na ang mga kuya ninyo kaya dapat lang na bumukod sila." Sabi ni Daddy.
"Thats not what you've said five years ago Dad." Sabi ko.
Nasanay na din akong magkakasama kami sa iisang bahay ng mga kapatid ko at mga asawa nila kaya parang ang bigat din sa loob ko na hihiwalay na sila sa amin.
"Ang sabi mo sa akin noon, gusto mo kasama mo kaming magkakapatid sa iisang bahay kahit pa may mga asawa't anak na kami. What happened Dad?" Tanong ko.
Tumingin ako kay Camilla at saka ako tumingin ulit kay Daddy.
"Is it because Camilla wants us to be kicked out in this house?" Tanong ko.
"Dont call her by her name Sofia! Call her mommy or tita!" Sigaw sa akin ni Daddy.
"She's not my mom, daddy! And How could i call her Tita if she's just seven years older than me?! Why not ate instead?!" Sigaw ko.
Binagsak ni Daddy ang hawak niyang mga kubyertos kaya nakalikha ito ng ingay. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot ng makita ko ang galit na galit na mukha ni Daddy.
"Honey tama na." Narinig kong sabi ni Camilla.
"See what youre doing in our family?!" Sabi naman ni Ate Sab.
"Shut up! If you dont like Camilla for me then you should leave this house!" Sigaw ni Daddy.
Napanganga kami sa sinabi ni Daddy. Hindi kami makapaniwala na mas pinili niya ang babae niya kesa sa aming apat na anak niya.
Tumayo ang dalawa kong kuya kaya tumayo na din ang mga asawa nila.
"Sure dad, we're leaving this house. Make more babies with this woman." Sabi ni kuya Neil.
Hindi ko napigilan ang pamumuo ng luha ko. Tumingin ako kay Daddy.
"Why dad?" Tanong ko.
Tumingin sa akin si Daddy, nag uunahang tumulo ang mga luha sa pisngi ko.
"For twenty three years, i grew up without knowing that my father was still alive. Namuhay ako na walang ama, walang kapatid at malayo sa ina ko. Limang taon ko pa lang kayong nakakasama pero bakit ipinagkakait mo na sa akin na magkaroon ng masayang pamilya? Why you're giving us up because of Camilla?" Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Billionaire
RomanceLumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad...