Maaga akong gumising kinabukasan. Kahit dahan dahan akong kumilos ay nagising pa rin si lola."Magtitinda ka ba ngayon?" Anya.
"Opo lola. Huwag na po kayong bumangon, lalabas na po ako." Sabi ko.
Lumabas na ako ng kuwarto. Paglabas ko sa pintuan sa harap ay nakita ko si Charles na nakaupo na sa may motor at naghihintay.
"Hindi mo na ako matatakasan ngayon." Anya.
Napangiti ako sa kanya, mukhang mas maaga pa itong nagising sa akin. Lumapit na ako sa kanya.
"Halika na." Sabi ko.
"Wala ba akong good morning kiss diyan?" Anya.
"Good morning kiss ka diyan! Hindi pa nga kita sinasagot morning kiss na hinahanap mo. Halika na nga." Sabi ko.
Sumakay na ako sa loob ng side car. Iiling iling naman siyang sumakay sa motor at pinaandar na ito.
"Pagbilhan nga ako ng isang kilong bangus Sofia." Sabi ni Aling Grasya.
Nagkilo naman ako ng bangus.
"Dumating na pala ang Mama mo? Tingnan mo nga naman tatahi tahimik doon sa Oman yun pala nag asawa na doon at may anak na pa. Balita ko mayaman ang napangasawa?" Anito.
Hindi ako kumibo kay Aling Grasya.
"E balita pa doon sa atin aayusin ang mga papel nyo ng lola mo at isasama na kayo sa England." Dagdag pa nito.
"Yun ho ang sabi." Sabi ko.
"Ay kung mayaman naman pala di dapat huwag ka ng magbenta ng isda. Ang yaman yaman ng step father mo e. Yung tatay mo mayaman din diba? Bakit hindi mo hanapin?" Anya.
"Hindi ho porke mayaman na ang asawa ni Mama ay titigil na ako sa pagtitinda. Wala din ho akong balak hanapin ang ama ko. Masaya na po ako sa buhay na meron ako ngayon. Heto na ho ang bangus ninyo." Sabi ko sabay abot sa nakaplastic na bangus.
"Mukhang hindi ka nakamood ngayon? May tampuhan pa rin ba kayo ng mama mo?" Tanong niya ulit habang iniaabot ang bayad niya.
"Ay wala ho." Sagot ko.
Naramdaman niyang wala ako sa mood makipag usap kaya umalis na lang ito. Bumuntong hininga ako saka ako naupo. Tinapik naman ni Charles ang balikat ko.
"Ang daming pinapakialaman ng tsismosang yon." Sabi ko.
"Hayaan mo na." Anya.
Nang makauwi ako galing palengke ay wala sina Mama at ang asawa nito. Dumiretso na ako sa banyo para maglinis ng katawan.
Paglabas ko ng banyo ay si Charles naman ang sumunod. Nagsusuklay ako ng buhok sa kuwarto ng marinig ko ang bata na umiiyak.
"Mommy!" Sigaw nito.
Binalewala ko yon at ipinagpatuloy ang pagsusuklay ko ng buhok. Hinayaan ko lang na umiyak ang bata. Pero naririndi na ang tenga ko kaya lumabas ako. Nakita kong naglalakad ang bata at mukhang hinahanap si Mama.
Wala si lola sa loob ng bahay, siguro ay nasa likod ito at hindi namalayan na nagising na ang bata. Naalala ko ang sarili ko sa batang ito noong panahong iwan ako ni Mama at nangibang bansa na ito.
Nakita ko ang pagpasok ni Charles sa sala na galing sa kusina.
"Anong ginawa mo sa kapatid mo?" Tanong niya sa akin.
"Ha? Wala akong ginagawa diyan, kalalabas ko nga lang ng kuwarto kasi naririnig ko ngang umiiyak e." Sabi ko.
"Hey little girl, why are you crying?" Tanong ni Charles.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Billionaire
RomanceLumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad...