Sinamahan ko nga si Charles na pumunta kami sa Mall. Bumili siya una ng cellphone, pero hindi siya kumuha ng pera sa akin. Hiniram lang niya ang cellphone ko at maya maya pa ay sinabi ng sales lady na okey na."Bayad na?" Nagtataka kong tanong.
Tumingin sa akin si Charles saka ngumiti.
"Yes." Anya.
"Ha? E nandito pa sa akin ang pera e." Sabi ko.
Nag withdraw ako kanina para pambili niya ng mga cellphone at laptop. Pati na rin ang pambili niya ng mga damit.
"I told you. I just only need cellphone." Anya.
"Ganon? Click click lang bayad na?" Sabi ko.
Tumango siya. Maya maya pa ay binuksan na niya ang binili niyang cellphone. Siguro ay inayos niya na doon ang online bank niya.
"Heto po ang mga laptop namin." Sabi ng saleslady.
Tumingin doon si Charles. Wala naman akong alam doon kaya hinayaan ko na lang siyang makipag usap sa saleslady.
Maya maya pa ay inilagay na sa shopping bag ang binili niyang laptop. At kagaya ng cellphone kanina, wala na naman kaming i ilabas na pera.
"Lets go shopping." Anya.
Tumayo naman ako at naglakad na palabas ng store na yun.
"Charles paano pala yung passport mo?" Tanong ko.
"May mag aabot non sa akin sa airport pagpunta natin ng Manila." Anya.
Kakaiba talaga ang lalakeng ito. Sino ka nga ba Charles? Gaano ka ba kayaman?
Namili siya ng mga damit at pantalon niya. May mga nakita pa akong jacket na binili niya at sapatos. Doon na ako naglabas ng pera. Maya maya pa ay idinala niya ako sa isang womens store.
"Madami akong damit." Sabi ko.
"Kailangan mong bumili ng mga long sleeves at pantalon. Kailangan mo din ng shawl. Conservative ang bansang Oman." Anya.
"Ganon ba? Sige." Sabi ko.
Namili na ako ng mga damit na gusto ko pero nagulat ako ng makita kong madami ng hawak ang saleslady na nag assist sa amin.
"Ay bakit ang dami na niyan?" Tanong ko sa saleslady.
"Yung boyfriend mo mam ang kumuha ng mga ito e. Sukat mo daw." Sabi ng saleslady.
"Jusmio!" Sabi ko.
Isinukat ko lahat ng damit at bagay lahat ng yon sa akin. Pati na ang mga pantalon. Paglabas ko sa fitting room ay nandon na si Charles.
"Did they fit to you?" Anya.
"Oo, ang gaganda nga nilang lahat." Sabi ko.
"Miss we will take them all." Sabi niya sa saleslady.
"Charles hindi!" Sabi ko.
"Just take them all. No more talking." Anya.
Wala na akong nagawa ng ilagay na lahat yon ng saleslady sa shopping bag. Pati mga sapatos at sandals na sinukat ko ay kinuha namin lahat.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Billionaire
RomanceLumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad...